CHAPTER 8

17 1 0
                                    

Courtship


Halos mga ilang minuto rin ng binasag niya ang ackward na hangin 

"It's been weeks when we see each other,so here, flowers"Inaabot niya saakin ang punpun ng mapupulang bulalak.

"Salamat"

Kinuha ko ang bulaklak sa kanya,nilagay ko naman sa banda ng mesa ang binigay niya habang ginagawa iyon ay sobrang nakaka ackward lalo na sa mga tingin niya.

Hindi ko alam kung biro lang bato,o totoo,pero paano kung totoo nga Dove,ang layo nang agwat ng buhay ninyo at edad.

"Manliligaw ako sayo"

Hindi naman ako tanga talaga para hindi malaman tong mga ginagawa niya pero totoo ba talaga ito,naalala ko tuloy yung nanay sa barko,na makakapangasawa ako ng isang mayaman,pero kung sasagutin ko man siya sa kanyang panliligaw ay magkakatotoo ang sinabi ni nanay.

Pero paano kung ,hindi yun totoo,paano kung sasagutin ko siya marami ang hahadlang,ang sarap tuloy batukan ang sarili ko ang feelingera ko na talaga. Sasagutin e bago mo palang ngayan nakilala.

"Pero.."

Hindi na ako nakatapos sa pagsalita.

"I don't need  rejection"Hindi ako makapaniwala sa guts niya, siya nanga itong manligaw siya patong hindi papayag na hindi sagutin,nababaliw na talaga ata to.

"Edi wag kanalang manligaw kong ayaw mo pala ng hindi ka sinasagot"Nawala tuloy ang ackward nararamdaman ko,edi sa iba siya manligaw kung ayaw niya pala.

"That's why I court you"

Nabwebwesit ako sa titig niya,I wonder kung naisip rin ba niya ang status namin at ang agwat ng edad namin,kilala siyang devil pag business na ang pag-uusapan at lalong maraming umaaligid sa kanya na mga magagandang babae,pero bakit ako,pero paano kung may binabalak itong masama,paano kung ang gusto lang nito ay ikama ka.

Paano kung laro lang pala to,paano kung naisip niyang wala akong respito sa kanya kaya ginagawa niya ito para maging mabait naman ako sa kanya,at saktan niya ako sa huli.

Kahit nagdadalawang isip ako sa kanya dahil syempre napaka impossible ay tumango parin ako,bahala na,kung masaktan man ay aral nalang to.

Nakita ko ang pagngiti nito, kinagat ko tuloy ang dila ko,para hindi siya bigyan ng ngiti pabalik.

"So I started now?"

Alam ba kaya niya kung paano manligaw,sa tingin ko kasi sa kanya hindi,pero malay natin yan ang strategy niya para makbinggwit na dalaga.

"Alam mo ba kung paano?"Tinaas ko pa ang kilay ko kahit kinakabahan ako,bakit kaya kung siya ang taong kaharap ko nawawalan ako ng hiya,siya lang kasi yung tao ,iniinis ko at binibigyan ng masasakit na salita, pero kahit ganun ay nakakaramdam parin ako ng kaba.

Nakita ko ang pagdadalawang isip niyang magsalita.

"Actually this is my first time doing courting,so bare with me"Maaawa sana ako kung awa ang ginamit niyang tono, pero napailing nalang ako dahil sa arrogante nitong saad.

"Paano yung mga babae mo noon,sila ba ang nanligaw sayo?"Naalala ko tuloy yung mga babaeng nagpapahayag nang damdamin sa kanya sa bar,kung wala ako dun paniguradong sasama siya.

Nakita ko ang pagbalik ni Ana,umupo ito sa isang sofa, binuksan nito ang TV.Napakagat tuloy ako ng labi,tumingin siya sa banda namin ng makitang natahimik kami.

Ngumiti itong nakatingin saamin.

"Segi ituloy niyo lang,wag kayong mahiya,ako lang to"

Magsasalita nasana ako nang marinig ang ingay nang cellphone ni sir Persues, kaagad niya itong kinuha at lumabas sa bahay para makausap ang tumawag.

The HeartbeatWhere stories live. Discover now