Chapter 7: Unravelling

9.2K 507 129
                                    

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

CHAPTER 7: UNRAVELLING

ENYO'S POV

Present day...

I poked one of the babies chubby cheek. Bumuka ang bibig ng sanggol at kumorte na pa-O habang ang kapatid niyang katabi niya ay nananatiling mahimbing ang tulog. They're so tiny and cute. They will be one of the most protected babies... what with them having a family of agents.

"Akin na lang ang isa."

Pinaikot ni Aiere ang mga mata niya bago natatawang sumandal sa balikat ng asawa niya na si Archer. There's pride in her eyes as she looked at the bassinet with her twins in it. "No. Gumawa ka ng iyo."

I scoffed at that and looked back at her babies. Aivy and Cariel. The bouncing baby boy and girl na dagdag sa dumadami ng chikiting ng BHO CAMP.  Babies plus mothers with sleepless nights doesn't bode for good things. Lalo na kung ang nanay ng isa sa mga iyon ay si Dawn. Sa sitwasyon niya mas malala. Triplets ba naman.

"Nasaan na ang lolo at lola ng mga bubwit na 'to? Ano kayang feeling nila na lima na agad ang apo nila sa inyo nila Fiere? Feeling tumatanda na?"

"Excuse me?"

Napaaray ako nang maramdaman kong may humila sa tenga ko. Tinikom ko ang mga labi ko nang malingunan ko ang nanay ni Aiere na si Autumn Roqas na pinaniningkitan ako ng mga mata. Sa likod niya ay nakanguso ang asawang si Wynd Roqas. Ayaw pa naman ng mga 'to na natatawag na matanda.

"Magkasing-age lang kami ng nanay mo," tinignan akong mabuti ng ginang. "Sino ka nga ba?"

Naiiling na natawa na lang ako. Sanay naman na ako sa ganiyang mga hirit nila. Hindi ko rin naman suot ang nameplate na kadalasan ay nakakabit sa amin ni Eris. "Enyo po."

"Sabi ko nga. Buti na lang talaga lalaki at babae ang mga kambal naming apo. Masakit na nga ang ulo ko sa asawa ko, mahihilo pa ako sa mga apo ko."

"Napagkakalaman niyo rin po si Tito Ice minsan?"

Tito Wynd is one of the triplets in his generation. May kapatid silang babae na si Tita Wynter habang si Tito Ice naman ay kamukhang-kamukha ni Tito Wynd. I've seen them a couple of times and I still sometimes find it hard to distinguish them. Napapadali lang iyon depende sa kasama nila dahil kalimitan naman ay kadugtong nila ang mga asawa nila.

"Hindi no. Malayo pa lang 'yan naamoy ko na."

"Grabe ka naman Autumn. Para namang ang sangsang ng amoy ko sa paraan ng pagsasalita mo," reklamo ni Tito Wynd. "Amoy ko pa lang noon naaakit ka na."

"Parang hindi naman. Wala lang akong choice that time, remember?"

Suminghap ng malakas si Tito Wynd at sinapo niya ang tapat ng dibdib niya, "Hanggang ngayon ba si Reese pa rin ang tinatangi mo, Autumn? After all this years-"

BHO CAMP #9: The MismatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon