Chapter 31

2.1K 118 76
                                    

Everything was so sudden, namalayan ko na lang na sinusuntok na ni Kuya si Kahel sa damuhan. Nanlamig ako sa kinatatayuan. Hindi ko nagawang makagalaw. Pakiramdam ko ay nauubos na lahat ng lakas ko habang pinagmamasdan silang dalawa.

"Gago ka! Ipinagkatiwala ko sa'yo si Ana!" galit na sigaw ni Kuya bago muling sinuntok sa mukha si Kahel.

Hindi siya lumalaban. Putok na ang labi niya pero hindi siya gumaganti. Napatakip ako ng bibig habang tinitingnan sila. Hindi ko namalayan na sunod-sunod na palang pumapatak ang mga luha sa mata ko. Nang hindi ko na makayanan ang sitwasyon ay kaagad akong lumapit sa kanila.

"Kuya tama na!" sigaw ko sa kaniya. Nanghihina akong tumakbo palapit doon at pilit na hinihila si Kuya palayo kay Kahel pero ayaw niyang tumigil. Mas lalo akong napaiyak nang makita ang dumudugong mukha ni Kahel. "T-tama na..." nanghihinang anas ko.

Maling-mali ako nang inakala kong hindi magkakagulo kapag hinayaan ko munang maging sikreto ang tungkol sa ginawa sa akin ni Tito Alfonso. Maling-mali na si Kahel ang idiniin ko sa sitwasyong ito.

"Tarantado ka! Kapatid ko pa bababuyin mo ha!"

Muling galit na sinuntok ni Kuya si Kahel bago siya hinihingal na tumayo. Kita ko ang matinding panggigigil sa mukha niya. Mas lalo naman akong nanlumo nang makita ang mukha ni Kahel na duguan. Ni hindi pa niya nagagawang makatayo sa damuhan.

"K-Kahel-

Akmang lalapitan ko siya subalit kaagad akong hinigit ni Kuya palayo sa kaniya. Napahagulgol ako ng iyak at nagpumilit na bumitaw kay Kuya pero mas malakas siya sa akin.

"Hinding-hindi ka na makakalapit kay Ana!" dinuro siya ni kuya bago ako tuluyang kinaladkad pauwi sa bahay. Nagulat naman sina Lola nang madatnan akong ganoon ang itsura. Nagulat din sila nang makita ang galit na galit na ekspresyon ni Kuya.

"Gilbert? Ano ba talagang nangyayari?" lumapit si Lola sa akin at hinagod ang likod ko para patahanin. Wala siyang makuhang sagot sa akin dahil hindi ako nagsasalita. Hindi naman naawat sa pagbagsakan ang mga luha mula sa mata ko.

Nagpabalik-balik sa paglalakad sa unahan si Kuya na para bang pinapakalma ang sarili niya.

"Tanginang Kahel 'yan. Mapapatay ko iyan." anas niya na ikinagulat naming lahat. Humagulgol ako ng iyak.

"G-Gilbert? Ano ba iyang sinasabi mo?" kinakabahang tanong ni Lola. Rinig ko ang matinding pagkagulat sa tanong niya.

Pati si Lolo ay nakialam na rin. Pilit niyang pinapakalma si Kuya at tinatanong kung anong problema nito.

"Muntik nang gahasain ng Kahel na iyan ang kapatid ko!" galit na sigaw niya na ikinagulat nilang lahat. Nasapo ko ang mukha dahil sa labis na pag-iyak. Gusto ko ring magmura. Tangina, bakit ko ginawa iyon? Bakit ko ginawa iyon kay Kahel?

Gusto ko mang aminin na walang katotohanan iyon ay hindi ko na magawa. Wala na akong magagawa dahil huli na ang lahat. Pinagbabayaran niya ang kasalanang hindi niya ginawa. Alam na alam ko namang kahit anong sabihin ko ay papaniwalaan ni Kuya. Noon ko pa lang ay alam ko na paranoid siya pagdating sa akin. Masyado siyang mahigpit at overprotective lalo na sa tuwing may umaaligid na lalaki sa akin.

Kaya hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko kanina kung bakit ko nagawang sabihin iyon. Kung bakit nagawa kong ibaling lahat ng sisi kay Kahel. Bakit ko siya nagawang ipahamak? Sana sinabi ko na lang ang totoo. Sana hindi na mangyayari ang lahat ng ito.

Napatingin sa akin si Lola na para bang inaalam sa akin ang totoong nangyari. Iyak lang ang naitugon ko sa kaniya.

"H-hindi magagawa ni Kahel iyon." anas niya.

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now