Chapter 6: Hate

9.7K 528 75
                                    

#BHOAMP9TMM #TonYo #BHOCAMPTMM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOAMP9TMM #TonYo #BHOCAMPTMM


CHAPTER 6: HATE

ENYO'S POV

"Barilin mo na lang. Hindi naman nakakamatay ang tingin."

Imbis na pansinin ang nagsalita ay nagbaba na lang ako ng tingin sa iniinom ko. I barely touched it. Hindi naman kasi talaga ako palainom. Kapag nagagawi naman ako rito sa Paige's, ang official bar ng BHO CAMP na ipinangalan sa nanay ko, ay kadalasan talagang nakikisaya lang ako sa mga kasama ko.

Hindi isa sa mga pagkakataon na iyon ang gabi na ito.

Not today when the man that I considered mine is happily flirting to any woman who came into his view.

"Gusto mo lasunin ko?"

Napatingin ako sa kinaroroonan ni Blaze at ng babaeng halos kumandong na sa kaniya. Gusto kong lapitan sila at hilahin palayo sa kaniya ang babae. Gusto kong gawin iyon pero wala akong karapatan... kahit na pakiramdam ko dapat meron. Kahit na iyon ang gusto kong paniwalaan.

"Sino sa kanila?"

Napataas ang kilay ni Athena sa sinabi ko. Umupo siya sa tabi ko at nangalumbaba habang nakatingin din sa pokus ng atensyon ko kanina. "Iba ka na ngayon. Pati si Blaze mukhang gusto mo ng taluhin. Di na kayo bati?"

"Matagal na kaming hindi bati." Ako lang naman talaga ang nagpupumilit ng sarili ko sa kaniya.

"Balita ko nga."

I took another sip of the drink I'm holding and I tried not to grimace at the taste. Hindi ko talaga maintindihan ang mga mahilig magsunog ng bahay-alak nila. It taste awful. Wala naman sana akong balak uminom kung hindi lang ako magmumukhang stalker na sinusundan si Blaze. Though... I'm doing exactly that. Nandito ako dahil alam kong nanggaling siya sa isang Ender mission.

I used to be there for him as he is to me. Kailangan namin ang isa't isa noon. I needed him... maybe too much.

I tried not to make any noise. Kung ako lang ang papipiliin ay hindi ako tutuloy dito kaya lang ito ang gusto niya. Every time that we have this day, he wants us to be together. Kahit na anong oras pa matapos. Kahit na walang kasiguraduhan kung anong hihintayin namin.

"You're back."

He looks sleepy. Hindi naman iyon nakakapagtaka dahil madaling-araw na. Dapat nga siguro ay dumiretso na lang ako sa sarili kong kuwarto. But at the same time... I don't want to come home to an empty place too. Iyon na nga ang nararamdaman ko, iyon pa ang sasalubong sa akin?

"I need to take a shower. May dala naman akong damit."

"Come here, Enyo."

BHO CAMP #9: The MismatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon