Chapter 42

2.6K 167 26
                                    

"Ana, hindi mo ba tutulungan ang lola mo roon sa pagluluto?" tanong ni Lolo habang nasa likod kami ng bahay. Nagpanggap naman akong abala sa pagtingin sa mga kabayo.

"Hindi ko pa po tapos tingnan lahat ng mga kabayo eh." katwiran ko kahit kanina pa naman ako natapos. Karamihan sa kanila ay wala namang problema. Dalawa lang ang nakitaan ko ng pananamlay dahil sa sakit. Ang dalawa naman, mahina na dahil sa katandaan. Tatlo sa mga kabayo ni Lolo ang nabawas simula nang umalis kami. Aniya, natalo raw ito sa karera kaya sa taong nanalo napunta.

"Ganoon ba? Pwede naman sigurong mamaya mo na ituloy iyan. Naroon pa naman sa taas si Kahel, nakakahiya sa kaniya."

Iyon na nga mismo ang dahilan kung bakit ayaw kong umakyat ng bahay. Magmula kasi nang magkita kami sa palengke at hinatid niya ako rito pauwi sa bahay, inaraw-araw na niya ang pagbisita. Nahihiya ako sa inasal ko sa kaniya noong nakaraan kaya mas pinili ko na lamang umiwas.

"C-close naman po sila ni Lola, paniguradong hindi iyon mabuburyo sa kausap." pagsasabi ko ng totoo. Talaga namang close silang dalawa ni Lola. Kahit maghapon silang mag-usap doon ay hindi siya mabuburyo.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng matanda.

"Ang sabihin mo, iniiwasan mo lang si Kahel." pagpaparinig niya sa akin. Napatigil ako sa ginagawa at gulat na napatingin kay Lolo. Patay malisya naman siya habang pinapakain ang isang kabayo.

Tumikhim ako at nilapitan si Abacus.

"Ang ganda pa rin ni Abacus hanggang ngayon. Pinong-pino pa rin ang buhok." pagpuri ko sa kabayo saka marahang hinimas ang buhok nito. Narinig ko ang pagtawa ni Lolo.

"Syempre, inalagaan iyan ng mabuti."

Oo nga naman. Noon pa man ay si Abacus na talaga ang pinakapinagtutuunan ng pansin sa lahat ng kabayo rito. Hindi dahil siya ang paborito, kundi dahil maarte lang talaga ang amo.

Napatawa ako sa sarili.

"Masyado kasing masungit at maarte ang amo nitong si Abacus. Hindi papayag na madungisan ang alaga niya."

Narinig ko ang muling pagtawa ni lolo sa aking likuran. Napatawa rin ako.

"Masungit pa rin ba si Kahel para sa'yo?" nanunuyang tanong niya.

Umiling ako at kumuha ng dayami upang ipakain kay Abacus.

"Hindi po… pero ganoon pa rin ang dating niya sa akin. Kinakabahan ako palagi sa presensiya niya... nakakaintimida. Ah basta! Masungit pa rin."

Masyadong kasing seryosos palagi si Kahel. Kung makatingin siya parang palaging galit. Kaya hindi na rin nakakapagduda kung bakit ako kinakabahan sa mga tingin niya at maging sa presensya niya. Kahit marami akong nakitang pagbabago sa kaniya, hindi maipagkakailang siya pa rin si Kahel.

"Ah talaga masungit ako?"

Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Sunod-sunod akong napalunok sa kaba. Narinig ko ang pagtawa ni lolo.

"Maiwan ko na muna kayo riyan." paalam niya sa amin. Narinig ko na lang ang mga yabag niya papaalis. Mas lalo akong kinabahan ngayong kami na lang ni Kahel ang nandito. Pinag-uusapan lang namin kanina, sumulpot na kaagad?

"Masungit pa rin ako para sa'yo?" pag-uulit niya sa likod ko.

Huminga ako ng malalim bago bago taas-noong lumingon sa kaniya.

"W-wala akong sinasabing ganoon." pagdadahilan ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang makita ang pagtaas ng sulok ng labi niya.

Hindi siya nagsalita. Bagkus ay naglakad lamang patungo sa direksyon ko. Kinakabahan man ay pinanatili kong nakataas ang aking noo sa harap niya. Kumuha siya ng isang bugkos ng dayami, mabilis akong tumabi upang makalapit siya kay Abacus.

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now