CHAPTER 2

28 3 2
                                    

I thought

"Naku Dove akala ko talaga binigay mo"Natatawang saad ni Ana halos magalit na siya sa ginawa ko kanina akala niya kasi binigay ko talaga,bakit ko naman ibibigay ang numero sa mga walang galang nalalaki .

Huminto kami sa isang fast food chain, tiningnan ko si Ana,kakain ba kami dito naku wala naakong pera at baka mahal dito,kaagad kung kinapit ang braso ko sa kanya,tiningnan naman ako nito .

"Ahm kakain batayo dito,wala panaman akong dalang pera"Bulong kung sabi,baka may makarinig nakakahiya panaman,tumawa naman ito,binuksan niya ang pintuan at halos napapikit ako sasarap ng amoy. Ang bago .

"Hindi,may ipapakilala ako sayo"

Tumango naman ako,nakapanghinayang akala ko ililibri niya ako.

"Halika upo ka muna,may tatawagin lang ako"

Umupo naman ako sa isang bakanteng upuan,nakita kung pumasok ito sa isang pintuan,binasa ko ang nakalagay sa pintuan.

"For staff only"Napatanto kona dito seguro siya nagtratrabaho,pero bakit siya nagtratrabaho e ang alam ko nagtratrabaho rin siya bilang janitress.

Pinasada kona lang ang tingin ko sa mga taong kumakain,napalunok tuloy ako hindi naman ako gutom pero basi sa reaction nila habang kumakain ay nasasarapan sila ng sobra.

Nakita ko ang paglabas ni Ana may kasama na itong babae nanaka uniform,ngumiti ako sa kanya dahil nakangiti ito saakin.Tumayo naman ako.

"Pinsan ko siya ma'am,si Dove ang sabi mo kasi may dalawang staff na kailangan kaya kung pwedi si Dove nalang"Nagulat ako sa sinabi ni Ana,paano yung trabaho sa sinabi ko kay tiyo Jose.

"Ang ganda ng pinsan mo,may lahi ba?"Nakangiting saad nito,mukhang mabait naman.

"Opo papa niya"Tumango naman ang manager,base sa kanyang nametag .

"Segi ipasa mo bukas ang mga requirements mo wagkang mag-alala pasok kana"Sabi ng manager,tumango naman ako kahit hindi ko gaanong naiintindihan.

Nakita ko ang pag-upo ni Ana kaya umupo narin ako,nagtawag ito ng isang crew .Lumapit naman ang isang lalaki nanakangiti. Gustong-gusto ko sanang tanungin siya,pero mamanaya nalang mukhang oorder siya,napangiti nalang ako.

"Ui grabe si madam "Bati ng lalaking chinito kay Ana,ngumiti ako sa kanya ng ngumiti itong nakatingin saakin.

"Tsk Josh pweding ikaw nalang mag order saamin don sa counter may sasabihin lang ako sa pinsan ko"Si Ana.Tumango naman ang chinito, sumilip pa ito ng tingin saakin,naiilang tuloy ako.

"Oh segi anong oorderin niyo?"

"Pm 2, at orange juice nalang din"Tumango ang lalaki pagkatapos umalis.

"Ah isang kaibigan ko Dove ang kaso morning yung shift niya ako naman gabi,kaya gabing gabi naakong umuuwi"Si Ana.

"Kung ganun dalawa ang trabaho mo sa umga at gabi?"Tumango naman ito ,grabi ang sipag naman ata niya ,nakakapagod naman ata ang ginagawa niya.

"Bakit?"

"May sakit kasi si mama,kaya wala siyang trabaho yung sweldo naman ni papa hindi makasya sa gamot,kaya pinag-iigihan ko talaga"Malungkot nitong saad,kaya pala.

"Pasensiya na at hindi kita nasabihin na ipasok kita dito,alam kung nagulat ka gusto ko lang kasing may kasama ako . "Tumango naman ako sa sinabi niya,hindi naman ako nagalit sa ginawa niya masaya nga ako at isinali niya ako sa mga trabaho niya.

Naisip ko tuloy noon kung gaano ka gusto ng mga kaklase at kaiban kung pumunta dito sa manila seguro dahil narin sa nakikita nila sa telebisyon hindi nila naisip na mas mabuti pa ang lagay nila kay sa sanakatira dito sa manila,ang dami kasing nakikita ko kanina na pulubi.

The HeartbeatWhere stories live. Discover now