Chapter 25

732 18 1
                                    

***

Kc

Ilang beses nagpunta sina mama Ellain sa bahay para sunduin ako pero hindi ako sumama. Ilang beses itong nagsorry. Gusto ko ng maawa.

Hindi ko nakita si Allen simula ng araw na 'yon. Hindi na rin ako pumasok sa hospital. Hindi ko alam if kakayanin ko pa. Ang mga sasabihin ng mga tao tungkol sa akin.

Naiisip ko pa lang ang mga usapan nila. Magiging pulutan ako sa bawat pag-uusap ng mga tao. Ayaw kong makita ang awa sa mga mata nila. Hindi ko 'yon kailangan.

Pati si papa Aaron pumunta na rin para sunduin ako. Pero hindi ako sumama. Masama pa rin ang loob ko sa kanila. Kaya bagsak ang balikat na umalis ito.

"Anak, patawarin mo na ang parents mo. I think hindi naman nila sinasadya 'yon. Nasasaktan sila. Alam ko nasasaktan ka. Pero unawain mo rin sila. At tanggapin mo na magkapatid kayo kaya malabo na maging kayo," narinig kung sabi ni mommy. Kakaalis lang kasi ni papa Aaron matapos akong subukang kausapin.

Hindi ko alam. Pero nagtatampo talaga ako sa kanila. Kaya ayaw ko munang umuwi. Baka magkita rin kami ni Allen. Ikakasal na siya. Ayoko rin kasi dumalo. Hindi ko alam kung bongga ang kasal nila or civil lang. Wala na rin akong pakialam.

Halos isang linggo rin akong nagstay sa bahay. Nakatulala lang ako sa kwarto most of the time. Minsan dinadalaw ako ni CL at kinakausap ni kuya Steven. Wala akong balita sa isa kung pamilya dahil hindi na nagkekwento sina mommy.

"Princess, are you okay now?" It was mom. Parati niya akong kinakausap. Tinatanong kung ano ang gusto ko.

"You want us to travel the world? So you can clear your mind. Don't just stay here and do nothing anak. You are still young. You need to be free and enjoying life. If gusto mo punta tayo ng US at doon ka mag residency. Gusto mo yun?" patuloy nitong pangungumbinsi sa akin.

"I don't know mom. Wala akong matinong maiisip. I'm tired and lazy to do some things," sabi ko sa kaniya. Hindi ko rin kasi maintintindihan ang nangyayari sa aking katawan. Tamad na tamad akong bumangon sa umaga. Nahihilo ako minsan. Siguro I need some vitamin D.

The next day lumabas na ako ng kwarto. Nagpupunta ng hardin. "Anak, mag snack ka muna. Ginawan kita ng paborito mo." Cheese cake ang tinutukoy ni Nanay Lilian. It's my favorite snack, dahil yun ang ginagawa ni Allen para sa akin.

"Hi loves, you okay now? Tara bar tayo." Nasorpresa naman ako sa pagdating ni CL. Hindi ako sanay sa bar dahil hindi pa ako nakakapunta kahit na matalik kaming magkaibigan. When it comes to her vices- drinking and going to bars, hindi niya ako ini- influence.

Pero ngayon parang gusto kung itry. Wala naman mawawala. It's time to spread my wings and enjoy life. I've been a good daughter all my life. Kahit ngayon lang. Magpapaalam ako kina mommy. Si CL naman ang aking kasama kaya for sure papayag sila.

"Okay, I'll ask permission kina mommy,"sagot ko sa kaniya. Lumapad naman ang ngiti nito. Parang hindi makapaniwala. Dati kasi pag pinapasama niya ako hindi ako pumapayag.

"OMG loves! Nag iba kana talaga. Okay come on let's plan on what you're gonna wear. You need to look hot. It's time to look for another guy."

Parang walang nangyari. Hindi rin si CL nag open about what happened to Allen. Siguro kasal na ito. Need ko ng tanggapin na wala na talaga. Wala na akong laban. Legal na siyang may asawa. Hindi lang incest ang magaganap. Magiging kabit pa ako. At yun ang ayoko kung mangyari.

Pumayag sina mommy since kasama ko si CL at susunduin kami ni kuya Steven after. Nakabihis na kaming dalawa.

I wore a spaghetti strap white fitted crop top and a fitted old rose color skirt, above the knee length, with a slit on the side. Paired with three inches nude pumps. Hapit na hapit sa aking katawan. While CL wore a beige color lacey terno spaghetti strap crop top and a booty shorts. Paired with a black boots two inches high at hanggang knee ang haba sa kaniya.

A Lust To LoveWhere stories live. Discover now