Napalunok ako sa sinabi niya. Sandaling tumingin ako sa bisita namin na nagkakasiyahan bago ko ibinalik sa kaniya ang atensyon ko. Umangat ang kamay ko at pinatong ko iyon sa dibdib niya at pagkatapos ay bumulong ako sa tapat ng tenga niya.

"Can we stay here then? So we can get to that like... quickly?"

Nilapit niya ang mukha niya sa akin at binigyan niya ako ng magaan na halik. It was just a peck and when he pulled away his eyes are dancing with amusement.

"I can wait for a little while," he said instead of answering my question.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata at may sasabihin pa sana ako pero naagaw ang atensyon ko ni Jia na lumapit sa amin. She leaned down to me and whispered something in my ear. Nakangiting tumango ako bago ko binalingan si Stone.

We danced all night for what seem like forever and he even danced with his mom but there's one dance left na hindi pa namin nagagawa. O mas tamang sabihin na hindi ko pa nagagawa.

"I'll be back," I told him.

I leaned down and I gave him a kiss on the cheek but before I can move away I felt his hand at the back of my head, stopping me from moving so that he could place a kiss on my lips. It was my turn to smile with his lips on mine and with the low rumble on his chest, I know that he like it just the way I do when he does that.

Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ko nang lumayo na ako sa kaniya para tumayo. Jia gave me a microphone and I turned to my guests that are now have their eyes on me.

"Aagawin ko muna ang atensyon ng mga naglalaro ng Uno cards diyan, Uno stack, at sa mga nag bi-bingo riyan."

Nagtawanan ang mga bisita dahil iyon nga ang ginagawa nila. I asked Jia to not do a tight wedding itinerary because I just really want to enjoy the day with my family. Except the traditional ones, we didn't really followed the usual wedding parties. We don't have speeches or toasts. We just eat, we cut the cake, we danced, then we eat again.

Everything is just casual which is perfect kasi parang nakakatawa naman na pormal na pormal ang gagawin namin samantalang mga naka-pajama na sila. Para ngang naging slumber party ang theme ng reception which I don't mind because they look cute. Most of the men kept their clothes that they used for the wedding. Lalo na at nakaiwas naman iyong iba sa ulan kanina. Iyon nga lang, no choice iyong mga naglaro pa sa ulan. Some of the agents who I know brought extra clothes with them decided to just wear their pajamas too just to join the fun.

Ang tanging naka formal suit pa rin na nakikita ko ay ang ama ko, si Tito Craige, si Tito Rain, Tito Cloak, Tito Reese, si Blaze, at ang asawa ko. The others were probably forced by their wives, that thankfully chose to bring an appropriate jammies because I haven't seen anyone wearing lingerie, to wear their sleep clothes too. Even Paris James Roqas is in his own sleepwear. He's the grandfather of the triplets; Thunder, Freezale, and Snow.

"I just want to share a memory that I suddenly remember when I was choosing a song for this moment." Pinigilan kong mapatawa nang makita kong napadiretso ng upo ang ama ko. "Yes, Pa. Hindi ka pa ligtas dahil hindi ko pa nakakalimutan ang father and daughter dance. Hinuli lang talaga namin."

Tumawa ang mga bisita at nagpatuloy ako. "Anyways, going back to the story... we all know that right now we're surrounded by amazing people. Mga tao na handang ibigay ang buhay nila para sa trabaho na sinumpaan nila. My mother is one of those. Her work is not an eight to five job. Sometimes she needed to be away for weeks and sometimes even a month. Hindi naman mahirap para sa amin na maintindihan iyon. Minsan hindi siya nakakaabot sa birthday namin or ni Papa, minsan hindi siya nakaka-attend sa mga pagkakataon na kailangan namin siya sa school. But her job never became an issue because we were happy and we're proud of her. Hindi niyo rin maririnig si Papa na nagrereklamo. My father is not like most of us that are in this line of work. He's also handling his own empire. But usually siya iyong uma-attend ng PTA meetings, minsan siya iyong pumupunta sa "bring a parent day" kung saan halos lahat puro nanay ang dinadala ng mga kaklase namin ni Eris, and he also learned how to fix our hair and make cute lunch boxes for us."

BHO CAMP #9: The MismatchedWhere stories live. Discover now