CHAPTER 15

6 1 0
                                    

Delete

"where are you?"Yun agad ang bungad niya saakin.

Baka magalit ito kung sasabihin ko ang totoo pero hindi ko naman kayang magsinungaling sa kanya.

",Kasama ko si Ana ,Francen, Jeany, Mariz.."

"Where are you Dove"Nagakat ko ang labi ko dahil sa tono niya.

"Sa bar"

"Umuwi kana,mag-aala una na diyan"

"Ikaw hindi kapa ba matutulog mag-aalas dos narin dyan?"

"Mamaya pa,I have many things to do"Naawa ako sa sinabi niya,ilang oras lang kaya ang tulog nito.

"Segi ibaba ko na"

"I miss you"Sabi nito,ang sakit pala pag naririnig mo sa kanya yung nararamdaman mo.Masarap sa feeling at the same time masakit.

"I miss you too,bilisan mo diyan para makauwi kana"Malambing kung sabi.

"Okay, please Dove umuwi na kayo,I'm worried"Tumango ako kahit di niya ako nakikita,gusto ko sanang sabihin sa kanya ang nangyari kanina pero,ayaw kung mag-alala siya,naniniwala naman ako kay Persues, masungit nga siya pero hindi naman niya ako sasaktan,malaki ang tiwala ko sa kanya dahil alam kung may dignidad siya.

"Okay , pero please matulog ka rin"

"Okay,ibaba muna Dove"

"Segi"Niyakap ko ang cellphone ko ng matapos ang tawag,hindi naman ako ganito noon pero bakit ito ang nararamdaman ko,bakit namimiss ko na siya, bakit gusto ko siya palagi sa tabi ko, napabuntong hininga nalang ako , bumalik nalang ako sa loob para umuwi na.

Nakita ko kaagad sila,bagsak na si Francen sa tabi ni Kly,nakita ko ang paninitig ni Xander saakin,nasa kabilang upuan ito, ngumiti ito saakin ng makita akong tumingin sa kanya.

Ilang minuto kong tiningnan siya,parang may kamukha siya,nang maisip kung sino,ay umiling ako, impossible, binalikan ko ang tingin kay Xander nakita ko ang pag-iba niya nang tingin ng makitang lumingon ako sa kanya,kilala ba niya ako? Bakit ganyan siya makatingin?

Impossibleng magkamukha sila ni papa, ilang taon narin kasing  hindi ko nakita si papa, kaya baka sa isip ko lang to.

Umupo naako sa mesa nila.

"Sayaw tayo Dove"Si Ana,lasing narin, nagpapasalamat ako kahit papaano kay Kly dahil dala nito ang sasakyan ni Francen at hindi rin siya lasing,kaya may tutulong saakin sa mga kasama kung lasing.

Nagising ako sa tawag,kinusot ko muna ang mata ko bago kinuha ang cellphone.

"Ma"Tiningnan ko ang oras at hindi ako makapaniwala ng malapit ng mag alas nuwebe, nilapitan ko si Ana para gisingin .

"Anak"

"Ana gumising kana may trabaho pa tayo"

Nag-unat muna ito sa kanyang katawan bago umupo sa kama,tulala pa itong tumingin saakin.

"Maligo ka na"

"Anak"Naalala kung katawag ko pala si mama.

"Po, pasensiya na po ma,ano po,ngayon?"

"May trabaho,anong trabaho"Napapikit nalang ako sa sinabi ni mama ,ang hirap pa namang magsinungaling lalo na sa kanya.

"Ahm,ma trabaho po,ahm yung gawaing bahay,opo yun po"

"Ah oh segi,tatawag nalang ako sayo mamaya"

"Segi po"

Napatulala ako, sinungaling ko na talaga.

The HeartbeatWhere stories live. Discover now