CHAPTER 17

6 1 0
                                    

Meet

"Bakit ka nga pala nandito?"

Lumapit ito saakin.

"I want to meet you,you know chatting haha"Nahihiya pang saad nito.

"Gabi na"

"Ahh oo nga no"Hinimas pa nito ang buhok nito , napakunot tuloy ang noo ko.

"Ahm, your busy ?Maybe bukas nalang noh"
Tumango ako sa sinabi niya,tinuro nito ang sasakyan para magpaalam saakin, napakagat ako ng labi ng maisip na dapat kung sabihin sa kanya,o alam ba niya,hindi ko siya nakitaan na may gusto siya saakin kaya naiilang ako,satingin ko kasi naghihintay lang siya na sabihin saakin ang totoo o naghihintay siya na sabihin ko sa kanya ang nalalaman ko.

"Xander"Lumingon ito saakin,pinuno ko ng confidence ang sarili ko para masabi ang totoo.

"Diba si Alexander Gonzalez yung papa mo?"Nawala kaagad ang binigay niyang ngiti saakin napalitan ito ng seryuso.

"Yeah"

"Alexander Gonzalez din yung pangalan ng papa ko"Kabang kaba ako nang sinabi iyon,hindi naman ako nagagalit kay Xander dahil kapatid ko siya ,hindi kagaya kay Alexandra na halos aapoy na ang dugo ko dahil sa mga ginawa niya saakin.

Nakita ko ang pagbuntong hininga nito nakompirma ko kaagad na alam nga niya,kaya ba gusto niya akong makausap dahil narin sa  isyong ito?.

"Let's meet tomorrow, I text you the address"Ngumiti ito saakin,mabilis na umalis ang sasakyan niya,napatanga naman ako,may number ba siya saakin ,isinawalang bahala ko nalang iyon ng marinig ko ang boses ni Ana.

Nang sinabi ko sa kanila na hindi ako sasama ay umuna na silang umalis, gusto sana nilang hintayin si Persues pero tinext ko naman iyon kaya dadating kaagad iyon.

Napatulala ako sa text ni Persues,kanina pa dilat na dilat ang utak at mata ko,panay ang balik nang isip ko sa sinabi ko kay Xander,nagsisi ako na sinabi ko sa kanya,anong na ang mangyayari,malalaman rin ba ni papa nanandito ako,anong magiging reaksyon niya lalo na ang kanyang babaeng anak,sana hindi ko nalang sinabi ,pero alam din naman pala ni Xander,baka yung pagpunta niya sa paaralan sasabihin na niya ang totoo pero naunahan ko lang,malalaman ba ni papa?Magkikita na ba kami,pero paano kung sasabihin ni Xander  na esekreto  nalang  dahil ayaw nitong masira ang image ng pamilya nila.

Nawala naman ang mabigat nanararamdaman ko ng mabasa ang text ni Persues,kukunin kasi niya ako mamaya sa jollibee,lulutuan ko daw siya ng paborito niya.

Bumangon naako para maglinis ng katawan lumabas naman ako ng matapos maligo para tulungan si tiya, tinawag ko si Ana sa kwarto niya para mag-igib, binuksan ko nalang ang kwarto niya ng di ito sumagot.

Napakunot ang kilay ko ng makitang may pasa ang kaliwang binti nito,hinawakan ko iyon naramdam ko ang paggising nito.

"Anong ginawa mo dyan Dove?"

Tinuro ko ang binti niya.

"Ikaw, anong nangyari sayo?"Bagong-bago pa kasi ang pasa nito.

Umupo ito at tiningnan ang binti.

"Sinong may gawa niyan sayo?"
Natulala pa kasi ito, tiningnan ako nito at halos mangiyak na.

"Nakakahiya, nakakahiya!"

"Bakit?"

"Nakipag-away nanaman kasi ako"

Napabuntong hininga nalang ako hindi ako makapaniwala sa kanya, umiling ako dahil sa katangahan niya.

"At dahil nanaman kay Kly"Alam kona ang dahilan kung bakit siya nakipag-away.

"O my gosh nakakahiya ako"

The HeartbeatWhere stories live. Discover now