CHAPTER 128: Shinichi's Date

Start from the beginning
                                    

"Sus! Sumama ka na kasi! Ang Kj mo na naman eh!"pagmamaktol pa nya. Marahas kong ginulo ang nakagel kong buhok at tumayo na upang umakyat sa kwarto ko.

"Tsk! Oo na sige sige! Kulit mo!"

"Omo thank you stupid! Hihihi"

Padabog akong umakyat sa kwarto ko dahil naiinis na talaga ako. Hindi ako makakapagpahinga bukas dahil mukhang ako ang pagdadalhan ni Ate ng mga bibilhin nya sa mall. Tss, that spoiled woman!

Inihiga ko ang sarili sa kama at saglit na ipinikit muli ang mga mata. Hindi ko alam kung bakit parang pagod na pagod ako sa araw na ito. Sari-saring mga emosyon ang nabuo ngayon dahil sa mga nangyayari. Hays, hindi ko inakalang magkakaganito ako ngayon. 

Halos nakaidlip ako ngayon. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko at halos parang hindi ako mapakali. Nababalisa at natatakot. Inis at panibugho. 

Aishh....

Hindi naman ako ganito noon ah. Anong nangyayari sa akin?

Kringgggg-----

Alomira's Calling...

Eh?

Walang bahid ng emosyon ko iyong tinitigan. Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa dinedelete ang contact ng babaeng ito sa akin. Napakaraming sakit ang naidulot nya pero parang ang lahat ng iyon ay hindi ko na maramdaman pa ngayon. Wala akong makapa sa sarili ko. 

Hindi ko alam kung bakit tumatawag ang babaeng ito sa akin ngayon, pero pakiramdam ko...kailangan ko iyon sagutin.

Kinuha ko ang phone at sinagot ang tawag, pero walang lumitaw na salita sa mga labi ko.

"J-JD?..."si Aoko na mismo ang tumawag. Ngunit hindi pa rin ako nagsasalita.

"J-JD...I-I--"

"What do you want?" I asked her in serious tone. I hear her silent tears.

"J-Jehridale...I love y--"

"Fuck all of you want Alomira, I don't care"

"Oh..."may panghihinayang sa boses nya at saka tumawa ng mahina, mukhang lasing yata, "I don't care too, because all I want is your love babe.."

"What?" I was in histerical but calm down while she's telling me this. Huh! As if I care now, kahit magpakalasing nga sya, hindi nya ako mapapalabas ng bahay para lang masundo ko sya at maihatid sa bahay nila. No way. It's too cliche anymore. And I have my own mindset, ex is only ex, no more connection, no more nor less.

"I want to see you love...please?" she was about to say those words while she was so drunk. Awful.

"Oh my god ka talaga girl!" I heard Lyca shouts. Sigurado ay kasama nya ang kanyang kaibigan habang nagiinuman sila. Nahahalata ko rin na malamang ay nasa bar ang mga ito dahil sa maingay na paligid.

"You're so drunk! Ugh I can't get you with this!" iritado ding sigaw nya malamang kay Alomira.

"A-Ah hehehehe....n-no i-it's okay....I-I have been this call for my babe.."

"What on Earth are--wait what?!" napasigaw na naman sya, "you are calling to Jehridale! Hang it up!"

"What is happening?"hindi na nakaligtas sa akin ang marinig na tumatawa na ng malakas si Aoko at kasabay niyon ang kanyang pagiyak. 

"Akin na nga ang phone mo!" rinig ko pa ring pakikipag-agaw ni Lyca kay Aoko. Hindi ko na alam ang nangyayari dahil wala naman na akong pakialam pa.

THE UNEXPECTED Season 2Where stories live. Discover now