Chapter 29: Ride

11.7K 655 467
                                    

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

CHAPTER 29: RIDE

ENYO'S POV

Mahinang umungol ako at umikot lang ako para ibaon ang mukha ko sa kama nang maramdaman ko ang mahinang pagtapik sa akin ni Stone. I'm exhausted. The "Prince" mission was draining both physically and mentally. Parang gusto ko na lang matulog ng isang linggo.

"Take a shower alone. I'm going to sleep more," Nang maramdaman ko na marahan niya akong niyugyog ay lalo ko lang niyakap ang unan na nasa gilid ko. "Mayaman tayo. Hindi na natin kailangan magtipid masyado sa tubig. You can shower alone this time."

Feeling ko iyon ang isa sa advantage ng mga taong nag-aasawa o tumitira na kasama ng significant other nila sa iisang bahay. Tipid.

Gustong magtipid sa tubig? Maligo ng sabay. Gustong makatipid sa kuryente para isang aircon lang ang bubuksan? Matulog sa iisang kuwarto. Stone and I even shared a plate one time. Partida siya pa ang naghugas ng pinggan.

When I felt Stone's hand continued to shake me, I opened one eye to look at him. Hindi siya sa akin nakatingin pero kita ko ang tensyon sa katawan niya.

"I'm really tired. Can we just have our shower later? I'll give you a blow-"

Napadilat na ako ng tuluyan nang bigla na lang niyang takpan ang bibig ko. Nahihintakutan na tinignan niya ako pagkatapos ay muli niyang binaling ang atensyon niya sa direksyon na tinitignan niya kanina.

"W-Wala po kaming ginagawa na iba," napapalunok na sabi ni Stone.

My entire body stiffened. Tinulak ko ang kamay niya at pabiglang napaupo ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga magulang ko na kasalukuyang nakatayo sa pintuan ng kuwarto habang nakatingin sa amin. My mom is fighting a smile but my father looks like as if he's having a brain hemorrhage.

"B-Blow dryer ang ibig ko pong sabihin. Umm... alagang-alaga kasi ni Stone ang buhok niya."

Parang biktima sa horror movie na dahan-dahang lumingon sa akin si Stone. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Ano kasing sasabihin ko? Alangan namang panindigan ko. Kahit siguro sixty na ako, baby pa rin ang magiging turing sa akin ng tatay ko.

"Anong... anong ginagawa niyo pala rito, Ma? Pa?"

"Your sister has an appointment. Alam niyang galing ka sa mission pero hindi ka raw niya madadalan ng pagkain kaya kami na ang nagdala," paliwanag ni Mama.

Si Eris kasi talaga ang laging nagluluto ng pagkain para sa akin. Ganoon na siya kahit noong mga bata pa kami. Kapag nagigising ako sa madaling-araw at wala akong makain, even when we were ten, she would make me a sandwich kahit nga ba simpleng peanut butter and jelly lang iyon.

Kapag may mission ako at alam niyang mas pipiliin kong matulog kesa kumain ay sinisiguro niyang nag-iiwan siya ng pagkain sa bahay. Kapag siya naman ang may mission ay pinapadalan ko siya ng galing sa Craige's o sa dining hall. Mas appreciated niya iyon kesa subukan kong magluto at ma-food poisoning pa siya.

BHO CAMP #9: The MismatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon