Chapter 37

2.2K 127 26
                                    

"So you mean... nandito siya?" paniniguro sa akin ni Fatima. Napabuntong-hininga naman ako bago tumango sa kaniya.

"Galing siya dito kahapon."

"He did what?"

"Check up."

Napatawa siya sa sinabi ko.

"Check up? Ang daming pet clinic dito pero sa iyo talaga siya pumunta?" hindi makapaniwalang aniya. Tumayo siya sa sofa at nagtungo sa upuan sa harap ng table ko.

"Nagkataon lang iyon. He doesn't know that this is my clinic."

"What if he does?" balik niyang tanong sa akin. Natigilan ako. "Nakilala ko rin naman si Kahel noon. Hindi siya mahilig sa mga aso o pusa. Kabayo lang talaga ang inaalagaan niya noon. Bakit biglang nahilig siya sa aso..." makahulugan siyang tumingin sa akin.

Umiwas naman kaagad ako at nagsimulang kutkutin ang aking daliri sa ilalim ng table. Ayaw kong mag-assume. Gusto kong isipin na sinadya niyang dito sa clinic ko magpa-check up ng alaga niya kaysa sa iba. Gusto kong isipin na sinadya niyang dito magpunta para makita ako pero imposible. Alam kong nagkataon lamang iyon.

Isa pa, sa paraan ng pagtrato niya sa akin kahapon, halatang wala na siyang pakialam sa akin. Mukhang hindi na siya galit, pero mukhang wala na rin siyang pakialam sa presensya ko.

"Engaged na siya... a-ayokong makagulo sa relasyon nila." wala sa sariling ani ko. Halata naman sa tono ko na labag sa loob ko ang nasabi. Sinasabi ko lang ito para kahit papaano ay makumbinse ko ang sarili na huwag nang maghabol sa kaniya. Sinasabi ko lang ito para mabawasan ang bigat na nararamdaman ko at para hindi ako magkamali.

"Paano mo nasabing engaged? Kanino? Kay Emily?" napairap siya sa hangin. "Kung kay Emily rin lang din naman siya mapupunta, sana hindi ko na siya ipinaubaya sa'yo." inis na aniya.

Napabaling naman ako sa kaniya.

Sa sinabi niyang iyan, may napagtanto ako. Kaya siguro madalas siyang mainis o mairita sa mga lalaking dumidikit sa akin dahil gusto niya ay si Kahel ang makatuluyan ko. Kasi kung hindi, masasayang ang pagpapaubaya na ginawa niya.

"G-gusto ko pa rin siya." wala sa sariling ani ko. Mabilis akong napaahon sa pagkakaupo nang makita na pumasok sa clinic si Diego. Kabado akong bumaling sa kaniya dahil baka narinig niya ang sinabi ko.

Na mukhang hindi nga ako nagkamali. Kita ko ang lungkot sa mata niya nang bumaling sa akin subalit sinubukan niya iyong itago sa pamamagitan ng ngiti.

"Naglunch na ba kayo?" tanong niya sa amin. Nakasuot pa rin siya puting coat na pangdentista at may dalang paper bag sa kanang kamay.

"H-hindi pa." tumango siya sa akin at inilapag ang mga take out niyang pagkain sa table. Tahimik naman kami ni Fatima habang hinahanda niya ang mga binili.

"Kain na." pang-aalok niya.

Napaiwas ako ng tingin dahil sa pagkaguilty. Siya ang nasa harap ko ngayon, pero ibang tao ang nasa isip ko. Siya ang boyfriend ko, pero ibang tao ang gusto kong makasama. Hindi ako deserving para sa kaniya. Hindi ako deserving sa pagmamahal na ibinibigay niya.

"Bakit ang tahimik niyo?" tanong niya sa aming dalawa ni Fatima nang makita na wala sa amin ang nagsasalita.

"W-wala."

Mabuti na lamang at hindi na siya nagtanong pa. Isang magandang katangian ni Diego ay marunong siyang makiramdam. Alam niya kung kailan mananahimik at kung kailan magtatanong. Hindi siya clingy at hindi rin possesive. Madalang kaming mag-away dahil marunong siyang umintindi. Lahat ng katangian ng isang lalaki na gusto ng mga babae ay nasa kaniya na.

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now