"Anong nangyari?" unang nagsalita ay si Nath. Nagkibit-balikat si Airon at si Shinichi naman ay napahawak sa baba. Tila may iniisip ang taong ito.

"Narinig nya kaya tayo?" kabadong saad ni Jehridale. Saglit akong napaisip at pilit sinasariwa sa isipan ang reaksyon ni Kilein kanina. Ngayon ko lang sya nakitang nagulat sa presensya namin. Tiyak akong hindi nya narinig ang pinaguusapan namin.

"Hindi siguro" sagot ni Shin. Tumango ako. Base na rin kasi sa reactions ni Kilein, siguro may iba syang pinagkakaabalahan.

"O-Oo nga, kasi alam mo naman, kanina, ang reaksyon ni Kilein"

"Gulat na gulat sya dude" dugtong ni Airon.

"Ano kayang nangyari? Bakit kaya sya nagtatago doon kanina?"

"Kagaya ng hinala ko, baka nagiispiya sya"

"A-Ano?"

Kinabahan ako sa sarili kong hinala. Hindi ito maaari. Sino naman kaya ang minamanmanan nya? May mangyayari bang masama? Wag naman sana. Pagod na kasi akong depensahan ang sarili ko. Palaging nasa panganib ang buhay ko. Hindi mwawala sa akin ang takot. Lalo na't hindi namin kilala ang mga makakalaban namin.

Bukod pa roon, may pinaguusapan kaming mahalaga kanina kaya, hindi namin inakalang nandoon din si Kilein. Siguro naman hindi nya narinig. Sana.

"Mag-iingat kasi tayo sa mga sasabihin mga dude, baka makahalata sila Kilein"

"Tama, kailangang walang makaalam"

Tumango kaming lahat. Naibsan ang takot namin ng mag-imbita na si Jehridale na kumain kaming lahat sa canteen. Hindi na lang namin itinuloy ang balak na lumabas ng school para magmall.

"Kupal kasi itong si iceberg, ano ba kasing nangyari?! After ng 1 year dude, nasira ang pangako mong hindi ka na magkacut ng class,. Tapos ngayon, hays! Rule breaker ka na naman"

"Hindi rule breaker ang tawag dun Nath" nakangising aniya ni Airon.

"Eh ano?!"

"Promise broker! Promise broker ang tawag sa sumisira ng pangako!"

"Santisimaaaaa!!!!"

"Tsk! Mga ulul!"

"Mwahaahahahahaa!" hindi mapigilang mapangiwi sa maarteng pagtawa ni Shinichi. Kinakabahan na rin ako sa taong ito. Baka bumigay sya ng tuluyan.

"Anong kakainin natin? H-Hoy! Wag nyong sabihing.."

Evil smirk.

Bumusangot ang mukha nya gaya ng inaasahan. Pero, nakakagulat na hindi na sya nagreklamo about doon. Napapansin ko rin ang kasalukuyang pagbabago sa kanya. Mukhang may hindi kami alam dito ah.

"Guys," lumapit si Airon sa amin, "what do you think to iceberg?"

Naguguluhan namang humarap sa amin si Nath, "Huh?"

"Dude, he's acting weird." nakahalukipkip kong sagot. Minsan may pagkaslow na itong si Nath eh. Hindi pa nya ata napapansin.

"A-Ano? Paano? Bakit? Saan? Sino--"

"Potsa ka dude! Umayos ka naman!"

"M-Maayos naman ako ah! Tss, oh eh ano? Anong weird sa taong iyon na napapansin nyo ha? Eh dati ng weird ang gunggong na iyon eh"

THE UNEXPECTED Season 2Where stories live. Discover now