Chapter 32

769 23 2
                                    

***

Kc


"Mommy, are we not going inside? We've been here for that long. Are you okay now? You are crying mommy," narinig kung sabi niya.

"Okay, let's go anak," aya ko sa kaniya. Pinunasan ko ang luhang nasa gilid ng aking mata.

Nakasalubong namin si Caleb. Nagpapanic at puno ng pag-aalala ang boses na naririnig ko dito.

"My god Kc! Akala ko ano na ang nangyari sayo. Kanina ko pa kayo hinahanap. Mag start na ang program," sabi niya.

"Sorry po Tito, nabangga kasi si mommy po," paumanhin ng anak ko sa kaniya.

"It's okay baby. Okay ka lang, Kc? Shall we?" aya nito at hinawakan niya ang kamay ko para ilagay sa may braso niya. Tumango ako sa kaniya.

Pumasok kami sa loob. Medyo maingay na, kaya ramdam ko na marami ng tao siguro sa loob ng venue.

"Mommy maraming tao. They are all beautiful and handsome," paglalarawan ng anak ko. Nararamdaman ko ang tuwa at galak sa boses niya.

I heard Caleb laugh a little. Pati ako natawa rin. Ngayon lang makakakita ang anak ko ng maraming tao. Ngayon lang din siya makakaatend ng party.

"They are all looking at me. Yah, I know I'm pretty," she mumbled. Napailing na lang ako sa sinabi ng anak ko. Mas lalong lumakas ang tawa ni Caleb.

We were escorted by Caleb to our  designated seats . Hindi ko alam kung saan kami uupo banda, but I know my daughter is with me kaya alam ko sasabihin niya sa akin. Normal lang naging kilos ko. Pag nakaupo ako walang may nakakanpansin na ako ay bulag. Parang normal lang. Minsan kahit kausap na ako ng iba pag hindi naman nila ako pagmasdan ng maigi hindi rin nila nahahalata.

Wala naman katapusan ang anak ko sa kakasalita. She really described everything inside the venue kaya feeling ko nakikita ko lahat. Pati mga damit at hitsura ng tao. Saang direksyion and stage at kainan. Nasa ganoon kaming pag-uusap  ng may narinig akong nagsalita.

"Hello, mind if I sit?" tanong niya. Magandang boses ng isang may edad na babae. Maganda pang pakinggan sa tenga.

"Yes, of course you can. Have a sit madam," magalang na sagot ng anak ko.

"Wow, you are such a polite pretty girl. What's your name?" tanong niya.

" I am Adrianna Elise Montero at your service. Five years of age. How about you?"

"I'm Dr. Meriam Maidy Nicholls. The organizer of this event. It's nice to meet you pretty girl. What's the name of your companion?" narinig kung tanong niya sa anak ko patungkol sa akin.

Kung siya ang event organizer siya ang mama ni Caleb, sigurado ako. Base sa boses niya, hindi maipagkakaila na maganda ito. Nahimigan ko rin ang kabaitan niya at alam ko na nakangiti ito dahil sa boses niyang may himig ng saya.

"Hi madam, I'm... Doc- , I- i mean I'm Katie Cassidy Montero.  I am her mother," nakangiti kung pakilala rito.

"You are beautiful hija, same as your daughter. Saan ba nagpunta si Caleb at iniwan kayo? Dapat hindi niya kayo iniwan," she hissed.

A Lust To LoveWhere stories live. Discover now