Chapter 09

980 38 1
                                    

Kc

My day went well after the symposium. I didn't encounter Dr. Allen until the end of my shift. Nagpasalamat naman ako. Pero hindi mawala sa isip ko ang masama nitong tingin sa akin. Para akong napapraning sa kakaisip. Hindi ko alam kong para sa akin yong mga tingin niya kanina o para sa iba. Kami lang din naman ang nandon kanina.

Bakit ba ako affected?

Kasi type mo siya Kc! Aminin mo sa sarili mo iba ang epekto na hatid niya pag nagtatagpo kayo.

Ewan ko ba bakit gano'n ang nararamdaman ko. Ang nakakatawa pa, minsan pag kausap ko si Golem sa telepono, iniisip ko na si Doc Allen ito.

Speaking of Golem hindi rin ito nagparamdam. Kumusta kaya siya. Gosh! Hindi ko pala siya nareplyan kanina. Ang dami pa naman nitong text kaninang madaling araw. Itext ko nga.

Hottie Hon:
Busy?

Nag antay ako ng reply saglit bago sumakay sa sasakyan ko at magdrive pauwi.

Galit siguro kasi kahit isang reply hindi ko nagawa kaninang umaga. Bigla kasi akong naging busy at nakaligtaan ko na lang magreply.

Wala pa din siyang reply kaya napagpasyahan ko na lang na umuwi. Sasakay na sana ako sa aking sasakyan ng makita ko ang ina ni Dr. Allen, si Dra. Smith. Nakita din niya ako.
o
"Hi doktora! good afternoon po."  masayang bati ko rito. Nakangiti naman ito habang papalapit sa akin.

"Good afternoon Dra. Montero, pauwi kana?"

"Yes Doc, kayo po?" tanong ko dito. Gusto ko din malaman nasaan si Doc Allen. Baka magkasama sila.

" You're driving now. New car?Pauwi na rin ako, inaantay ko lang ang driver namin at malapit na raw siya." paliwanag nito. Wala akong makukuha ata na impormasyon sa kaniya.

" Yes po bago, today lang lang. My parents gave me this as a gift. First time kong magkaroon ng sasakyan ngayon. Nasanay kasi akong hatid sundo simula elementary hanggang college. "

"Your parents surely loves you. You are sheltered from everything. How I wish my daughter ay kagaya mo." malungkot itong ngumiti at nangislap ang mga mata.

"Po? May kapatid pala si Doc Allen? nagtataka ako napatanong sa kaniya.

"Yah, she's about your age. Pero hindi namin alam kong nasaan ito ngayon, kung nakakain ba o nasa mabuting kalagayan. Hindi ko alam kung buhay pa ba. Hindi ko din alam kung anu na hitsura niya." May nabanaag akong namumuong  luha sa mga mata nito. Nalungkot din ako sa nakita ko sa mga mata ni doktora. Dali dali nitong pinunasan ang mukha at ngumiti sa akin. Maaninag ang mga mata nito na puno ng pangungulila at lungkot.

Gusto ko pa sanang magtanong kaso nahiya ako. Wala akong karapatan na makiusyuso sa nangyari sa anak niya. Kahit gaano man ka gusto kung malaman out of curiosity.

"Siguro nasa mabuti siyang kalagayan kasi parati niyo siyang naalala at hindi kinalimutan. Araw araw niyo po kasing pinagdadasal ang kaligtasan niya. Maswerte po siya kasi naalala niyo pa rin siya hanggang ngayon." Ito na lang lumabas sa bibig  ko sa kawalan ng masasabi. Tipid akong ngumiti dito at gumanti rin ito ng ngiti.

Nabungaran namin ang paparating na sasakyan. Siguro ang susundo dito. Nagpaalam naman ito sa akin.

"Salamat Dra. Montero. Ang bait bait mo. Sana kasing tulad mo ang anak ko. Ingat ka sa pagmamaneho." Ngumiti ulit ito sa akin bago pumasok sa loob ng sasakyan.

Ako naman pumasok na rin. Bago ko pa man buhayin ang makina ng sasakyan ay napaisip ako. Kami kaya nina CL at Kuya Steven. Naalala kaya kami ng mga tunay naming mga magulang. Gusto ko rin silang makita pero ayoko naman malaman nina mommy na hinahanap ko ang mga ito. Ayoko silang masaktan.

A Lust To LoveWhere stories live. Discover now