Chapter 17

2.3K 164 38
                                    

When I say that I perfectly understand everything, I mean it. Kaya nga isang linggo makalipas nang madatnan ko sina kuya na nagtatalo sa bahay, hindi ko sila nagawang kuwestyunin, magalit o manumbat dahil alam kong magkakaroon ako ng bagong tatay.

I'm not against it. But at the same time, I don't like the idea. I was six years old nang mamatay si Papa. I couldn't remember much memory of him with me pero kahit ganoon, ayaw ko siyang palitan sa buhay ko. Kontento naman ako na sina Kuya ang palagi kong kasama. Wala akong gustong hilinging iba.

Hindi ko alam kung ito ba ang dahilan kung bakit nakikita ko siyang naglalasing dati. Baka naman may iba pa. Hindi ko lang alam dahil hindi nila sinasabi sa akin ang mga problema nila.

I was walking alone in the school corridor when I saw Ms. Aguilar, teacher namin sa TLE, sinabi niya sa akin na pati raw pala sa kaniya ay may nawawala akong mga output. Gusto ko na namang maiyak. Katatapos ko lang gumawa at ipasa ang poster ko kay Ma'am Castromero tapos may panibago na naman.

Gumagawa naman talaga ako at nagpapasa sa tamang oras. Kaya hindi ko alam kung bakit nawawala ang mga gawa ko.

Napabuntong-hininga ako at nagpatuloy na lamang sa paglalakad nang makasalubong ko si Emily.

"Saan ka?"

Nagulat ako nang lampasan niya lang ako. Hindi ko rin nakitang tumingin siya sa akin kaya baka naman hindi niya ako pinansin. Napalingon ako sa kaniya at nakita na naglalakad siya patungo sa gate. Halos magkasalubong lang kami sa daan, bakit hindi niya ako nakita?

Tumigil siya sa tapat ng gate at halatang may hinihintay. Saglit din akong huminto para tingnan kung anong ginagawa niya roon. Maya-maya lamang, nakita ko ang pagdating ni Kahel. Mabilis na lumapit sa kaniya si Emily. Nakangiti na ngayon.

Kaagad akong tumalikod bago pa man nila ako makita. Matagal ko ng alam na may gusto si Emily kay Kahel. Hindi ko alam kung umamin na ba siya o nagkakalinawan na silang dalawa. Pero may Fatima na si Kahel. Tapos may gusto pa sa kaniya si Emily. Naririnig ko rin ang ibang mga kaklase ko na pinag-uusapan siya minsan. Madalas kapag nagkakasabay kami sa paglalakad, nakakakita ako ng mga estudyanteng grabe kung makatitig sa kaniya. Hindi ko sila masisisi. Gwapo naman talaga si Kahel. Inaamin ko na mismo iyon sa sarili ko.

Nang makarating ako sa classroom ay nadatnan ko si Diego na nakaupo na sa pwesto niya. Tahimik akong umupo sa tabi niya dahil hanggang ngayon ay malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Hindi ko pa rin alam kung bakit. Nahihirapan na rin akong makisama sa kaniya dahil palagi niya akong itinataboy at sinusungitan. Parehas na sila ni Kahel na palagi na lang nagsusungit.

"Okay class, get one whole sheet of paper. May test tayo ngayon." saad ng teacher namin.

Narinig ko ang mahihinang pagrereklamo ng mga kaklase ko dahil hindi sila nakikinig sa discussion kanina. Umingay ang paligid dahil kaniya kaniya silang hingian ng papel at ballpen sa katabi. Inilabas ko na rin ang gamit ko. Walang nagtangkang humingi sa akin ng papel. Hindi ko alam kung ilag lang ba sila sa akin o baka naman masyadong malayo ang pwesto ko.

Napatingin ako sa lalaking katabi ko. Nakatingin lang siya sa unahan at wala pang papel. Mabilis akong pumilas sa akin at ipinatong ito sa table niya. Kaagad akong tumingin sa unahan at nagpanggap na parang wala akong ginawa.

Ayaw kong makarinig ng kahit anong pagsusungit niya ngayong araw. Kung ayaw niyang tanggapin, itapon na lang niya!

Kinabahan naman ako nang maramdaman ang pagtitig niya sa akin. Nanatili naman ang tingin ko sa unahan at nagsimulang magsagot ng mga tanong na nakasulat na sa pisara. Ang akala ko ibabalik niya sa akin ang papel. Pero narinig ko na lang na sinabi niya...

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now