Chapter 26

717 20 4
                                    

***

Kc

Everyday kaming nagkikita ni Laarni. I don't know bakit nandito sila ni Allen. Napansin ko rin na nasa bahay lang siya at hindi nagpupunta sa hospital, maybe because of her pregnancy.

Ayaw na ayaw ng mga kasambahay sa kaniya. Nakita ko rin paano niya sigawan ang mga kasambahay. Parang hindi siya doctor. Naging demonyo. Hindi ko akalain na dalawang katauhan ang pinapakita niya. Ang bait bait niya pagkaharap ang mga magulang ko at si Allen. Pero nagiging demonyeta siya pag kami na nag kaharap niya.

"Ang sama-sama ng ugali. Sana hindi manahin ng anak niya ang kasamaan niya. Pag hindi ako makatiis aalis talaga ako dito kahit pa matagal na ako," sabi ng isang kasambahay kay manang.

Nakikinig lang ako. Ayokong mag comment sa bahay na'to. Hindi ito ang aking nasasakupan. Wala akong kakampi dito. Nagtitiis lang ako kasi ilang sandali na lang at aalis na ako rito.

"Oh, hi Kc. Balita ko tapos na pala ang second year residency mo at balak mong umalis. Hindi mo ba kaya ang MNH? Akala ko pa naman matalino ka," she mockingly told me.

" Ano sayo?" mataray ko namang sabi sa kaniya.

"Wala naman. Kaya ka ba aalis kasi hindi mo kayang nakikita na ang lalaking mahal na mahal mo kapatid mo pala and worst may asawa na."

"Iyong iyo na siya. Bagay naman kayo. Sana lang hindi magmana sayo ang pamangkin ko." Mataray kung sabi sa kaniya at agad itong tinalikuran. Hindi ko na narinig ang mga sinabi niya. Lumabas ako ng bahay at sa hardin nagpalipas ng oras.

Gusto ko sanang sa bahay nina mommy na lang tumira. Pero nakiusap si mama Ellain na dito ako hanggang sa matapos ang aking mga dapat tapusin. Nagka-usap na rin kami ni mommy. Ang plano kung pag-alis.

Nakaamoy ako ng mabaho. Parang may nasusunog. Ayoko ng amoy kaya lumabas ako.

"Manang, ano po yang amoy ang baho naman." Nakita ko siyang nag susunog ng mga papel.

"Paumanhin anak. Utos kasi ito ni Dra. Laarni. Doon kasi sila natutulog sa inabanduna na malaking kwarto. Ayaw kasi gamitin ni Allen ang kwarto niya. Gusto naman ng babae na sunugin ang mga nakatambak na papel," paliwanag nito.

"Okay lang po. Papasok na lang ako. Nahihilo at nasusuka po kasi ako sa amoy," paalam ko dito.

Pumasok ako at umakyat sa taas. Magkulong na lang ulit ako sa kwarto. Bigla naman lumabas si Laarni galing sa kwarto nila. Iba nga ang ginamit nila. Hindi sa kwarto ni Allen.

"Oh dito ka pa pala. Akala ko pa naman aalis kana. What made you stay? Umaasa ka pa rin ba? Hindi ka ba kinikilabutan?" mapanuya niyang sabi.

"Back off Laarni. I don't want to argue with you," banta ko sa kaniya.

"Why? Pwede ba umalis kana dito? Mula ng dumating ka sa hospital nagkagulo na ang mga tao sa bahay na ito. Pati sina mom and dad nag aaway. Alam mo ba na si Daddy and Allen hindi sila okay ng dahil sayo? Lahat na lang ng dahil sayo. Pati kwarto ni Allen off limits. Hindi ko alam ano ang tinatago niya. Pero sure ako it was related to you.

You know what. I really don't like you from the start. Akala mo naman makukuha mo ang loob ni daddy kasi anak ka nila. You can please dad unless you can manage the hospital.

Hindi ko rin alam kung ano ang pinakain mo kay Allen. Halos mabaliw sayo. Hindi naman siya ganyan. Salot ka talaga. Kaya please lang umalis ka na lang at ng magkaroon na ng katahimikan ang bahay na'to." Mahabang sabi nito.

A Lust To LoveWhere stories live. Discover now