CHAPTER 117:CHARITY EVENT Part 3

Start from the beginning
                                    

Tumayo naman ngayon si Airon at magtatangka sanang lumabas ng mapansin na namin sya.

"Saan ka pupunta pre?"

"S-Sa labas? I'll check the kids"nauutal nyang tugon. Nginisihan sya nga mga kasama ko maliban sa amin ni Shin.

"Talaga lang ah?"

"Siga na! Lumayas ka na sa amin! Hehehehe! Siguraduhin mo lang na babalik ka dito mamaya na walang bangas din ang mukha mo!"

"Well, sorry to say Nath but, I won't allow anyone to do it."

Bumusangot ang mukha ko sa pesteng toh.

"Ang yabang mo ulul ka, umalis ka na nga"inis na sabi ko. Tatawa-tawa lang syang tinalikuran kami.

Nahiga ulit ako sa ibabang kama. Grabe. Parang nagiiba ang pakiramdam ko. Para akong nanlalagkit na ewan. At umiinit pa ang pakiramdam ko.

"K-Kilein, sabay ka na sa amin"anyaya ni Senior Adrian kay Kilein. Hindi ko kapansing nakapasok na pala sya dito.

Hindi nya sinagot ang lalaki. Nakatulala lang sya sa sahig na parang may gumugulo talaga sa isip nya. Tsk, siguro inaalala nya yung ginawa nya sa akin kanina, nakokonsensya na pala ang mga amazona?

"She's going with us"sabat ni Shin. Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko.

Sumama ang mukha ni Adrian. Kita sa kanya ang inis sa isinagot ni Shinichi.

"Santisima..."naibulong ni Nath.

"Sa akin sya sasama"panggigiit pa nya. Pinagkunutan na sya ng noo ni Shinichi.

"She's. Going. With. Us."matigas na saad ng kaibigan namin. Napakamot ako ng marahas sa ulo.

Napansin kong tumayo na si Kilein at nakapamulsang lumabas na ng kwarto. Sinundan naman sya ng dalawang lalaki!

"Pambihira! Gulo na naman!"

Wala kaming nagawa kundi ang sundan sila. Ano ba namang klaseng araw ito, masasaksihan lang namin kung gaano kahambog si Kilein. Tsk, love is blind ika nga.

Naabutan namin sila na nagtatalo na nga!

"You must know you're place"maraming beses ko ng nakitang magalit si Shinichi sa isang tao, at hindi ko inaasahang makikita ko ulit ngayon ito ngayon.

"I know my place kid, get out of my way, sa akin sasama si Kilein period"

"Sa akin sya"bigla nyang hinablot ang kamay ni Kilein. Nakaramdam ako bigla ng inis ngayon.

"Akin sya"sabay hablot din ng isa pang kamay nya. Naalala ko ang senaryong ito ah. Doon sa mismong Department's Festival...

Napahilamos ako bigla sa mukha. Anak ng, ayoko ng maalala iyon! Waaaaaah!

Nagsimula na silang maghilahan! Nananaginip yata ako, ang tomboy na iyon ay pinag-aagawan ng mga lalaki?! Hindi ako makapaniwala.

Para namang lubid na walang buhay si Kilein. Kahit na hinila-hila na sya ay paramg wala syang pakialam.

"H-Hoy kayo!"naisigaw ni Nath pero parang walang nakikinig sa kanya. Wala na akong nagawa kundi ang hawiin sila. Kailangan kong mapigilan ang kahibangan na ito.

Nilapitan ko ang kinaroroonan nila. Marahas kong hinablot ang kamay ni Kilein na hawak ni Adrian.

Lahat sila ay nagulat sa ginawa ko. Pero hindi ko na inisip iyon, hinila ko iyon si Kilein palapit sa akin. Napansin ko ring nabigla sya sa ginawa ko.

THE UNEXPECTED Season 2Where stories live. Discover now