Chapter 19: Tangled Webs

10K 575 107
                                    

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP


CHAPTER 19: TANGLED WEBS

ENYO'S POV

Naramdaman ko ang marahang paghaplos sa pisngi ko pero hindi ko idinilat ang mga mata ko at sa halip ay sumiksik ako sa mainit na bagay na nararamdaman ko na nakadikit sa akin. Mas lalo akong hinila nang antok nang tila napaloob ako sa init na iyon dahil may kung anong pumalibot sa akin.

"Much that I like you in my arms, Honey, but we're here."

Pinilit kong buksan ang mga mata ko pero para bang kay bigat ng mga iyon. When I decided to just open one, I saw Stone looking down at me. Sinuklay niya ang buhok ko palayo sa mukha ko at mahinang nagsalita, "Hey."

Umayos ako ng upo at disoriented na tumingin ako sa labas ng bintana. Ang antok na bumabalot sa akin kanina ay ultimanong nawala nang makita ko na nasa headquarters na kami at kasalukuyang may mga naghihintay na sa amin sa labas.

"Bakit pakiramdam ko may nagawa tayong kasalanan?" tanong ko.

"Na-miss lang siguro tayo."

"Eh bakit ang daming tao?"

His eyes are dancing with humor. "Siyempre makikitsismis."

Great. I never thought that this would happen to me. That it's finally my turn. Sa loob kasi ng matagal na panahon ay isa ako sa mga nasa front line pagdating sa pagsagap ng mga balita lalo na sa buhay pag-ibig ng mga agent. Ano ba naman kasi ang iba pa naming pagkakaabalahan? Maliban sa trabaho namin ay ang mga drama lang naman ng mga agent sa buhay ang interesante.

Mabuti na lang at tinted ang sasakyan. Kung hindi ay nakita nila kung paanong halos ma-absorb na ako ni Stone sa sobrang pagkakasiksik ko sa kaniya.

"Paano ka nakapagmaneho na nakasandal ako sa'yo?"

"Talent."

Automatikong naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya, "So sinasabi mong hindi lang ako ang-"

"Talented ako pagdating sa'yo. Kung sakali man na mahirap, sa tingin mo ba magrereklamo ako na malapit ka sa akin?"

Pinaikot ko ang mga mata ko. Mga palusot. Para namang hindi ako nakakarinig ng balita tungkol sa kaniya at... at sa kapatid niya. I heard a lot of humors and I don't know how much of those are true. "Stone?"

"Hmm?"

"May narinig ako dati."

"Tungkol saan?"

"Tungkol sa'yo at sa ex-girlfriends mo," bantulot kong sagot.

"I didn't have a lot of ex-girlfriends. Bilang lang sa isang kamay."

"Right. Para namang hindi kita nakikita na laging may kasamang bagong babae."

BHO CAMP #9: The MismatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon