Chapter 39: Match

13.4K 667 181
                                    

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

CHAPTER 39: MATCH

ENYO'S POV

"Nandoon na sila Mama. Namimigay ng pagkain si Ocean kaya hindi na kailangan hagilapin ng wedding planner mo ang mga bisita. Nandoon na sila lahat."

Napatingin kami ni Blaze sa pintuan kung saan naroon si Eris na hindi magkandaugaga sa mga dala niya. Hindi siya nakatingin sa amin dahil kasalukuyang nasa train ng damit niya ang atensyon niya na sinusiguro niyang hindi maiipit sa pintuan habang sa isa niyang kamay ay may hawak siya na kahon at bulaklak.

Nang maisarado niya ang pintuan sa pamamagitan ng paa niya at nag-angat siya ng tingin ay kita ko kung paanong magsalubong ang mga kilay niya habang nakatingin sa lalaking nasa tabi ko.

She looked at him suspiciously. "Bakit ka nandito? Tinatangka mo bang kidnapin ang kapatid ko?"

"It's not kidnapping if she's willing."

Hindi maipinta ang mukha ni Eris na tumingin siya sa akin. Katulad ko ay tapos na rin siyang maayusan. She's also wearing the gown for my maid of honor which is a dark blue color. The light blue ones are for the bridesmaids.

"Sasama ka sa kaniya? Bakit? Is he blackmailing you?" Binaba niya ang mga dala niya at lumapit sa akin bago nakakaunawang tinapik ako sa balikat. "Wag kang mag-alala. Kung may utang ka sa kaniya kayang-kaya ni Papa na bayaran 'yon. Mayaman tayo."

"Mayaman din kami," sabi ni Blaze.

"Mayaman lang ang pamilya mo."

"Ikaw din naman ah."

"Magkaiba 'yon."

Umangat ang kilay ni Blaze. "At bakit?"

Umaktong nagulat si Eris at nilagay niya pa ang kamay niya sa tapat ng mga labi niya. "Oh no, I'm sorry. I didn't mean to divulge the secret. Hindi mo pala alam."

Pinigilan kong mapatawa habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanila. The animosity they have for each other is apparent but I'm not blind to see that it's not that simple.

"What are you talking about?" Blaze asked.

"Totoong anak ako ni Papa kaya mayaman kami." Nagpalingon-lingon si Eris bago bumulong. "Ikaw ampon ka lang."

Kumibot-kibot ang mga labi ni Blaze na para bang pinipigilan niya lang ang sarili niya na bulyawan ang kapatid ko. "I'm part of a quadruplets. I think my mom doesn't need to adopt anymore babies after giving birth to us four."

"Napalitan ka kasi. Hindi na nila kinuha iyong totoong anak nila kasi ang sabi nakatadhana raw siya na sagipin ang mundo. Kaya mahirap man, hinayaan na lang nila ang pang-apat na kapatid nila Kuya Stone. Ikaw ibabalik ka sana nila kaso sabi ng totoo mong magulang, no refund no exchange daw."

BHO CAMP #9: The MismatchedWhere stories live. Discover now