"Hoy, ngingiti-ngiti ka naman best, halata ka masyado" sita sa akin ni best.



"Ano bang pinagsasabi mo best" painosenteng tanong ko naman sa kanya.



"Ewan ko sa'yo best pero nakakatampo ka!" nakapout naman na sagot ni best.



"Ha? Bakit ano bang nagawa ko?"



"Feeling ko kasi best may inililihim ka sa akin eh! At yung sa inyo ni Hailey, anong ibig sabihin nun?" tanong na naman ni best na nagpakaba sa akin. Nahalata pala niya yun? Paano ko ba ipapaliwanag kay best? Sasabihin ko na ba sa kanya yung feelings ko kay Lee?



"Wala best, gutom lang yan. Mag-order nalang tayo" pag-iwas ko sa topic.



"Bahala ka best, sige na nga order na tayo. Kanina pa pala nagrereklamo mga alaga ko sa tiyan, nakalimutan kung pakainin pagkakita ko kay baby."



Nag-order na kami ni best ng mga finger foods at least magkalaman naman sikmura namin.


Madami pang mga kanta ang pinatugtug ng banda at mga request din galing sa mga customers na alam ng bandang tugtugin gaya ng Crazy For You, One Last Cry, Terrified, More Than Words at marami pang iba.


Mga dalawa't kalahating oras na straight din na sila ang nagperform bago sila pinalitan ng ibang banda. Halata ang pagod sa kanilang mga mukha pero mas nangibabaw ang saya. Kitang-kita na nag-enjoy sila sa performance nila dahil na din sa naging reaction ng crowd nung sila ang tumugtog.


Lahat sila may pawis sa kanilang mga mukha at pinagkaguluhan agad sila ng crowd. Maririnig mo ang mga papuri ng mga tao kanila.


"Wow, that was amazing!"


"That was a blast!"


"Your band rocks!"


"HARMONY rocks!"


"Congratulations!"



Nag-apir sila sa mga tao sa crowd, may nagpapicture, nakipagshake hands, yumakap at nakipagbeso. Halatang after nito madadagdagan na naman ang mga fans club nila at for sure mas madaming offers ng mga iba't-ibang talent agencies ang matatanggap nila.


"Halatang nag-enjoy ka ha?" biglang pansin naman ni Harold sa akin. Oo naman, hindi nga kita napansin eh! gusto ko sana siyang sagutin ng ganun at sa totoo lang hindi ko nga namalayan na kasama pala namin siya ni best at magkakatabi pala kami.


"Oo, ang galing kasi nila" sagot ko nalang sa kanya.


"Oo nga, parang nagsisi tuloy ako na hindi ko tinanggap ang offer nila sa akin nun" sabi naman nito.


"So, tumutugtog ka din?" tanong ko sa kanya.


"Yeah, actually ako sana yung drummer nila pero dinecline ko yung offer nila at inirecommend ko si pinsan. Mas focus kasi ako sa pag-aaral, sa tingin ko hindi ko kaya pagsabayin yung banda at pag-aaral. Masaya na din ako kasi mukhang mas nababagay ang pinsan ko sa banda at hindi sana naging kami ni Yuri kong naging miyembro din ako nito" mahabang paliwanag nito.


"Ahh..ganun pala" ang nasabi ko nalang dito.

"Lilian? Were good right?" tanong niya sa akin, nagtataka naman ako sa tanong niya. Na-feel niya siguro ang pagiging distant ko sa kanya hindi tulad ng una naming encounter na ang gaan agad ng pakiramdam ko sa kanya.


Hindi ko na siya nasagot dahil niyaya na kami ni best papunta sa room ng banda dahil pinagkakagulahan na daw sila at gusto na nilang magpahinga ng konti at kumain. Mukhang nagutom din sila sa performance na ginawa nila. Sumunod na din kami ni Harold.

*****

Thanks for reading :])

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Where stories live. Discover now