CHAPTER 11

10 2 0
                                    

Decision


"Ihahatid na kita, tapos na shift mo diba"

Hindi ko alam kung anong ibibigay   na salita sa kanya,gulat pa rin ako,parang lumulutang ako,hindi ko rin naiintindihan ang sarili ko,bakit ang bilis ko atang makuha sa pinagsasabi niya.

"Ahm,kasama ko si Ana, siya ang kasabay ko pauwi"Nang makabawi sa mga pinag-iisip.

"Then ihahatid ko kayo"

Lutang ako habang nasa sasakyan ni sir Persues,panay naman ang ngisi ni Ana.

Ayaw sana ni sir Persues dito sa likuran ako uupo,ang sabi ko naman kung ayaw niya edi hindi nalang niya ako ihatid,kaya ayan tuloy panay ang pagngisi ni Ana saakin. Mabuti pang sinunod ko nalang ang sinabi ng lalaking iyon.

Narinig ko pa ang pangunguya ni Ana ng lumabas kami sa sakyan ni sir Persues.

"Akala ko ba,hindi na magpaligaw, speechless kaagad siya ng nakita ang knight in shining armor niya"

Bubugwasin ko sana si Ana ng pumasok na ito sa bahay,nakita ko ang pagtitig ni sir Persues saakin,mukhang kanina pa siya nakikinig, nakakahiya tuloy.

Napakagat ako sa labi ko nang makitang lumapit ito saakin.

"Alam ko ang sinabi ng tiyo mo"Panimula nito, napabuntong hininga nalang tuloy ako.

"Ganun ba"

"Please Dove subukan natin,I know that it's too early,bago palang tayo nagkakakilala kaya nga liligawan muna kita"

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kabang kaba na talaga ako.Nakita ko ang pagkuha niya sa kamay ko,habang nakatitig ito saakin, napayuko tuloy ako dahil sa klase ng tingin niya.

"Please Dove , subukan natin"

Natatakot ako,paano kung dadating ang panahon na magsisi ako dahil sa mga desisyon ko,paano kung sa bandang huli masasaktan ako o paano kung matulad ako ni mama,yun panaman ang kinatatakutan ko.

Nagsusumamo ang binigay na tingin niya saakin ng napaangat ang tingin ko sa kanya.

"Please Dove, you will never regret if you choose this,if you choose me,hindi sa pinapapili kita but,I just know that you have many doubts to me or confused but please give me a chance please choose me than  your doubts"

Napapikit ako at tumango,diyos ko,nakakabaliw pala ito,yung feeling na alam mong ikakamatay mo ang desisyong ito pero ito parin ang pinili mo dahil sasaya ka,yung salitang bahala na ang magbibigay nang desisyon.

"Please say yes Dove, natatakot ako sa pagtango-tango mo lang"

Hindi ko na talaga kaya ang mga pinagsasabi ng lalaking ito,sobra na talaga ang nararamdaman ko,hindi ko na talaga hawak ang nararamdaman ko pati narin ang sarili ko.

"Okay,papayag ako pero huwag kang munang umasa na sasagutin kita kaagad"

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti nito, napabuntong hininga rin ito,na parang nawalan ng tinik dahil sasagot ko.

"Okay,I wait but please don't entertain any boys , nasasaktan ako"

Ilang beses ko nang inuulit ang mga binabasa ko dahil kahit isa walang pumapasok sa utak ko,heto na ngayong kinatatakutan ko,hindi ako makapag seryuso sa pag-aaral ko lalo na tong reviewer ko,pero wala talagang pumapasok.

Napatulala tuloy ako,gusto sana ni Persues na pumasok sa loob at sabihin niya ang gagawin niya kay tiyo kanina,pero hindi talaga ako pumayag,wala akong balak na sabihin kay tiyo,wag na muna ngayon,ang sabi ko rin sa kanya na ilihim muna itong pinagagawa niya,aayaw nasana ito pero halos umiyak na talaga ako sa harap niya kaya ayun pumayag rin.

The HeartbeatWhere stories live. Discover now