Chapter 24

2K 134 31
                                    

"Tito?" malamig na pagtawag ko sa kaniya. "Anong ginagawa niyo sa kwarto ko?" pinilit kong gawing matapang ang tono ko kahit kinakabahan na ako ng matindi sa loob-loob ko. Isang daang libong rason na kaagad ang pumasok sa utak ko nang oras na makita ko siyang lumabas mula sa aking kwarto.

Sa kwarto ko.

Anong ginagawa niya sa kwarto ko?

"A-ah! Tiningnan ko lang kung nasa loob ka, n-nakabukas kasi kanina." napakamot siya sa ulo at pilit na ngumiti sa akin. Hindi naman ako nagsalita o gumanti ng ngiti sa kaniya. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko habang nakatayo dito sa harap niya ngayon. Hindi ko na maintindihan kung anong uunahing maramdaman.

"Alam mong wala ako riyan, may pasok ako sa school. Bakit pumasok ka pa rin?" I was talking to him so rude. Alam ko iyon, mas matanda siya sa akin at mapapangasawa siya ni Mama. Kailangang igalang ko siya, kailangang ituring ko siyang bahagi ng pamilya. Pero kung ganito lang naman ang madadatnan ko, huwag na lang.

"Sinilip ko lang naman, l-lumabas din kaagad ako."

Hindi ko nagawang tumango sa kaniya. Ni ang lamig ng tingin ko ay hindi nabawasan. Hindi porke't mapapangasawa siya ni Mama ay pwede na niyang gawin lahat ng gusto niya. Kwarto ko ang pinasok niya, hindi ko pwedeng palampasin ito.

Bumaba ang tingin ko sa telang binayukos niya sa loob ng kamay. Mariing nakakuyom ang kanang kamay niya upang itago roon ang tela.

"Ano 'yang hawak mo?" lumapit ako para tingnan iyon. Bigla siyang umatras at itinago sa likod niya ang kamay.

"Wala ito." umangat ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Palagi kong pinipilit ang sarili na ituring siyang tunay na tatay pero hindi ko magawa dahil hindi ako komportable sa kaniya. Kailan man ay hindi naging magaan ang loob ko habang nasa paligid siya. Hindi ko gusto kung paano siya tumitig sa akin lalo na sa tuwing humahaplos ang kamay niya sa akin. Hindi ko alam kung nagkakataon lamang ba talaga iyon o hindi. Ayaw kong magbintang, kasi natatakot ako na baka tama nga ang hinala ko. At hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin pagkatapos niyon.

"Ano nga iyan?!" gigil na anas ko. Pinilit kong kuhain iyon mula sa kaniya. Ilalayo niya pa sana ito subalit mabilis ko iyong nahablot.

Nanlaki ang mata ko sa nakita. Muntikan pa akong mabuwal dahil sa matinding pangangatog ng mga tuhod. Nanlambot ang mga kalamnan ko sa pinaghalong takot, galit at pandidiri. It was my underwear.

Galit ko siyang binalingan ng tingin na ngayon ay halatang kabadong-kabado na sa kaniyang kinatatayuan.

"L-lola! -

Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko at kinaladkad ako papasok sa sariling kwarto. Pilit kong kinakalas ang kamay niya sa bibig ko subalit sa lakas niya ay hindi ko magawa. Biglang nanlisik ang mata niya sa akin, taliwas sa kabadong ekspresyon niya kanina lang.

"Subukan mong magsumbong!" mahina subalit gigil na aniya. Dinuro niya ako gamit ang isang kamay. "Subukan mo, papatayin ko iyang lola mo." pagbabanta niya sa akin.

Natakot kaagad ako sa sinabi niya kaya natigil ako sa pagpupumiglas, siguro dahil na rin sa panghihina. Gustong-gusto kong isigaw ang pangalan ni Kahel ngayon pero hindi ko magawa. Gustong-gusto kong magsumbong...

"Hindi ka ba naaawa sa nanay mo ha? Ako na lang ang kasangga niya sa lahat, kapag nagsumbong ka, mawawalan na naman siya ng kasama. Maiiwan na naman siya. Hindi ka ba naaawa?" gusto kong magprotesta at sabihin sa kaniya na walang mawawala kay Mama kung aalis siya ngayon dito. Nandito pa kaming mga anak niya. Wala siyang mapapala sa taong kagaya nitong kaharap ko. "Isa pa, hindi naman sa'yo maniniwala ang nanay mo kung sakaling magsumbong ka."

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now