Chapter 30

916 21 6
                                    

***

Kc

We are on our way to San Francisco, California. We booked a hotel. It was an open booking. Hindi kasi namin alam kung ilang days ba kami magstay. Sigurado mag eextend dahil may kasama kami na makulit na makulit.

Kasama ang buong squad. Sa pangunguna ni Master Adrianna Elise. My mommy and Nanay Lilian. Of course, manong Robert, our driver.

We are travelling by land. The travel duration is almost seven hours. Carry lang dahil may makulit kami na kasama. Pero from time to time nag nagstop over kami- kumakain, magsnack at CR. Marami nga kaming baon na dala, including mga pica-pica dahil sa request ni kulit. By the way that's how all our helpers in the house called her, 'kulit' the little wanderer.

After seven hours long travel nakarating din kami. Hindi ko man nakikita ang mga dinadaanan. Parang alam ko na din. Dinidescribe kasi ng anak ko lahat ng nakikita niya tulad nalang ngayon.

"Wow! It's a nice hotel mommy," magiliw na bulas niya. Hinawakan niya ako sa kamay at inalalayan maglakad.

"We will now go inside the hotel. It's nice my, but our house is still the most beautiful one. You know why?" tanong niya.

"Why granny Lilian? Tatay robert?" Tinatanong niya pala kaming lahat kung bakit.

"Oh, bakit apo?" tanong naman ni nanay Lilian.

"Because my beautiful momny is always in it. You are all there. That what makes it the most beautiful house!" napakasigla niyang sagot.

Pumalakpak naman si mommy. I can't help but to roll up my eyes kahit hindi naman nila nakikita dahil naka sunglasses ako. Suportado talaga si mommy.

I always wear sun glasses when I'm outside. Kaya minsan hindi nahahalata ng mga tao na bulag ako. Unless ako ay maglakad. I'm using my white cane the moment I started walking for the onlookers to recognize me as blind.

"Galing galing naman ng little princess ko. Who taught you about that?" Alam ko na inaasahan na naman ni mommy na siya ang ituturo.

"Partly, you did mommy la. But it's from my small brain. I thought about it," sabi niya sa cute na boses. Yung boses niya na pinapaintindi kay mommy para hindi magtampo at masaktan. Natawa tuloy ako.

"Let's go anak. Para makapagpahinga na tayo." Aya ko rito patungo sa reception area. Kung tama ba ako, binabase ko lang sa tunog ng bawat hakbang nila. Sumunod naman sila sa akin.

"Oh, that lady is indeed beautiful. But I guess she's blind, ayt? What a pity.. "

I heard a women made a comment over me. I just ignored it. I'm used to it already. Pag nasa labas ako yan ang naririnig ko palagi. Na sayang daw ang ganda ko dahil bulag. You don't know my story. You don't know the reason behind.

"Come mommy let's go." It was my daughter.

Ganito siya parati pag may naririnig din siya na comment sa akin. Nasasaktan ako para sa anak ko. Hindi na bali kung ako lang ang masasaktan pag makakarinig ng mga ganyang komento but not my daughter. She doesn't like to hear someone mocking me or anything not good about me.

We checked in and went inside our rooms. Kami ng anak ko ang magkasama sa isang room. Mommy and nanay Lilian in another room. Manong Robert got his own room.

A Lust To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon