CHAPTER 104

108 52 2
                                    

Jehridale's POV

Nakauwi na kaming lahat ng mga Callevein dito sa mansyon. Lahat talaga ng mga Callevein ay naririto, especially sa angkan nila Don Galacio na kapatid ni Chairman Zei. It means, nandito si insan, kasama ang bunsong kapatid na si Sunshine.

"Hindi ko inakalang mapapaaga ang pagiging mag-isa ni Mr. Lacosta, nakakaawa naman sya" rinig kong pa-uusap nila Lola at ni Chairman Zei. Pero hindi ko kakikitaan ng anumang awa ang aming Chairman, tila may kung anong bumagabag sa isip nito.

Sinilip ko si insan. Nag-uusap naman sila ng kanyang kapatid na si Sunshine, bagaman nakatalikod sila ay hindi ko na makikita ang kanilang reaksyon.

"Dale," tawag sa akin ni Ate, "kain na tayo"

"S-Sige Ate" hindi ko ma[pigilang mag-alala kay coz. Iba kasi ang iyak nya kanina, parang kakaiba. Ng malaman nyang namatay na si Hanabi ay grabe, namumugto na ang mga mata non sa kaiiyak. Hays, hindi ko na maitatanggi na minsan, nakakapagtaka ang koneksyon ng ilan sa mga kapamilya ko mula sa ibang tao, hindi expected kumbaga.

Hindi sa pagiging chismoso o ano, malawak lang siguro ang koneksyon namin sa iba, at dahil masyado akong focus sa lifestyle ko, hindi ko na napapansin yun ng unang beses.

"Hey, kain na tayo"ginulo ni Jehnica ang buhok ko.

"A-Ah oo" naupo na kaming una sa mga upuan namin. Sumunod naman ang mga kapamilya namin.

Matalim na katahimikan.

Pressure.

Dalawang words ang mahahambing sa pamilya namin pag nagsalo-salo lahat. Kaya minsan hindi ako umuuwi pag kompleto sila. Mga achievements lang naman sa buhay, no failures allowed baga ang usapin dito, madalas business.

Karaniwan pa, hati ang panig.

Kung sila Mitch at Sunshine ang nakakapagpasaya sa paguusap ng aming pamilya, kami naman ni ate ang nagsisilbing failure of honor. Katuwa hindi ba?

"Why don't we propose another masterpiece before Charity Event hindi ba?"suggest ni Don Mauricio. Tatango-tango namang sumasang-ayon si Lola Patricina kahit medyo hindi nito naiintindihan.

"Pwede ba iyon?"

"Of course hahaha, lmalapit na ring magbirthday itong si Maureen, besides mas magandang gift ito para talagang magkaroon na sya ng interes sa arts, hindi ba apo?"sabay lingon sa pinsan ko. Tipid na nginitian sya ni Mitch.

"Yes 'lo" pagsang-ayon ni Mitch. Lihim na bumusangot ang mukha ni Sunny (Sunshine/ Maureen) ng marinig iyon. Kilala kasing hindi mahilig sa arts itong kapatid ni Mitch kaya naman ganon na lang kung itulak ng mga Lolo namin ang pinsan kong ito na magkaroon na ng interes sa mga bagay-bagay.

"Gusto kong makita kung gaano kaganda ang pagkakapinta kay Meriedal, ay teka, hindi ba't ang schoolmate mo ang nagpinta niyon?" baling ni Lolo Zeidi sa akin. Nailunok ko bigla ang kinakain kong oyster. Ilang beses pa akong napalunok sa tinuran nya.

"O-Opo 'Lo"

Mahinang natawa si Lolo Mauricio, "Sya iyong batang palaging binubully ng apo mo insan (Lolo Zeidi), magaling talagang magpinta ang isang iyon. Hindi ko nga alam kung bakit sya nahinto sa pagpipinta."

Lalo akong namutla ng pinanliitan ako ng mata ng Chairman. Para akong naestatwa sa kinauupuan ko ngayon.

"Woops" anito ni Mitch, sabay tingin kay Chairman. Hindi ko tuloy naigalaw ang kutsarang nabitawan ko dahil sa namumuong tensyon ngayon dito.

THE UNEXPECTED Season 2Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum