CHAPTER 8: Wishing Star

Start from the beginning
                                    

Nilalaro nito ang isang robot na kaisa-isa nitong laruan na ibinigay pa ni DJ…

Nash: Opo, ate!... Ate, bili ka ng popcorn ah!...

Kathryn: Ayoko nga! Eto kung makautos, parang may pinatagong pera eh!… Basta matulog ka na ha!...

Habang naglalakad sila patungo sa bayan ay wala pa rin imik ang katabi. Tila nakadistansya pa ito sa kanya…

Kathryn: Psst! Anong iniisip mo?

DJ: Wala… Wala naman eh…

Kathryn: Kilala kita, DJ… Alam ko ‘pag may iniisip ka...

Nakayuko lang itong naglalakad  habang nakapamulsa ang dalawang kamay…

DJ: Naiisip ko lang… Habang lumalaki tayo… Maliban sa prinsipe, ang dami ko pa palang magiging karibal…

Napabuntunghininga siya.

Kathryn: DJ… Babalik na naman ba tayo sa usapan na ‘yan?...

DJ: Hindi naman masamang umasa ‘di ba?

Kathryn: Pero masasaktan ka lang…

Matagal na niyang tinapat dito na ang prinsipe lang ang tanging mahalaga sa kanya… Pero talagang mapilit ito…

DJ: ... Umasa man ako o hindi… Ganun pa rin naman eh… Masasaktan pa rin ako… dahil hindi ko naman sinasadya na mahalin kita… kusa na lang nangyari ‘yun…

Hinawakan niya ang kamay nito…

Kathryn: DJ… Masyado pa tayong mga bata… Marami pang pwedeng magbago… lalo na jan sa nararamdaman mo…

Tiningnan nito ang kamay niya na nakahawak sa kamay nito. Saka sumulyap sa kanya…

DJ: Ikaw na rin nagsabi na marami pang pwedeng magbago… Kaya aasa pa rin ako, Kath… Aasa pa rin ako na sana… sana makalimutan mo na ang prinsipe…

Kathryn: …………. S-Sorry, pero hindi na kailanman magbabago ‘yun…

Alam niyang labis niya itong nasaktan sa sinabi… Pumikit muna ito bago umiwas ng tingin…

DJ: Kath… Ayun na ang perya oh!… Mabuti pa bilisan na natin!…

Iniiba na nito ang usapan. Bahagya pa itong ngumiti sa kanya. Saka siya inakay. Tila ba ayaw nitong masira ang gabi nila…

_______________________________

Nang makarating na sila sa perya ay labis na siyang natutuwa… Bukod sa napakaraming mga tao ay marami ring mga palaruan at mga rides… Napakaliwanag pa ng ilaw sa buong paligid. Parang nakakaengganyo tuloy magbabad doon…

Niyaya na siya ni DJ sa isang palaro…

Kathryn: Ano ka ba? Mamasyal lang tayo! Wala naman akong pera eh…

DJ: Grabe naman ‘to… Pupunta ka sa perya, manonood lang? Ako ng bahala… May pera naman ako eh…

Atubili man ay sumunod na rin siya dito… Sa ganoon kabilis na sandali ay parang nakalimutan na nila ang naging usapan kanina… At masaya na muli silang naglaro… Marami silang pinuntahan ni DJ…

Ngunit paborito nila ang laro gamit ang dart at ang laruang baril. Pasikatan silang dalawa kung sino ang mas magaling tumama sa mga maliliit na laruan… gayun na rin ang pagtama sa dartboard…

A Fairytale's MishapWhere stories live. Discover now