Sinabi ko sa kaniya ang tunay na nangyari simula umpisa noong araw na iyon. Kung paano ako inabuso ng lalaking gusto niyang makasama. Nanginginig ako sa pagmamadali habang ikinuwento iyon sa kaniya lahat. I was paranoid that Tito Alfonso would come and hurt us because of the sudden revelation. Iniisip ko na baka bigla niya kaming saktan ni Mama dahil na nalaman na niya ang totoo.

But to my surprise...

"Ano ba iyang sinasabi mo, Anastacia?! Huwag mong pagsalitaan ng masama ang Tito Alfonso mo!" may bahid ng galit na aniya sa akin.

Nanghina ako at napahawak sa kung saan upang gawing suporta.

"M-mama, nagsasabi ako ng totoo. Iyang mapapangasawa ang totoong may balak ng masama sa akin-

"Tumigil ka na!"

Her anger made me halt for real. Natulala ako sa kung saan at hindi makapaniwala sa mga nangyayari. And then Tito Alfonso suddenly came out of the picture. Nagpanggap siyang nagtataka habang nakatingin sa aming mag-ina.

"Anong nangyayari rito?" sumulyap siya sa akin bago lumapit kay Mama.

"Wala, hindi lang kami nagkaintindihan." tugon ni Mama sa kaniya bago bumalik sa kaniyang ginagawa.

Muling sumiklab ang galit ko.

Bumaling ako kay Tito Alfonso at dinuro siya. "Bakit hindi ka umamin?" matapang na anas ko. "Bakit hindi mo sabihin sa kaniya ang ginawa mo sa akin noon?" nanubig ang mata ko nang maalala ang araw na iyon.

Isang araw na bumago sa buhay ko.

"Anastacia!" galit na pagtawag sa akin ni Mama. Gusto niya akong patigilin pero wala akong balak na tumigil ngayon. Kung hindi ako magsusumbong ngayon, kailan pa? Kapag tuluyan na niyang nakuha ang dignidad ko?

Muli akong bumaling sa lalaki.

"Bakit hindi ka umamin ngayon? Bakit hindi mo sabihin kung paano mo ako pinagbantaan noon nang mahuli kita na pumasok sa kwarto ko? Bakit hindi mo ikuwento lahat ng kababuyang ginagawa mo?"

"Ano bang sinasabi mo, Anastacia? Bakit ako papasok sa kwarto mo? Hindi kita kayang gawan ng masama, parang isang tunay na anak na ang turing ko sa'yo-

"Huwag mo akong tawaging anak!" galit na pagputol ko sa kaniya. "Hinding-hindi kita matatanggap na tatay ko. Hinding-hindi kita matatanggap sa pamilya ko. Simula nang dumating ka sa buhay namin, naging magulo na ang lahat-

Napaawang ang labi ko nang malakas akong sampalin ni Mama. Naluluha ang mga mata niya sa matinding galit. Hindi sa taong umaabuso sa anak niya, kundi sa akin mismo na anak niya.

Hinawakan ko ang pisngi na humahapdi dahil sa lakas ng sampal niya.

"Igalang mo man lang ang taong mapapangasawa ko. Hindi ko akalain na kagaya ka rin pala ng kuya mo." may bakas ng pagkadismayang aniya. "Ginagawa ko naman lahat para sa inyo ah? A-ayaw niyo ba akong maging masaya?"

Nakita ko ang pagpupunas niya ng luha. Lumapit sa kaniya si Tito Alfonso at hinagod siya sa likod upang pakalmahin.

"Ma, hindi ako tutol na magkaroon ka ng bagong asawa bukod kay Papa. Pero sana naman huwag iyong taong kagaya niya. Hindi ako gagawa ng kwento para lamang siraan siya! Hindi ako gagawa ng kwento para dungisan ang dignidad ko! Nagsasabi ako ng totoo, bakit ayaw mong paniwalaan ang sariling anak mo?"

Hindi ako makapaniwalang totoo nga...

Na kapag nagsumbong ako sa kaniya, hindi niya ako papaniwalaan. Ang akala ko hindi iyon posible. Anak niya ako, ako dapat ang pinapaniwalaan niya kaysa sa taong iyan.

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now