Chapter 10

2.5K 175 16
                                    

Eversince I was a little, I've never wanted to be the center of attention. Kung ano lang ang maibibigay ng mga tao sa paligid ko, masaya na ako roon lalo na pagdating kina Mama. I know that they are very busy that is why I don't demand much attention from them.

Nahihiya rin ako sa tuwing pinagtitinginan ako ng mga tao. Pakiramdam ko ay may mali sa akin o may kakaiba. Alam kong kahit kailan ay hindi ako masasanay doon.

I've never wanted to receive much attention... but when it comes to him, palagi na lang akong naghahanap.

Eversince that day, when I annouced in front of the class that I don't own the confession letter and told them that I have no feelings for him, I don't know what happened next but I think he became colder.

Palagi kong sinasabi sa kaniya noon na hindi na niya ako kailangan pang ihatid sa bahay, at nagkatotoo na nga. Dahil magmula ng araw na iyon, hindi na niya ako sinasamahan at hindi na rin niya ako pinapansin. Bigla akong naging hangin. Nalulungkot ako sa katotohanang iyon pero hindi ko alam kung ano ang gagawin.

"Ana? Sasamahan ka ba ni Kahel sa enrollment?" Tanong sa akin ni Kuya habang nagsusuklay ng buhok niya.

Umiling lamang ako.

Enrollment na ngayon sa grade 9. Nagkausap-usap na kami nina Vera na sabay-sabay kaming magpapa-enroll mamaya. Hindi ko alam kung sasama sa amin si Kahel. Matagal ko rin silang hindi nakita nitong bakasyon. Dalawang beses lang silang dumalaw sa akin at hindi na ito naulit pa. Hindi naman ako nakakaalis sa bahay para gumala sa labas dahil hindi ako pinapayagan ni Kuya.

"Sa school na lang kami magkikita-kita, Kuya." Sagot ko sa kaniya. Tumango siya sa akin saka muling nag-ayos ng buhok sa harap ng salamin. Lunes ngayon kaya may pasok siya sa trabaho. "Kuya... ayaw mo pang magka-girlfriend ulit?" Bigla ay tanong ko. Ang tagal na kasi simula ng huli ko siyang nakitang may karelasyon. Pagkatapos ni Ate Nadera ay wala ng sumunod pa.

Humarap siya sa akin at pinagkunutan ako ng noo. "Pag-aaralin muna kina bago ako humanap ng makakasama." Simpleng tugon niya sa akin. Napasimangot naman ako.

"Tumatanda ka na Kuya. Saka ang dami kayang magagandang babae rito. Sige ka, kapag naunahan ka ng mga kalalakihan kay Ate Violet..."

Makahulugan kong pinutol ang huling linya ko. Gusto ko kasi silang magkatuluyan ni Ate Ayo. Sa school kasi ay nakikita ko na maraming kaedarang teacher ni Ate Ayo ang umaaligid sa kaniya. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may gusto siya kay Kuya. Ilang beses ko na ring palihim na inilalakad si Ate Ayo kay Kuya pero para siyang manhid. Hindi man lamang niya nahahalata ang gusto kong mangyari.

"Si Violet? Sino nga ba iyon?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya.

"Kuya!" Iritado kong sigaw sa kaniya. Paano niya ito nagagawa sa isang magandang babae? Totoo bang nakalimutan niya kung sino si Ate Violet?

Narinig ko naman ang pagtawag niya sa akin. "Nagbibiro lang." Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko. Umupo rin siya sa harap ko upang pantayan ako. "Ana, alam mo namang wala pa sa isip ko ang humanap ng nobya. Isa pa, huwag mo ng ipilit sa akin si Violet dahil imposibleng magustuhan ko siya."

"Bakit naman imposible, Kuya?" Ano bang mali kay Ate Ayo? Maganda naman siya, mabait at matalino. Pakiramdam ko nga ay nasa kaniya na ang lahat. Magmula ng ipinakilala siya sa akin ni Lola ay hindi na naputol ang mataas na pagtingin ko sa kaniya.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kuya. "Hindi mo maiintindihan." Tumayo siya at nagpaalam na sa akin na aalis. Napasimangot naman ako. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ayaw niya kay Ate Ayo. Wala akong nakikitang masama sa bagay na iyon. Ang sabihin niya, mas inuuna lang talaga niya ako kaysa sa sarili niya. Nakakainis talaga si Kuya minsan. Hindi man lang niya iniisip ang sarili niya. Palagi na lang ako ang iniintindi niya.

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now