CHAPTER 3

22 4 1
                                    

Crush

Siya ang CEO ng kompanyang ito akala ko ba yung isang  kaibigan niyang lalaki ,naku siya pala ang boss ko.

Marahas itong pumunta sa direksyon ko panay naman ang pag map ko,hindi naman gaanong madumi ang tubig dahil pinalitan ko ito kanina,halos makalahati rin ang tubig  nanatapon sa balde.

"Bago ka?"Kabang kaba ako ng tumango,kaya pala ganun siya makautos saakin at ang pagtrato ng mga kanyang empleyado.

"Clean that mess"Sabi nito sabay alis.

"Naku...naku..naku"

Nawala tuloy ang pagod nanararamdaman ko,napalitan ng kaba at takot ,nakakatakot pala ang mga mayayamang magalit,malamang Dove itinapon munaman ba ang tubig sa kanyang malinis na opisina.

Natapos ko naman ang paglinis kaya sobrang sakit ng katawan ko,mga halos 12 pm rin akong natapos,hindi na siya bumalik kaya naisip kung galit nga siya,diyos ko sana ay hindi nakami pa magkita ang alam ko nasa 15th floor ang office niya kaya sana hindi nakami magkita ,sa laki ba naman ng kanyang kompanya kaya impossible nga at wala akong mukhang maipapakita sa kanya,matapos ba ang ginawa ko sa kanya.

Binagsak ko ang katawan ko sa kama kahit bago palang akong natapos sa pagkain,umuwi kaagad ako ng matapos kung linisin ang kalat ko,gusto pasana ni Jennesa at Trina na kumain sa labas pero hinindian ko sila dahil sa sobrang bigat nanararamdaman ko,hindi naman ako ganito noon,mabuti pa noon si Jameson lang yung crush ko.

Naisip kung lumabas nalang muna kaysa isipin ang mga bagay-bagay na hindi naman talaga importante.

"Tiya,ako napo"Nakita kung kukuha na sana siya ng walis .
Binigay niya naman ito saakin.

"Segi iha"

Habang nagwawalis ay panay naman ang tingin ko sa mga larawang nakalagay sa kanilang dingding ,marami iyon,napa dako ang tingin ko sa lumang larawan.

Nakita ko si mama,at tiyo Jose may kasama itong magandang babae at si papa,masayang nakangiti silang apat sa larawan. Nilingon ko si tiya Gina nanonood ng telebisyon.

"Tiya,sino po tong kasama nila ni mama na babae?"

"Saan iha" Lumapit ito saakin,tinuro ko naman ang larawan.

"Hay sabi kona nga ba ni Jose ,dapat sinunog niya yan"

"Bakit po sino ba siya?"Kuryuso kung tanong,narinig ko ang pagbuntong hininga nito.

"Siya ang totoong pamilya ng papa mo Dove"Napatitig tuloy ako sa larawan, maganda ang babaeng ito,pero bakit siya nagtaksil si papa,bakit hindi siya nakuntento, bakit niya pinatulan si mama?Alam rin ba ni mama na kabit siya?

Masakit isipan  na sinaktan ni papa si mama,pero wala na akong magawa niyan dahil kung hindi niya pinatulan si mama baka wala rin ako sa mundong ito,at hindi naman ako nangangailangan ng ama,si mama at ang kapatid ko lang ay sapat na ang buhay ko.

"Magkaibigan pala sila"
Yan naman ang makikita mo sa larawan.

"Oo eha,pero naku kalimutan muna yan matagal nayan,naghilom na ang mga sugat na binigay ng papa mo,kaya wag muna yang isipin"Tumango naman ako.

Umupo muna ako sa isahang upuan  malapit ng matapos na ang shift ko ngayon,pero hindi ko talaga kaya ang pagod, kanina paako lakad ng lakad dahil sa dami ng mga kustomer,akala ko pa naman walang ng gaanong tao paggabi yun pala mas marami pa kaysa sa umaga.

"Dove,tawag ka"Si Josh, na nakangiting hilaw naramdaman niya seguro nanapapagod naako,tumango naman ako,at nag umpisa ng magbigay ng mga ulam.

Kanina ng sumabay kami ni Ana papunta dito,ay gusto ko sanang sabihin sa kanya ang nangyari kanina ang kaso may kinukwento naman siya saakin,kung paano daw niya makausap ang crush niya tatanungin ko sana siya ,Kung sino ba talaga ang crush niya ang kaso hindi ako makatanong dahil kilig na kilig siya sa mga sinasabi niya nahalos Hindi kana maka react sa mga kinukwento niya,kaya Ayan tuloy bitbit ko pa ang damdaming gusto Ng lumabas,pag-uwi Lang talaga namin.

The HeartbeatWhere stories live. Discover now