Chapter 25

2.1K 126 27
                                    

Tahimik kaming naglalakad sa likuran ni Vera habang nasa unahan naman ang mga kaibigan namin. Kanina pa kami nagpapalitan ng makahulugang tingin habang papunta sa bahay nina Kahel. Tumawag si Sayon kanina at sinabing naaksidente raw si Kahel matapos ng karera kaya nagkasundo kami ngayong pupuntahan namin siya.

Nag-aalala ako sa kaniya. Pero hindi ko maituon ng maayos ang atensyon sa kaniya dahil ang dami kong iniisip na problema. Una, iyong sa bahay. Tapos iyong kay Emily. Pagkatapos naaksidente pa siya. Dapat siguro hindi na lang siya sumali roon para wala siyang sakit sa katawan na natamo ngayon.

Napabuntong-hininga ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Napalingon naman ako kay Vera nang tumigil siya sa paglalakad matapos ng makahulugang tingin sa akin.

"Emily..." pagtawag niya sa babae. Nakita ko ang pagtigil ni Emily at Nana sa unahan namin. Tumigil na rin sina Jeryc at Jorem nang makita kaming hindi na naglalakad.

Kinabahan ako sa ekspresyong makikita kay Vera ngayon. Seryoso siya. At alam ko kung anong gagawin niya. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pigilan o ano. Hindi ko alam kung ito na ba ang tamang panahon para komprontahin namin si Emily. Siguro nagkusa na siya dahil alam niyang hindi ko iyon gagawin. Wala akong lakas ng loob na gawin iyon lalo na at kaibigan ko si Emily.

Kaibigan ko silang lahat.

Kaya hindi ko maintindihan kung bakit palihim niyang ginagawa sa akin iyon.

"Bakit?" inosenteng tanong niya. Napabaling din siya ng tingin sa akin subalit nanatili akong imik.

"Anong meron? Nivera?" lumapit sa amin sina Jorem. Umiwas naman ako ng tingin sa kanila.

Ilang taon na kaming magkakaibigan, nagtitiwala ako sa kanila. Sana ganoon din ang ginagawa nila sa akin. Sana sinabi niya kaagad sa akin kung may mali sa akin o kung may ayaw siya sa ugali ko. Kaya ko namang mag-adjust. Kaya kong baguhin ang ugali ko para lang matanggap nila ng tuluyan. Hindi nila ako kailangang palihim na tirahin.

"Ikaw ba iyon? Ang taong dahilan kung bakit palaging may nawawala sa mga gamit ni Ana? Ikaw ba ang kumukuha at nagtatapon ng mga iyon?" direktang tanong ni Vera kay Emily. Napasinghap ang mga kaibigan namin dahil sa tanong niya.

"Huh?" takang bumaling sa akin si Emily. Sumulyap din siya kay Vera saka umiling. "Hindi ako. Bakit ko naman gagawin iyon kay Ana?"

"Oo nga, bakit mo nga naman gagawin iyon, Emily? Ano bang ginawa ni Ana sa'yo at kailangan mong itapon ang mga gamit niya?" nanatili akong tahimik sa tabi ni Vera. Pinagmamasdan ko lamang ang magiging reaksyon ni Emily. Siguro kung hindi ako kasama ni Vera kanina at hindi namin siya nahuli sa akto, ipagtatanggol ko pa siya ngayon. Hinding-hindi ko pagdududahan ang isang kaibigan. At hindi ko rin gagawin kung ano ang mga ginawa niya sa akin.

"Ana, hindi talaga ako. Paano niyo naman nasabing ako nga? Alam niyo namang magkakaibigan tayo-

"Nakita ka namin kanina, itinapon mo iyong papel. Nang tingnan namin iyon ni Ana sa basurahan, nalaman namin na sa kaniya nga iyon. Isa lang ang ibig sabihin niyon 'di ba?"

Saglit na natigilan si Emily. Bumakas ang kaba sa mukha niya subalit kaagad din itong napalitan.

"Aling papel ba? 'di ba't si Andrie ang pinagdadala niyon ni Sir sa faculty kanina? B-baka naman siya ang nagtapon niyon. O kaya ay si Fatima, 'di ba siya lang naman ang may g-galit kay Ana?"

"Siya nga lang ba talaga?"

"M-meron pa bang iba?" ngumiti sa amin si Emily. Iyong ngiting nagtatanong.

"Teka lang Ana? Vera? Ano bang nangyayari? Pinagbibintangan niyo ba si Emily?" hindi na napigilan ni Nana ang pagtatanong. Bakas sa mukha niya na naguguluhan na siya sa mga nangyayari.

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now