Chapter 32: Sweet

11K 601 303
                                    

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

CHAPTER 32: SWEET

ENYO'S POV

Napatili ako at nabitawan ko ang hawak ko. Mabuti na lang ay may mga kamay na naagapan iyon bago pa iyon bumagsak sa mga paa ko kundi siguradong malalapnos ang balat ko.

"Ngayon alam mo na kung bakit ang sabi ko magsuot ka ng clogs saka pantalon?"

Binigyan ko ng matalim na tingin si Ocean na siyang sumagip sa sasapitin ko sanang kamalasan. "Ang sabi ko gusto kong matuto na magluto. Hindi ko sinabing turuan mo ako na mag fire bending! The Avatar already defeated the fire nation!"

"It's a flambé."

"I don't care. Hindi ko kailangan matutunan 'yan. Ang gusto ko matuto na magluto ng breakfast, lunch, o dinner hindi kung paano silaban ang sarili ko."

Napapakamot sa ulo na sinenyasan ni Ocean ang isa sa mga kasamahan niya rito sa kusina ng Craige's na sa pagkakatanda ko ay Adrian ang pangalan na nangingiti naman na lumapit para asikasuhin ang ma-ala dragon na kawali.

"Anong klase bang luto ang gusto mong malaman?" nakahalukipkip na tanong ni Ocean.

"I don't know exactly? I mean... like how to fry an egg or bacon for starters?"

Nanlaki ang mga mata ng binata sa sinabi ko. "Hindi ka marunong magprito ng itlog?"

"I know the basic. You know? Like opening the stove, putting a pan on top of it, tapos maglalagay ng oil at itlog. Kaya lang kada magpiprito ako ang ending nagiging scrambled egg."

Lumapit ang lalaki sa fridge at kumuha ro'n ng dalawang itlog. Binigay niya sa akin ang isa bago niya inilagay sa counter ang lalagyanan ng oil. "Show me."

I rolled my eyes at him. Binuksan ko ang kalan at tinodo ko ang apoy no'n pagkatapos ay ipinatong ko ang pan. I placed a tiny bit of oil and then I cracked the egg on top. Sumama pa ang kalahati ng shell no'n na mabilis ko naman nakuha.

Gaya ng inaasahan at ilang beses ng nangyari sa akin ay dumikit sa kawali ang itlog nang subukan ko na galawin iyon. It broke it half. Nanggigigil na winasiwas ko ro'n ang sandok dahilan para maghalo-halo iyon. Tumigil lang ako nang maramdaman ko ang kamay ni Ocean na pinigilan ako at hindi maipinta ang mukha na inagaw sa akin ang sandok.

"Maawa ka sa itlog. Hindi na nga siya nabigyan ng tsansa na maging sisiw eh minimurder mo pa."

Sinalin niya sa platito ang na-massacre na itlog bago niya nilagay sa lababo ang pan at kumuha ng panibago. Nang makabalik siya sa tabi ko ay hininaan niya ng bahagya ang apoy. Hindi niya kaagad nilagyan ng oil iyon at inabala niya muna ang sarili sa paglilinis sa mga kinalat ko.

After awhile he added oil na mas madami sa tatlong patak lang ata na ginawa ko kanina. Malay ko ba? Ang sabi sa Google "a bit" of oil eh.

BHO CAMP #9: The MismatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon