"Sorry Lee, kasalanan ko to" biglang sabi niya sa akin.


"Okay lang yun, aksidente naman yung nangyari" sagot ko sa kanya.


"Yan?...ahmm....ako ba talaga yung nakakuha nung first kiss mo?" biglang tanong ko sa kanya at tukso na rin para mawala naman yung awkward feeling namin sa isa't isa. Namumula naman ito at umiwas ng tingin sa akin.


"Sa lahat ng pwede mong itanong sa akin, yun talaga pumasok sa isip mo noh?" sagot naman niya.


"Eh kasi naman sa lahat ng pwedeng maging reaction ng bestfriend mo yun kasi isinigaw niya" at ginaya ko nga si Joy.


"Best! Yung first kiss mo!" sabay tawa ko ng malakas dito, sumabay naman siya sa tawa ko. Yung maririnig lang sa paligid namin yung tawa namin, parang kami lang dalawa yung nakikita ko. Pero nawala yung moment na yun ng tinukso kami ni Andy.


"Uy, share naman kayo diyan. Mukhang nagkakamabutihan na kayo ah!" tukso nito.


"Wala ka pala kay H Andy eh!" tukso ni Nelson ang mapang-asar talaga ng banda.


"Uyy.. bagay kayo ni Lilian H" tukso din ni Mike.


"Pwede ba tigilan niyo na kami, pulang-pula na si Yan oh!" saway ko naman sa kanila.


"Hindi lang si Yan ang namumula H, ikaw din oh!" tukso din ni Yuri. Hay..pati ba naman siya makikitukso din.


"Sige na guys tama na yan, magrereview pa tayo" saway naman ni Oliver sa kanila. Hay..salamat at nandiyan si Oliver.


"Huwag mo nang pansinin yung mga baliw na yun" sabi ko kay Yan.


"Okay lang, medyo sanay na din naman ako sa kanila" sagot naman niya ng nakangiti, napangiti na din ako sa ngiti niya.


Matapos ang additional two hours na review at dinner, natapos na din kami sa pagre-review. May konti pang dapat i-review at napagdesisyunan nalang namin na magkanya-kanya nalang sa natitirang topic.


Hinatid ko na sila sa labas ng gate at sabay-sabay na silang pumasok sa kanya-kanyang sasakyan. Si Andy na ang naghatid kay Sarah dahil siya din naman ang nagsundo dito. Si Mike, Nelson at Oliver naman ay may kanya-kanyang sasakyan habang si Richard naman ang maghahatid sa gf nito at kay Yan dahil nasa iisang apartment lang naman sina Joy at Yan nakatira. Si Yuri naman ay nagpasundo nalang kay Mang Carlos ang family driver nila.


"Bye H" sabay-sabay nilang kaway sa akin.


"Bye Hailey" sigaw ni Sarah.


"Bye Lee" kaway din ni Yan na nagpangiti sa akin.


"Bye guys, bye Yan" sagot at kaway ko naman sa kanila.


Pagkatapos ko magpaalam sa kanila, dumiretso na agad ako sa kwarto ko at nahiga na sa kama. Napahawak naman ako sa labi ko na hanggang ngayon nararamdaman ko pa din ang labi ni Yan dito. Bumilis agad ang tibok ng puso ko at nagrarambulan nanaman ang mga paru-paro sa aking tiyan. Matagal na din nung huli akong makaramdam ng ganito ka-special na feeling.


Siguro nga special ang nararamdaman ko kay Yan or gusto ko na siya or baka maha-...hay...hindi pa rin ako sigurado. Alam ko natatakot ako sa nararamdaman ko sa kanya.


Nakatulog naman ako sa ganun kalalim na pag-iisip at nagising sa ringtone ng phone ko.


"Hello" antok pa na sagot ko sa kabilang linya ng hindi man lang tinitingnan kung sino nga kaya ang kausap ko.


"H, alam mo na ba?..bumalik na siya H" natatarantang sagot ni tigre.


"Teka nga Yuri, anong alam ko na? At sinong bumalik?" takang tanong ko naman habang nakapikit pa din.


"Si Faith!!!..


Si Faith!!!..


Si Faith!!!..


Si Faith!!!..


Si Faith!!!.." bigla ko na lang nabitawan yung phone ko at nawala bigla ang antok ko. Bumalik na siya?..


*****

A/N: Malalaman niyo na sa next chapter ang history nina Yuri, Hailey at Faith, kung sino nga ba ito sa buhay nila.

Any thoughts???

Thanks for reading :])

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Where stories live. Discover now