Chapter 26

2.1K 132 15
                                    


Something has changed. I knew that the moment my brother left our house a week ago. I don't know how to start or how will I call him again. Isang linggo na ang nakalilipas pero pakiramdam ko ay hindi ko kayang sanayin ang sarili na hindi ko siya nakikita sa paligid.

Palagi kong hinihiling noon na sana huwag niyang ituon sa akin ang lahat ng atensyon niya dahil gusto kong magkaroon siya ng sariling buhay. Ayaw kong habang-buhay niya akong papasanin sa balikat niya bilang isang responsibilidad.

Pero ngayong wala na siya at hinahanap ang sarili niyang mundo, hindi ko naman magawang maging masaya. Gusto kong bawiin ang hiling ko noon, kasi ayaw kong magkahiwalay kaming dalawa ni kuya. Pero hindi yata mapipigilan iyon. Mas lalo lamang nadagdagan ang pagnanais kong bumalik siya sa bahay dahil kay Tito Alfonso.

It's not like I was waiting for something to happen. Wala pa siyang ginagawa. Wala pa. But I don't really trust him pagkatapos ng ginawa niya sa akin. Hindi ko masabi kay Mama dahil halos araw-araw niyang sinasabi sa akin kung gaano niya kamahal si Tito Alfonso. I know it's been years since he introduced the man to us, pero hindi ko pa rin talaga makuhang maintindihan kung bakit at paano niya minahal ng ganito katindi si Tito Alfonso. I doubt her love. Pakiramdam ko napakabilis pa rin. Hindi kaya naghahanap lang siya ng atensyon mula sa isang asawa dahil sa pagkawala ni Papa?

"Anastacia."

Napatalon ako sa gulat nang biglang may tumawag sa akin. It was like an automatic response. Nitong mga nakaraang araw ay napapansin ko na napaparanoid na ako lalo na sa tuwing nasa bahay. I feel like I'm not safe anymore. Napupuyat din ako kababantay sa pintuan ng kwarto ko dahil baka bigla na lamang itong bumukas. Napapabangon ako sa kama sa tuwing may naririnig akong mga yabag ng paa sa labas ng kwarto ko. I already put the small table behind the door pero pakiramdam ko ay hindi pa rin ito sapat. Kung may determinasyon ang taong gustong magbukas nito mula sa labas, hindi imposibleng makapasok siya.

And that is what I am scared of.

"K-Kahel?" pinilit kong itago ang kabado kong mukha sa harap niya subalit mukhang nahahalata na niya. Mariiing magkalapat ang nga labi niya at nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. Animo'y sinusuri ako.

"Bakit hindi mo ako hinintay?" seryosong tanong niya.

Umiwas naman ako ng tingin dahil hindi ko pwedeng sabihin ang mga rason ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya na nagmamadali akong makaalis ng bahay dahil magtatanong siya nang magtatanong. Napag-isipan ko na hindi ko sasabihin sa kaniya ang mga problema ko sa bahay. Hindi muna.

"A-ano kasi, hindi ko nagawa 'yong assignment ko kagabi. Kaya gagawin ko sana ngayon." pagpapalusot ko sa kaniya. Hindi nawala ang seryosong pagtitig niya sa akin. "Una na ako sa classroom." bago pa man siya makapagsalita ay tumakbo na ako papunta sa classroom. Naabutan kong naroon na ang ilan sa mga kaklase ko. Kakunti pa lang dahil maaga pa naman.

Saglit na dumako ang tingin ko kay Emily na nakaupo na sa unahan. Mabilis kong iniwas ang tingin ko roon bago ako naglakad patungo sa hulihan. Sa tabi ni Diego.

"Dito ka ulit?" manghang aniya.

"Oo." maikling tugon ko naman. Ramdam ko na gusto pa niyang magtanong subalit hindi na niya naituloy. Mag-iisang linggo na rin akong nakaupo rito sa hulihan. Hindi na ako nakikitabi kina Vera matapos nang nangyari sa amin ni Emily.

Hindi ko lubusang masabi kung iniiwasan ko ba sila o idini-distansya ko ang sarili ko. Alam kong gusto akong kausapin nina Nana para magkaayos kami ni Emily, I've tried it once too. Sinubukan ko siyang kausapin, pero siya ang may ayaw. Lumabas ang tunay niyang ugali pagdating sa akin. Ramdam kong nalilito sina Nana kung sino ang sasamahan sa aming dalawa.

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now