Ah ganun ba? Pero sa natatandaan ko, hindi naman malakas ang team ng Saint Peter. "Dadayo tayo doon?" Tanong ni Rachel.

"Oo. Windon sana ang makakalaban natin pero binago dahil nalaman ng namamahala ng Interhigh na malakas na team tayo. Ang mga malalakas na team ay maglalaban-laban next round."

"Teka, kailan sila dadayo dito?" Tanong ko.

"Baka next game tapos nitong laban namin. Santo Domingo ang dadayo sa'tin."

"Lagot sila sa'kin." Tumingin ng matalim si Rachel sa lahat. "Manonood tayo pagdumayo sila dito. Lahat tayo pare-pareho ng suot."

Sumingit ang isang kaklase namin. "Oo ba, basta ba sponsor mo damit namin."

Nagtawanan ang lahat. "Hindi a. Pare-pareho kulay, kaya niyo na 'yun."

Biglang bawi. Ayan kasi. Si Rachel talaga.

Mabilis na lumipas ang oras. Eto na ang hinihintay ko. Si Ma'am Butalid. "Yung mga may laban bukas, ngayon na mag-eexam a." Tumingin si Ma'am sa'min ni Stephen. "Kayo, nakagawa na ba kayo? Sino ang mag-eexam?"

"Ma'am." Sumagot si Stephen kasi sa kaniya tumingin si Ma'am. "Si Taba po gagawa ng exam." Pinandilatan siya ni Ma'am.

"Nakagawa na po ako." Pinakita ko pa ang malaking papel.

"Damasco, umayos ka a." Pagbabanta ni Ma'am. Baka ang tinutukoy 'yung pagtawag niya sa'kin ng taba. "Ayoko na ng paiiyakin mo si Cardona a."

"Okay na po kami, Ma'am." Sagot niya. Tapos tumingin siya sa'kin. Tumingin din sa'kin si Ma'am.

"Sure kayo a. Ayoko nang mga tampuhan at iyakan a!"

Nakita kong ngumiti si Stephen. "Hindi na mangyayari 'yun, Ma'am."

"SIGURADUHIN MO LANG. HAH, DAMASCO!"

Nagtawanan na naman lahat dahil kapag ganun ang boses ni Ma'am na hindi mainit ang ulo, nakakatawa lang. "Yes, Ma'am." Sagot naman ni Stephen. Alam naman niya hindi galit si Ma'am. Hmp hindi ko tuloy alam kung sa'kin sila kampi. Pero napapansin ko hindi na ako naiilang kay Stephen. Hindi ko alam ang plano niya, kung totoo ba talaga ang pinapakita niya o wala lang siyang magawa ngayon. Ayoko pa naman ng paasa.

-

Mabilis na lumipas ang isang araw. Umaga ang laban kaya sumakay na naman kami ng bus. Syempre isa kaming tatlo ni CJ at Rachel. Kasama ko sila. Nakita ko si Stephen na nakasakay sa likod. Konti lang kami dahil wala ang volleyball girls. Bukas pa ang laban nila at ang ilan. Basketball lang talaga ang meron ngayon at ang iba ay sa hapon pa. Habang nakasakay sa bus ay lingon ako ng lingon sa likod. May usapan nga pala kami ni Stephen na magiging alalay ako. Kung tutuusin dapat hindi ako pumayag pero bakit ba ang hirap tanggihan ng mokong na 'yun. At sa wakas nakarating na kami sa Saint Peter. Pumarada ang bus sa loob. Malaki din pala ang school nila. Nang makababa kami ay nagulat ako dahil ibinigay sa'kin ni Stephen ang Varsity bag niya na malaki. Hindi naman siya mabigat. "Ano 'to?" Kunyari'y reklamo ko pero syempre, alam ko na ang nangyayari. Taga-bitbit niya ako. Bakit ba ako ang napili niya? Gawain yata ng mga girlfriend 'to kaya feel na feel ko.

"Taba, dalhin mo 'yan." Grabe talaga siya.

"Hoy, taba!" Si Kuya. Grabe sila.

"Bakit?"

"Isusumbong kita kay Mommy a." Teka, akala ko maiinggit siya. Bakit niya ako isusumbong? Baka nga gawain ng mga girlfriend ito kaya lagot ako. Lumalandi yata ako.

"Edi isumbong mo!" Binelatan ko pa siya.

"Close na kayo ni Damasco?" Tanong ni CJ.

"Dalawang araw lang ang lumilipas, Taba na ang tawag sa'yo?!" Si Rachel naman.

High School Superstars [On-going]Where stories live. Discover now