Prologue

238 11 0
                                    

WARNING:
THIS STORY CONTAINS SENSITIVE AND TRIGGERING SCENES THAT NEEDS GUIDANCE TO YOUNGER AUDIENCES. STRONG LANGUAGE, AND EXPLICIT WORDS AHEAD. FEEL FREE TO SKIP THIS STORY IF YOU WISH TO.
***


Nasaan ka na? Lasing na si Dramos, wala ka pa rin!

I rolled my eyes and immediately deleted the message from Dasha. Sumilip akong muli mula sa pader kung saan ako nagtatago at nakita ang daddy ko na nasa sala, sa ibaba. The radiation of his laptop was reflecting on his face while staring at the photo he was holding. Ilang oras na s'yang nakaupo roon at nakatitig sa litrato na 'yon. Kanina ko pa rin gustong umalis ngunit paniguradong pagagalitan n'ya ako kasi gabi na.

I turned my phone off when my friends started calling me. Hindi na talaga sila makapahintay. Nang muli kong sinilip ang daddy ko, nasa ganoon pa rin s'yang posisyon.

Come on, dad! Matulog ka na!

Napaayos kaagad ako ng tayo nang mag-ring ang cellphone n'ya. He wiped his eyes before answering the call. Tumayo s'ya at pumunta sa kusina.

That's it! That's my cue. Naghintay muna ako ng ilang segundo bago dahan-dahang bumaba ng hagdan. I gently pulled the giant doors, trying my very best to refrain from creating any noise that could make my mission to escape failed.

Mukhang wala sa sarili si daddy habang nagtitimpla ng kape n'ya kaya hindi man lang n'ya ako napansin hanggang sa tuluyan akong makalabas. The cold air greeted me, making me shivered. Nilapag ko ang heels ko sa sahig at mabilis na isinuot 'yon. Madilim na ang bahay ng mga kapitbahay namin at tahimik na rin. Hindi na ako nagtagal at lumakad na rin paalis bago pa ako tuluyang mahuli.

"Sa wakas! Dumating ka rin!"

The ever loud Dasha greeted me. I scanned her from head to toe. In fareness, mukha s'yang tao ngayon.

"Ano ba 'to? Bakit ba tayo nandito? Hindi pa naman tayo gagraduate," I complained. Pinagmasdan ko ang kabuuan at halos karamihan ay lasing na at puro estudyante pa. "Saka, bakit walang mga teacher dito? Bawal 'to 'di ba?" Dashana just shrugged.

"Party raw eh," she replied. "Hindi ko nga rin gets. Tara, dito tayo. Nandito sila."

She pulled me towards the round table where I saw our friends and some of their basketball team talking. Unang tumama ang tingin ko kay Dramos na may kasamang babae na naman. Iba 'yon kumpara sa kasama n'ya noong nakaraan.

He was already drunk based on his actions. Halos nakasandal na s'ya sa babae na hindi ko alam kung saang lupalop n'ya nakilala. Faber and Keere was also here, they were still sober.

"Buti may time kang pumunta?" Bumaling ako kay Faber nang makaupo ako. Nakatingin lang s'ya sa baso n'ya at hindi man lang nag-aangat ng tingin. Mukhang wala pa s'yang tulog. His lips curved, showing a pair of small dimples.

"Kailangan ko rin ng break," malumanay na sagot n'ya.

Sa amin kasi s'ya ang hindi mahilig sa mga ganitong party. Mas gugustuhin n'ya na lang na magbasa ng libro. Hindi ko naman alam na puro pala estudyante rito at halos walang mga teacher. Sa bagay, nahatak lang din naman ako ni Dasha at napilitang sumama.

"Eh, si Finn? Nasaan?"

"S-si Finn?" Nagmulat si Dramos ng isang mata. "B-baka n-naroon. N-nakikipag-momol."

"Yeah right." I rolled my eyes. Sinalinan ko ang baso ko ng beer at uminom. Wala naman akong masyadong kilala rito kasi 'di naman namin sila kabatch ni Dashana at ni Dramos.

"B-bakit ba ganyan kayong mga GAS?"

Lumipat ang tingin ko sa isa sa mga tropa nila na nasa table din. Sa tono ng boses n'ya, mukha na rin s'yang tinatamaan ng alak.

Catmint Series 2: Engr. Finn David VernonWhere stories live. Discover now