Chapter 38

2.2K 135 51
                                    

"You okay?" Diego asked me worriedly while we are silently watching our batchmates have fun. Tumikhim ako at pasimpleng lumayo sa kaniya. This is our second night in the beach. Nothing really happened this morning except from the food and swimming.

"Y-yes." iniwas ko ang tingin sa gawi nina Kahel at Emily na tahimik na nag-uusap habang may kaniya-kaniyang hawak na bote ng alak.

I sipped on my drinks and stared at them for the hundredth of times. It's already evening. Maraming handang pagkain sa harap at mga inumin. Maingay ang paligid dahil sa speaker at magulo dahil sa mga nagsasayawan naming mga kasamahan.

I've been staring at them since then, pero ni isang beses ay hindi man lamang siya sumulyap sa gawi ko. I don't know if he's just numb to notice my stares or maybe he just don't care at all.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Diego sa aking tabi.

"Do you want to go inside? Matulog na lang tayo?" pang-aalok niya. Kaagad akong umiling at muling nilagok ang alak na iniinom.

Nakita ko ang paglapit sa amin ni Fatima. Napailing ako dahil pasuray-suray na kaagad ang lakad niya.

"Ana! Tara sumali naman tayo roon." itinuro niya ang mga kasamahan namin na nasa gitna at naglalaro ng kung ano. Bahagyang nanliit ang mata ko at tiningnan ang nangyayari.

"What's that?" tanong ko. Malakas ang hiyawan ng mga lalaki, rinig ko rin ang ilang tilian ng mga kasamahan namin.

"Simple game lang, basta masaya." anas niya at hinila ako papunta roon. Ayaw ko sana pero ayaw niyang papigil. Wala siya sa sarili. Siya itong palagi akong pinagbabantaan na huwag magpakalasing pero siya naman ang palaging unang nalalasing.

Sumunod sa amin si Diego na halatang ayaw ding sumali sa laro. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila.

"I don't like this game." aniya habang nakatingin kay Natasha na nakahiga sa isang maliit na lamesa sa gitna na alam kong sinadya para roon. Napalunok ako nang mapanood si Kiko na dinidilaan ang asin na nasa pusod at tiyan niya.

Narinig ko ang malakas na kantyawan ng mga kasamahan. Tuwang-tuwa sila sa nakikita. Umiling naman ako at bumaling kay Fatima na tuwang-tuwa rin sa pinapanood niya.

"Uhm.. Fatima, h-hindi kami sasali." it's so sensual for me to handle. I know we're adults, maybe it's normal scenario for them. But I just can't... I just can't stand it.

"Ano ka ba! Lahat nga sasali!" lumapit pa sa gawi namin si Vera kaya mas lalo kaming hindi nakaalis. I gulped several times. Hindi nagtagal ay nakita ko rin sina Emily at Kahel na naglalakad patungo sa gawi namin. Naroon sa tabi nila si Jessica na alam kong siyang pumilit sa kanila na makisali.

Naituon ko ang pansin kay Kahel na hanggang ngayon ay hindi pa rin napapansin ang mga pagtitig ko sa kaniya. He's wearing a white T-shirt and a black shorts. Kahit sa distansya ay kitang-kita ko pa rin ang magandang hubog ng katawan niya. I got that he already changed not just physically... but in many ways.

Nakakunot ang noo niya habang tinitingnan sina Natasha sa gitna. I couldn't get the mechanics. Hindi ako nakikinig sa sinasabi ni Vera dahil nanatili ang tingin ko kay Kahel. May sinabi siya kay Emily na tanging silang dalawa lamang ang nakakarinig.

Nagtangis ang bagang ko.

Ano iyong pinaguusapan nila at kailangang sila lang ang nakakarinig?

And then suddenly...

He boredly lifted his gaze to me. Nanlambot ang tuhod ko nang magtagal ang tingin niya sa akin. Parang hinahalukay ang dibdib ko sa kaba... nakakatakot.

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now