Chapter 5

2.7K 186 19
                                    

"Anastacia, sigurado ka bang kaya mo nang pumunta sa school ng mag-isa?" Paninigurado sa akin ni Lola umaga ng lunes. Nasa bakuran na ako ngayon at handa nang umalis. Suot ko ang dati kong uniform dahil wala namang pinagkaiba ang uniform sa bagong school na papasukan ko at noong dati.

"Kaya ko na po. Tanda ko naman kung paano sasakay papunta roon." I smiled at her. Maging si Lolo ay hindi rin mapakali. Aniya'y ihahatid niya raw muna ako bago ako bumyahe mag-isa bukas.

Kuya Gilbert already left the house early in the morning. Bago pa lamang ako gigising ay paalis na kaagad siya. He bid goodbye to me and kissed me before leaving the house.

"Bye Lolo! Bye Lola!" Kumaway ako sa kanila habang patungo ako sa medyo magubat na daan. Muntik pa akong matawa sa mga itsura nila. Parang nahawa na sila kay Kuya na masyadong overprotective pagdating sa akin.

I assured them that I can handle myself. Paano nga naman ako matututo kung palagi silang nakabantay sa akin bawat kilos ko. Darating ang pagkakataon na hindi na nila ako masasamahan kaya habang maaga pa lang ay mabuti nang matuto ako kung paano alagaan ang sarili ko.

"Sa LNHS po." Saad ko sa isang tricycle driver na nasa unahan. Saglit pa niya akong tinitigan na para bang inaalam kung sino ako. Nahihiya akong nagbaba ng tingin dahil hindi ako sanay sa tinginan nila.

"Sakay na." Tahimik lamang akong palinga-linga habang nasa loob ng sasakyan. Pilit kong kinakalaban ang matinding kaba na nararamdaman dahil sa bagong paligid na gagalawan. Kailangan kong masanay na hindi ako kaagad tatanggapin ng mga tao. Hindi magtatagal ay masasanay din ako. Kailangan ko lang makisabay sa kanila at mag-adjust dahil ako ang bagong salta.

"Ikaw iyong transferee 'di ba?" Tumango ako sa school guard. Kakaunti pa lang ang mga estudyante. Ang iba naman ay hindi pa nahahalata na bago ako sa school na ito. "Magpagawa ka na kaagad ng I. D. mo sa admin office. Libre naman iyon."

"Salamat po." Tumango ako muli at bahagyang ngumiti sa guard. Ngumiti rin siya sa akin.

Dumiretso ako sa itunuro sa aking classroom ni Ms. Ladines noong nakaraang lunes. Nakababa lamang ako ng tingin sa lupa dahil nahihiya akong salubungin ang tingin ng mga tao. Nang makarating ako sa classroom ay malaki ang pasasalamat ko na iisa pa lamang ang tao. Babae ito at nakaupo sa unahan. Siguro siya ang may dala ng susi kaya siya ang kaagapang pumasok.

Napatingin siya sa akin at matagal akong tinitigan. Nahiya naman ako kaya mabilis akong dumiretso sa hulihang bahagi ng classroom. Maaga pa naman kaya siguro kakaunti pa lang ang mga dumadating na estudyante.

Habang lumilipas ang oras ay mas lalo akong kinakabahan dahil parami na rin nang parami ang mga dumarating na kaklase ko. Hindi ko man sila tingnan ay ramdam ko pa rin ang mga titig nila sa akin. Naririnig ko rin ang mga mahihinang bulungan nila sa unahan. Inaasahan ko naman na talaga ito, kaso hindi ko talaga kayang masanay kaagad.

"Transferee?" Dinig kong tanong ng isa. Mas lalo akong nagbaba ng tingin sa lupa. Nahihiya akong tingnan sila. Nahihiya akong malaman na ako ang kakaiba sa mundong ginagalawan nila.

"Excuse me?" Napaangat ang tingin ko sa babaeng nagsalita. Bahagya pa akong nagulat nang mamukhaan siya. Siya iyong babaeng kasama ni Kahel sa tarpaulin ng school.

"B-bakit?" Kinakabahang tanong ko.

"Upuan ko kasi iyan." Saad niya. Nahihiya akong humingi ng paumanhin at humanap na lamang ng ibang mauupuan. Nawalan ako ng pag-asa nang makita na halos lahat ng silya ay okupado na.

Napabuntong-hininga ako saka lumabas na lamang ng classroom. Maghihintay na lang ako hanggang sa dumating silang lahat. Saka na lamang ako uupo kapag may bakante pang silya. Maya-maya lamang ay nadatnan ko si Kahel na papasok ng classroom. Tatawagin ko na sana siya kaso nga lang nahalata ko na kaagad na hindi maganda ang timpla ng itsura niya. Nakakunot na nakakunot ang noo niya at mistulang galit.

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now