Epilogue

5.7K 273 237
                                    

Maingay, magulo, puro building, kung saan-saan nakakalat ang mga basura, mausok at mainit. Iyan ang mga bumungad sa akin nang isama ako ni Ate papunta sa Makati nang mag-OJT siya. I was excited to go to other places then and explore. Bukod kasi sa Quezon ay wala pa akong ibang napupuntahan. That's why I felt excited nang isama ako ni Ate sa lungsod. Only to be fed by disappointment.

Akala ko maganda rito. Iyon pala, puro polusyon lang. Ang taas pa ng baha sa tuwing umuulan. This place is so toxic, hindi ko kakayaning magtagal dito.

"Kahel, dito ka lang baka mahagip ka ng mga dumadaang sasakyan. Ang bibilis pa naman nila magpatakbo." pagsaway sa akin ni Ate Violet nang makita na malapit na ako sa may kalsada. Umuulan ngayon kaya nakasilong kami sa ilalim ng covered walk.

Maalinsangan ang singaw ng kalsada kahit umuulan. Palibhasa'y maaraw kaninang umaga.

"Ate, kailan ba tayo makakahanap ng masasakyan?" inip na anas ko. Ito ang araw na babalik na kami sa Quezon. Gustong-gusto ko nang bumalik sa probinsya.

"Mamaya, magpatila muna tayo ng ulan."

Bumuntong-hininga ako dahil pakiramdam ko ay hindi ko na kayang maghintay. Atat na atat na akong umuwi. Humigpit ang hawak ko sa strap ng back pack na dala. Nanatili ang tingin ko sa unahan at pinapanood ang mga dumadaang sasakyan.

Maya-maya ay napaatras ako nang biglang may sumagi sa akin. Napatingin ako sa gilid ko at doon nakita ang isang maputing babae na halatang kaedaran ko lang. Hinihingal siya at basa ng ulan ang buhok.

"S-sorry." paghingi niya ng paumanhin sa akin. Kumunot lang ang noo ko at tinitigan siya. Bahagya siyang lumayo sa akin na parang nahiya.

Binalik ko naman ang atensyon sa unahan pero pasimple akong nagnanakaw ng tingin sa kaniya.

"Oh." inabot ko ang puting panyo ko sa kaniya. Gulat siyang napatingin sa akin at saka dali-daling tinanggap ang panyo na parang nahihiya.

"Salamat." tumango lang ako at ibinalik ang tingin sa mga dumadaang sasakyan. Kita ko sa gilid ng mata ko na nagsisimula na niyang punasan ang mukha at braso na nabasa ng ulan. Sa pagiging abala niya ay doon ako tuluyang humarap sa kaniya at pinagmasdan ang kaniyang kabuuan.

Katamtaman ang tangkad. Sobrang puti at makinis ang balat. Itim na itim ang buhok at mata. Bumaba ang tingin ko sa ilong niyang matangos lalo na kapag nakatagilid. Mamula-mula ang pisngi niya at ganoon din ang labi.

Umiwas ako ng tingin nang matapos siya sa pagpupunas ng sarili. Kita ko ang pagdadalawang-isip niya kung ibabalik ba sa akin ang panyo o hindi. Hindi naman ako nagsalita. Nagpanggap akong walang pakialam sa kaniya.

"Uhm... sorry dito sa panyo mo. Nabasa na kasi, lalabhan ko na lang muna-

"Sa'yo na 'yan. Ayoko nang gamitin pa iyan." pagsusungit ko sa kaniya. Iniwasan kong tumingin ng diretso sa mata niya. Kita ko na natigilan siya sa inasta ko. Saglit siyang natahimik. Nanatili naman akong nakatingin sa unahan.

"A-ako nga pala si Ana. Ikaw anong pangalan mo?" pagkausap niya sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

Ana... her name suits her very well. It's so soft for a name... just like her personality.

"Tumila na ang ulan, tara na kapatid." pagtawag sa akin ni Ate Violet. Napapikit ako ng mariin sa inis. Ngayon ay parang biglang ayaw ko pang umalis. "Tara na, kanina ka pa atat na atat na umuwi riyan." marahan akong tinapik ni Ate. May tumigil na kasing isang jeep sa unahan namin. Ito ang sasakyan namin patungo sa terminal ng mga bus pabalik sa probinsya.

Muli akong napapikit ng mariin.

Gusto ko pa sanang magtagal... kahit ilang minuto na lang... pero wala na.

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now