Chapter 24: Fatal

10.8K 660 180
                                    

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

CHAPTER 24: FATAL

ENYO'S POV

Nakapatong sa tuhod ang mga siko na pinanood ko ang mga kaganapan sa harapan ko. I've been training for more than an hour pero nakisali ako sa iba pang mga agent na lumipat ngayon sa Grounds para manood. It's the huge building next to the original headquarters. Dito sinasanay ang mga bagong trainee. Nandito rin ang mga kuwarto nila at may sarili rin silang facilities.

"Pogi no'n. Boy next door ang datingan," bulong ni Athena na itinuro ang isa sa mga trainee na nasa gitna ng mat. Kasalukuyan kasing nag-i-i-sparring ang mga trainee.

"His name is Cade."

Napatingin sa akin ang babae, "Kilala mo?"

"Hindi naman masyado. Na-meet ko lang ng dalawang beses ata."

"Alam ba ni Stone 'yan?"

Pinaikot ko ang mga mata ko nang magsimula na silang magkantiyawan. Winawagayway pa ni Chalamity at Nyx ang mga kamay nila sa ere na para bang nasa concert kami imbes na sa training area kung saan para bang nagpapatayan na ang mga nasa harapan namin. Nakita ko pang pinaningkitan kami ng mga mata ni Freezale na nasa kabilang side ng lugar dahil sa ingay namin.

Tumuro si Sky sa ibang direksyon. "Mas bet ko iyong naunang nag sparring. Ang laking tao no?"

Halos sabay pa kaming lahat na sinundan ang tinuturo niya. We saw a man that's probably taller than most people here. Idagdag pa roon na ang laki ng katawan niya. He looks like a bear minus the fat and instead he has more muscles. "I think his name is Hugo."

"Bakit kilala mo silang lahat?" nagdududa ang tingin na ibinigay sa akin ni Athena.

"Because I'm observant."

Ngumuso siya at ibinalik ang atensyon kay Hugo. "Bagay sa kaniya ang pangalan niya no? Hugo. Huge. Ang laki niyang tao. Parang ang sarap niyang lambitinan."

Sabay kaming nag-angat ng tingin ni Sky nang may mapansin kaming lumapit sa amin pero nagpatuloy lang si Athena sa pagsasalita na ngiting-ngiti pa habang nakatingin sa trainee.

"He can probably hulk smash anyone. Kapag nilagay natin iyan sa front line baka umatras na ng kusa ang mga kalaban. On the other hand imagine having him as a boyfriend? I don't want to objectify him but... yum. Sa tingin niyo papayag ang asawa ko kung hihingi ako ng yakap kay Mr. Hugo? Pa-experience lang ganern?"

"Your husband's answer is no."

Mahina akong tumawa at gano'n din si Sky nang halos mapatalon si Athena sa pagkagulat nang magsalita si Fiere na kanina pa nakikinig sa amin. Imbis na matakot ay ngumisi lang siya at tumayo. Umakto akong nasusuka nang lumambitin siya sa asawa niya na napapabuntong-hininga lang.

BHO CAMP #9: The MismatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon