CHAPTER 27

9 1 0
                                    

Reveal


Dalwang linggo narin kami dito,kaya panay nalang ang tanong ni mama , kung kailan ang uwi namin,balak ko sanang sa sunod na araw.

Tinawagan narin kasi ako na magtuturo na,kaya hanggang maari gagawa muna ako nang lesson plan .

Kaya ngayon naglilinis ako sa bahay nila  Ana,Wala nasina tiyo at tiya dahil sa trabaho gayun din si Ana,kaya ngayon inutusan ko muna si Tweety na maglaba dahil malapit na ang alis.

Panay parin ang text at tawag ni Persues saakin,hindi ko alam kung ano kami,mabuti nga at hindi na siya nagtanong saakin,kung anong label namin.

Hindi kopa siya sinabi na uuwi nakami,kaya baka mamaya sasabihin ko sa kanya para alam naman nito.

"Dove!"Mabilis kung nilapitan ang pintuan nang marinig ang boses ni papa.

"Pa!"Gulat ako nang makitang may kasama siya, dalwang lalaki. Hindi rin mapakali ang mukha ni papa.

"Anong pong nangyari?"

"Mag-usap tayo!" Galit nitong sabi,pumasok ito sa bahay,kasama ang dalawang lalaki.

"Lolo"Kaagad nitong binuhat ang anak ko at hinalikan,may problema ba?"

"Saan si Tweet"Binalingan ako ni papa , para itanong iyon.

"Nasa..."

"Tawagin mo si Tweety" Hindi ko naiintindihan si papa,galit ito. May nagawa ba akong ikinagalit nito?

Lumabas ako para tawagin si Tweety.

"Tweety sumama muna kayo sa bodyguard ko,baka may gusto kang bilhin,isama monarin si Ciana"

Tinitigan ko lang si papa,para talagang may problema ito.

"Segi po"

"Dove"

"Upo muna kayo pa"Pagkatapos ihatid ni papa sa labas ang dalawa ay ito kaagadang bungad niya saakin.

"Akala ko ba hindi si Persues ang ama ni Ciana?"Kalma nitong tanong,pero makikita talaga sa mata nito kung gaano ito kagalit.

"Opo,hindi po si Persues"

Kumunot ang noo nito.

"Tell me,hindi ba tanggap ni Persues ang bata  Dove!"Tumayo ako sa galit nitong sabi,taika lang,ano bang nangyari at bakit ito galit.

"Pa,huminahon po kayo"Umiiling-iling lang ito.

"Unang kita ko palang sa apo ko, alam kona na may dugo siyang Villamonde.."

"Pa, hindi po talaga si Persues ang ama nang anak ko" Bakit niya ba pinipilit nasi Persues ang ama nang anak ko,alam ko ,at hindi iyon si Persues.

"Naging boyfriend mo ang lalaking iyon, naghiwalay kayo nung nabuntis ka,kaya paano mo nasasabing hindi si Persues ang ama nang anak mo, magkamukhang-magkamukha ito,bubo nalang ang hindi maniwala na hindi niya iyon anak" Umiling kaagad ako sa sinabi nito,ano bang gusto ni papa? Natatakot ako at baka paakuhin niya si Persues, alam kung sinasabi narin ni Persues na tatanggapin niya ang anak ko,pero alam koring masakit iyon sa kaloob-looban niya.

"Naging boyfriend ko po siya pero hindi po talaga anak ni Persues ang anak ko"

"Impossible!Bakit hindi niya tinanggap ang apo ko,dahil ba mahirap kalang noon, ha!?"

Natatakot ako sa mga pinagsasabi ni papa,saan ba niya nakuha itong mga sinasabi niya.

"Papa ,maniwala naman po kayo,hindi si Persues ang ama nang anak ko"

The HeartbeatWhere stories live. Discover now