CHAPTER 21

10 1 0
                                    

Truth


"Ate Ana .....nagkita po kayo ni papa doon?"

Lumapit na ito saamin,nakita ko ang pagkakatulala ni mama,kahit hindi ko siya nakitaan ng sakit nung umalis si papa,pero alam kung sobrang sakit ang dulot nito sa kanya.

Ayaw lang niyang ipakita saamin.

Tiningnan pa ako ni Ana bago tumango,nakita ko ang paglandas ng luha ni Tweety sa pisngi niya.

"Ma,gusto ko pong makita si lolo"Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sinabi ni Ciana.

Ayaw kung pumunta sa manila, galit ako,pero may isang rason paaako, ayaw ko nang bumalik sa manila dahil natatakot akong makita siya muli,apat na taon narin,tiyak na may asawa na iyon,paano Dove kung hindi kayo magkita,kahit papaano malaki naman ang manila.

Pero paano kung magtagpo kami,pero malay mo nasa ibang bansa na iyon kasama ang asawa niya,kumikirot ang puso ko pagnaisip na may asawa na siya,kahit ilang taon na ang nagdaan hindi parin nawawala ang pagmamahal ko sa kanya.

Siya ang ng lalaking minahal ko,hindi ko alam  na makakaramdam ako ng ganito sa kanya,at masakit isipin na hindi siya ang nakauna saakin,minsan naiisip kung sana binigay ko sa kanya ang sarili ko nang sa ganun ay maramdaman rin niya ang pagmamahal ko.

Pero kahit papaano ay masaya parin ako, sobra,nag-iba man ang buhay ko pero masaya parin ako dahil binigyan ako ng isang madaldal na bata.

"Ma"Tiningnan ko nalang ang anak ko,hindi ko alam kung anong sasabihin ko,gusto kung sabihin sa kanya na impossible pero sa talino ba naman niya, sobrang dami niyang paraan.

"Ate,nung nandun  ka nagkikita ba kayo ni papa?"Nilingon ko si Ana.

"Ana,pweding bang lumabas muna kayo ni Ciana, maraming mga magagandang tanawin dun"Tumango si Ana,aayaw pa sana  ang anak ko pero naiintindihan naman nito ng sinabi kung importante ang sasabihin ko.

Bumuntong hininga muna ako, lumapit si mama sa lamesa.

"Ang totoo gusto ni papa na paaralin ako,hindi ako pumayag dahil alam kung kaya natin ang mga bagay nayun,hindi natin siya kailangan"

"Pero ate, kailangan ko po siya,ilang taon ko po siyang di nakita"Umiling ako sa sinabi ni Tweety,tama,  ilang taon siyang umalis na walang paalam at ganun -ganun  nalang niya sasabihin ang mga bagay nayon.

"Tweety hindi nanatin siya kailangan,masaya naman tayo ah,kung nagproproblema ka sa pag-aaral mo,naghahanap naman ako ng trabaho"

"Hindi ate,hindi mo ako naiintindihan,hindi sa pera kailangan ko siya para paintindihan tayo kung bakit niya iyon ginawa,bakit siya umalis nang walang paalam"

"Tweety masaya na siya,wag natayong pumunta sa kanila"Tiningnan ko si mama,para manghingi ng tulong pero tiningnan lang ako nito.

"Gusto ko lang siyang makausap ate,bakit ba ayaw mo!"Nagulat ako sa tono niya.

"Wag natayong magpakita sa kanya,di natin siya kailangan Tweety!"

"Dove,kung gusto man ni Tweety wala tayong magagawa"Tiningnan ko si mama, hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Ma,may asawa po yung tao,may anak po siya!"

"Ate,makikipagkita lang naman po tayo"

Umiling ako.

"Ang papangit ng ugali ng anak niya, mayaman sila,sobrang yaman ,takot ako at baka magalit ang asawa at anak niya,mayaman po sila,sobrang yaman,kung gusto po niya talagang makita tayo matagal na po niyang nahanap tayo,sa yaman niya,pero ano...hindi...wala..hindi siya nagpakita , hindi niya tayo hinanap..isa lang po ang ibig sabihin niyan,ayaw niyang makita o makausap tayo!"

The HeartbeatWhere stories live. Discover now