CHAPTER 20

10 1 0
                                    

Pregnant

Pagkapasok ko  sa kwarto ay kaagad akong pumasok sa banyo at sumuka,halos mamatay naako dahil sa pagsuka puros tubig lang naman ang lumalabas,napasandal ako sa dingding nang maramdamang okay na, napatulala ako,anong nangyari saakin bakit ganito yung nararamdaman ko.

Pasalampak akong humiga sa kama, hinawakan ko kaagad ang tiyan ko , naramdaman ko ang pag-agos ng luha ko ng maisip ang posibilidad,paano kung buntis ako,anong gagawin ko,iyak lang ako ng iyak hanggang makaramdam ng antok.

"Hoy Dove, gumising kana ,may trabaho pa tayo"

Napamulat ako sa boses ni Ana pero mabilis kung pinuntahan ang banyo ng makaramdam ng  pagsusuka. Puro tubig lang ang sinuka ko, nilingon ko si Ana sa likuran ko,tinakpan nito ang labi niya ng kamay .

"Dove"

"Hindi ko alam Ana,pa-paano kung mabuntis ako"Iyak ko na,hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Diyan kalang may bibilhin ako"

Mayamaya ay dumating ito may inabot ito saakin.

"Gamitin mo yan, tingnan mo kung may pula bang guhit"

Tumango ako, umalis naman siya sa banyo,ginawa ko ang nakalagay doon,hindi naako makahinga ng makita ang nandun doon.

Panay ang iling ko sa possibleng mangyari sa buhay ko,paano nasi mama? Paano nayung pangarap ko,mabubuhay ko ba ang batang ito,kaya ko bang maging ina, 19 palang ako, napapikit ako nang maisip si Persues,anong magiging reaksyon niya,anong gagawin ko,mahal ko siya,hindi ko alam ang gagawin ko.

"Dove tapos na ba"Binuksan ko ang pintuan at binigay sa kanya ang PT.

"O my gosh,paano nayan!?"Umiling ako,hindi ko alam,hindi ko alam kung anong gagawin ko?Mababaliw naako.

"Dove ano,anong plano mo,ipalalag mo ba?"Umiling ako sa sinabi niya, natatakot akong maging ina pero nakakatakot isipin na papatayin ko ito, ginahasa man ako ng ama niya pero anak ko parin ito,pero paano na si mama ,ang kapatid ko,paano na ang pangarap ko,makakaya ko bang buhayin ang batang ito.

"Hindi,hindi ko siya ipapalaglag"Panay ang punas ko sa mukha dahil sa mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.

"Pero Dove alam mo bang sobrang hirap maging magulang,ano? Ano nalang  ang sasabihin ng mama mo?"Tarantang Saad nito.

"Babalik ako saamin,pag lumaki tong tiyan ko,tatapusin ko muna ang second semester"Napaupo ako,gulong-gulo rin naman ako natatakot ako sa reaksyon ni mama,pero ito lang naman ang kaya kung gawin, natatakot rin akong mamuhay dito,paano kung bumalik sila at gawan nanaman ako ng masama.

"Anong sasabihin mo kay tiya nanagpabuntis ka?"

"Hindi ko alam Ana"

"Dove paano si Persues?"

"Hiniwalayan ko siya,hindi ako bagay sa kanya ,hindi naako puro ,hindi nanga ako mayaman nabuntis pa ako"

Nang matapos iyon ay pinatapos ko muna ang second semester,may malaking naipon rin naman ako,kaya naitong paanakin ako.

Malala narin ang nararamdaman ko pero hindi panaman malaki ang tiyan ko kaya okay lang pero grabe na ang pagsusuka ko kaya kailangan ko nang umalis,takot man sa reaksyon ng mama ko pero wala akong magawa,kung gugustuhin kung hindi masira ang buhay ko ay isa lang ang magagawa nun at iyon ang ipalaglag ang bata ,pero hindi ko kaya ,hindi ko kayang pumatay,  natatakot ako.

Kagat ang labi ay ngumiti ako kay Persues,ang lalaking sobrang mahal ko,

"How's your school?"Bati nito , hinalikan ako nito sa pisngi, nginitian ko siya ng hilaw, sobra ang kabang nararamdaman ko habang nakatingin siya saakin.

The HeartbeatOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz