CHAPTER 13

8 2 0
                                    

Shades


Isang buwan narin ang nakalipas at hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari, nakangiti akong nagbibihis , kanina pa ako dito sa cabinet ng damitan ko,ngayon ang examination ko kaya halos sa nagdaang buwan  ay halos wala na akong tulog lalo nat nanghihingi pa si Persues ng oras para makatawag saakin.

Napapikit tuloy ako ng naalala ang mga nangyayari saamin,ang bilis magbago ng mga desisyon ko pag siya na ang kausap.

Nawala din naman ang takot ko lalo nat hindi niya ako pinipresure sa ibang bagay.

Ngayon lang ako nakaramdam ng pagod,mga tatlong oras nalang kasi ang tulog ko.

Umuuwi narin ako ng maaga,kinukuha niya kasi ako sa school namin ,minsan hindi na sasama si Ana saakin dahil mag-iinom pa ito nina Francen,kaya 10 pm naakong uuwi,aabot naman ng dalawang oras ang usapan namin ni Persues, pagkatapos ng tawag ay mag-aaral naako hanggang 5pm ng umaga kaya halos tatlong oras lang talaga ang tulog ko dahil sa alas otso may trabaho pa ako.

Napili kung suotin ang puting floral dress,may malalaking bulaklak ito na mapupula,matagal narin itong bigay ni Ana saakin kaso ngayon ko lang susuotin ang iksi rin kasi nito,kung baga above the knee.

Masaya kung tiningnan ang repleksyon ko sasalamin,napahawak tuloy ako sa labi ng maalala ang ginawa ni Persues saakin,naku ba naman .

Halos mawalan na ako ng matinong pag-iisip sa ginawa niya,kagabi,sinundo niya ako pero hindi na sumabay si Ana dahil mag-iinom nanaman ito,akala ko nga walang kiss ang mangyayari sa araw nayun, sobrang busy niya kasi kaya gabi na kaming nagkita .

Akala ko talaga bibigay na ako pasalamat lang talaga ako at may tumawag sa kanya kung wala naku,nawala na talaga ang pinakaiingatan ko,isa panaman sa rason kaya ayaw kung magrelasyon dahil sa ganyang bagay,hindi ko alam na may ganun sa aming relasyon hindi korin naman maisip na gagawin nakin iyon,sa tingin ko kasi hindi kayang gawin iyon ni Persues,Ang strikto niya kasing tingnan at seryuso kaya feeling ko hindi niya magagawa ang iyon, ang buba ko talaga,padalos-dalos kasing sinagot kaya ayun ang dami ng nangyari ,pero kahit kailan hindi naman ako nagsisi na sinagot siya,masaya at magaan ang pakiramdam ko kapag kasama siya .

"Ang sakit ng ulo ko...."Nakangising aso si Ana ng tiningnan ako.

"Mabuti at naisip mong suotin iyan,bagay na bagay sayo,may date ka ba ngayon"

Tsk,parang di talaga to nakikinig saakin pag nagkwento ako sa kanya,walang alam e,kaya nga hindi muna ako papasok sa jollibee dahil mag tetake ako mg exam.

"Ngayon nayung examination"

"Talaga!Wow ..pero teka nga bakit ganyan ang ngiti mo ui"Sinusundot pa niya ang gilid ko.

"Ano ba ,tigilan mo ngayan"

"Ui, naglilihim na siya,anong gagawin niyo pagkatapos mo sa exam ha?"Natawa rin tuloy ako sa ngising asong binigay saakin,tinampal ko ang balikat niya para itigil yang pagsusundot saakin.

"Itigil mo ngayan"Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at hinarap sa kanya ng mabuti.

"Nagkiss na bakayo?"Naeeskandalo ako sa tanong niya,anong gusto niya sasabihin ko na oo,sa tingin ko private lang naman iyon,namula ang pisngi ko nang maisip na higit pa dun ang ginawa namin.

" Ui namula siya,ohhhh ano masarap ba?"

"Ano kaba"Nag-iinit na talaga ang pisngi ko sa kabaliwan nito.

"Omg god!Omy god!"Paulit ulit pa nitong sinabi habang tumatalon.

"Hoy,tigilan mo ngayang ginawa mo"Binalik ko na ang tingin ko sa aking salamin,kahit papaano ay marunong narin akong maglagay ng kalorete sa mukha,tinuturuan rin kasi ako ni Ana ,panay kasi ang tawag ko sa kanya para magpalagay seguro, napagod na kaya tinuruan nalang ako,nong una akala ko hindi  na ako matutoo pero nagpractice ako dahil kailangan din lalo nasa kinuha kung kurso.

The HeartbeatWhere stories live. Discover now