'Ang kulit mo kasi!' sigaw ng kabilang bahagi ng kaniyang utak.

Umiling siya at kaagad sinupil ang naisip. Napabuntonghininga. Naglakad siya at isa-isang hinaplos ang naggagandahang talutot ng papasibol pa lamang na mga bulaklak. Akala niya puro Tulip lamang ang naroroon ngunit nang mapadako ang kaniyang paningin sa dulo ng taniman ay nakita niya rin ang naglalakihang Sunflower. Dilaw na dilaw ito kaya pumitas siya ng isa at inilagay iyon sa gilid ng kaniyang tainga.

Tereesa smiled as the petals almost covered the other half of her face. Pakiramdam niya isa siyang diwata ng mga bulaklak dahil sa dami ng nasa kaniyang palibot. Kulang na lang ay isang bestida at korona para maging ganoon nga. Hindi nakuntento ay kumuha siya ng iilang tangkay ng bulaklak at pinag-isa. Nagmistulang bouquet iyon. Inamoy niya iyon nang may pag-iingat.

Never in her life she thought she could be dazzled by a bunch of flowers. Bilang isang modelo, sanay na sanay na siyang makatanggap ng mga bulaklak. Expensive flowers that was arranged in the most glamorous set up. But the simple Sunflower she was holding was more than enough to bet those artistry. Walang makapapantay sa natural na halimuyak nito lalona't bagong pitas.

"Hoy! Nag-unsa ka dire?" (Hoy! Ano'ng ginagawa mo rito?)

Tereesa was startled by the sudden tap from her back. When she looked at it she found one of the Guerrero's maid. She knew her. Her name is Nene. A petite woman with a short hair. Pretty in her own point of view. Madaldal din ito dahil nakasama na niya ito minsan.

She smiled, an awkward one. "Ano ba'ng ibig mong sabihin. Hindi kita maintindihan," reklamo niya.

Napakamot ito sa ulo. "Pasensya na. Na-kerid away lang." Inilibot nito ang paningin sa paligid. "Ano 'ka ko ang ginagawa mo rito?" paliwanag nito.

Tumango si Tereesa, naalalang Bisaya ang lenggwahe ng kaharap. It was cute though. "W-Wala naman. Bored kasi ako sa bahay kaya naisip kong pumunta rito. Ikaw? Ano'ng ginagawa mo rito?" balik tanong niya.

Nene was looking at her intently. Taas-baba na para bang may gusto itong makita. She wasn't comfortable of the act but she managed not to react. Nanatili siyang nakangiti rito. Kapagkuwan ay napatango ito. Pumitik sa hangin at ngumisi.

"Gusto mo ng trabaho?"

Hindi alam ni Tereesa ang trabahong sinasabi ni Nene. Parang alipin na tumango siya rito. Natuwa ito sa kaniyang sagot kaya pumalakpak ito habang nakangisi. Ang akala ng dalaga ay simpleng trabaho lang ang sinasabi nito, kaya nang malaman niya kung ano iyon ay laglag ang balikat at nais niyang umatras.

"Baka naman puwede mo akong samahan doon," pagmamakaawa niya. Ngumuso rin siya para mas lalo itong makumbinsi.

"Hindi maaari. Marami akong trabaho rito, saka, malapit lang 'yon. Isang kilometro lang." Nakapameywang ito habang sinasabi iyon. Nasa harapan sila ng mansion habang nagpapaliwanag si Nene sa kung ano ang kailangang gawin ng dalaga.

Gustong magprotesta ni Tereesa. Ang trabahong tinutukoy ni Nene ay ang maghatid ng meryenda para sa magsasaka ng hacienda. It was indeed simple for some. Ngunit sa katulad niyang maarte sa init at hindi pa nakararanas maglakad ng malayo ay napakahirap niyon. Kung bakit naman kasi walang kahit anong sasakyan na puwede niyang gamitin ay hindi niya alam. Mukhang naisahan siya ni Nene ng hindi niya namamalayan.

"Sige na nga!" Umingos siya sabay pinaikot ang mga mata. "Baka makita ko pa si Andrew doon," pahabol niya sabay talikod dito.

"Hoy! Akin lang si Señorito. Echosera ka!" sigaw ni Nene.

Napailing na lamang siya at hindi na pinansin ito. Bitbit ang basket na may lamang pagkain ay naglakad siya nang dahan-dahan sa paroroonan. Sa taniman ng mangga na katabi ng barn ng mga trabahante ang kaniyang tungo. Ang sabi ni Nene, ilang kilometro din ang lalakarin niya.

Alam ni Tereesa ang lugar na iyon. Minsan na siyang nakapunta roon kasama si Andrew. Kahit naiinis ay nagpasalamat pa rin siya at matalas ang kaniyang memorya. Hindi mahirap sa kaniyang tandaan ang direksyon. At kahit mainit ang sikat ng araw na hindi kinaya ng suot niyang sumbrerong gawa sa buri ay narating pa rin niya ang lugar nang matiwasay.

Hinihingal at puno ng pawis ang kaniyang noo. Tila babagsak na ang kaniyang katawan nang makita ang mga trabahanteng nakaupo sa lilim ng isang maliit na barn. Nagtatawanan ang mga ito. Hindi ramdam ang kaniyang presensya. Gayunpaman, sinikap niyang lapitan ang mga ito nang taas ang noo.

May isang binatilyo ang nakapansin sa kaniya. Siniko nito ang katabi. Hanggang sa ang maingay na barn ay naging tahimik. Isa-isa ang mga itong ibinaling ang paningin sa dalaga. May hindi makapaniwalang tingin. Nagtataka kung bakit siya naroon.

It gave her an awkward feeling too.

Bakit nga ba siya naroon?

Right. Nene asked her to bring the food for the workers. A considered win win situation for her if she would find Andrew. But where was he? Doon niya napansing wala ang binata nang tuluyan niyang marating ang barn. She felt disappointed, but still managed to continue her task.

"Ang bait mo namang bata, Eesa. Salamat at dinala mo pa iyang meryenda ng mga trabahante. Ito kasing si Butchoy, ayaw nang maglakad," tukoy nga kabo sa isang binatilyo.

Nagtawanan ang lahat. Maging si Tereesa ay nakitawa na rin. Nakaupo ang lahat sa kahoy na upuan sa labas ng barn habang pinagsasaluhan ang pagkaing dala ng dalaga. Turon, a sweet delicacy made of banana.

"Ayos lang po 'yon. Wala naman kasi akong ginagawa. Saka, masaya po akong makatulong." She bit her tongue slowly. Hindi naman kasi ganoon ang naging una niyang ekspresyon nang malaman ang gagawin.

Somehow, the words were half meant. Dahil ang totoo naman talagang rason kung bakit siya naroon ay para makita si Andrew. But he was nowhere to find. Unti-unting tinanggap niya sa sarili na walang pag-asang makita niya ito sa araw na iyon. Maybe, he was really hiding from her. Ganoon na ba siya kakulit para pagtaguan nito?

The thought of it pained her. Para bang may tumutusok na karayom sa kaniyang puso. It was odd. Nakapanghihinayang kung babalik siya sa dating sitwasyon. Nag-iisa. Nangangapa. Being with Andrew meant a lot for her. Ang kaso nga lamang ay mukhang hindi siya nito gustong makasama.

Nanamlay siya bigla. Tumayo siya't isa-isang tiningnan ang mga naroon. Nginitian niya ang mga ito kahit pilit. "Mauna na po ako. Baka hinahanap na ako ni Nanay," paalam niya.

Nagsitanguan ang mga trabahante.

"Hala, mag-iingat ka! Salamat sa paghahatid nitong meryenda. Sayang nga lamang at hindi mo naabutan si Sir Andrew," wika ng kabo.

Nang marinig ang pangalan ni Andrew ay sumibol ang pag-asa sa puso ni Tereesa. If Andrew didn't want her to be with his side, then she must do something. Kukulitin niya ito hanggang sa bumigay ito. If chasing him would be her last resort, then she would gladly do it. Para anopa't naging charm princess ang tawag sa kaniya sa entabladong nirarampahan kung ang isang katulad lamang ni Andrew ay susukuan niya?

"Nasaan pala si Manong Andrew?" inosenting tanong ni Tereesa. Sinadyang niyang hinaan ang boses habang may tinatagong ngisi sa labi.

Her thought just boiled the excitement she felt from within. Her adreline was awakened. She made up her mind. By hook or by crook she would stick to Andrew like a glue until he give in.

"Nasaan po si Manong?" ulit niya.

"Bakit mo naman ako hinahanap?" Andrew's baritone voice made the place quiet. Lahat ay nakatingin dito. It even made Tereesa startled for a moment. Then, a playful smile rose in her lips.

Mukhang hindi siya mahihirapang gawin ang plano; dahil sa una pa lamang, tadhana na ang gumagawa ng paraan para magtagpo sila sa mga pagkakataong hindi sinasadya.











@sheinAlthea

HMSS: TAMING THE HOT FARMERWhere stories live. Discover now