EP 1 - NICE TIE

18K 363 20
                                    

Marahang naglakad si Ramona sa pasilyong iyon sa naturang building. Ang kaniyang 7 inches high heels ay siyang nagbibigay ng ingay sa bawat hakbang na kaniyang binibigay. Lahat ng taong kaniyang nadadaanan, napapalingon at humahanga sa kaniyang angking kagandahan. Hmm, well sino ba ang hindi mabibihag sa kaniyang ganda? Isa lang naman siyang babaeng nagsusumigaw ng panganib sa bawat pilantik ng kaniyang daliri.

"What are you looking at, sweetcakes?" Tinaasan niya ng kilay ang batang humarang sa kaniyang daraanan, may yakap-yakap itong teddy bear at inosenteng nakatingin sa kaniya ngayon.

"Ang ganda-ganda niyo po!"

Inirapan lang niya ito at maarteng nilagpasan. Alam niyang lahat sa kaniya, maganda. Hindi siya naging Belladonna kung isa siyang kapintas-pintas na nilalang.

Sa pangatlong silid ang kaniyang deriksyon. Kung saan naghihintay ang kaniyang personal Doctor. Naiinis siya sa tuwing dumadalaw siya sa matandang Doctor at pumapasok sa Hopsital na ito. Nakakainis bawat pasilyo at lalo na ang amoy. Nakakasuka!

"You're finally here!"

"Whatever, Doc." Inirapan niya ito at maarteng umupo sa sofang nasa office nito. Hindi siya nag-abalang tanggalin ang suot na sun-glasses. Agad itong lumapit sa kaniya at inabutan siya ng paborito niyang wine na galing pa sa Italy. Mabilis niyang inabot iyon at inamoy.

"Aurora, walang lason ang wine na iyan for God sake!"

Nagkibit siya ng balikat. Wala siyang pinagkakatiwalaan kundi sarili niya lamang. Ang pagkakaalam ng matandang Doctor na kaharap, isa siyang Pulis na nag-resign sa trabaho at mas piniling maging modelo at nagbukas ng Botique.

"Whatever Doc, hindi mo 'ko masisi. I have a trust issue."

Napabuntunghinga ito at napailing-iling, "That is why I'm asking you to visit me. We have to talk privately."

"We're talking, Doc. Ano ba ang gusto niyong sabihin? I have something to do and oh..." Sandali siyang tumigil at tiningnan ang iniinom na wine. "Masarap. Still my fave wine. Pahingi ng isang bottle nito." Pero ang totoo, marami siyang paborito. Siguro mga sampu!

Tumango-tango ito at kinuha ang pinaglalagyan ng wine. Ang lawak ng kaniyang ngiti nang iabot nito sa kaniya iyon. Ah, wine! Wine is everything.

"So what is it again, Doc. Usuro?"

Humugot ito ng malalim na buntunghinga at malungkot na napatingin sa kawalan, "My son."

Tumaas ang kaniyang kilay. Walang kwenta ang kanilang pag-uusapan kaya mabilis siyang tumayo at tinungga ang wine sa kopita. Hindi siya psychologist para pakinggan ang hinaing ng ibang tao.

"Tell you straight, hindi ako nakikinig ng mga hinaing ng iba."

"I know. Naalala mo ang sinabi ko rati? Na may isang lalaking nagdala sa'yo rito nung minsan duguan ka, walang malay at tama ng baril sa likod at tagiliran?"

Sandali siyang natigilan at napatingin sa matanda. Well yeah, who cares? Kahit pa pulubi ang nagdala sa kaniya nang mga araw na iyon. Wala rin siyang pakialam. Her mind is pretty busy killing someone ass.

"I have to go, Doctor Juan Usoro. Have a nice day!" Maarteng tinalikuran niya ito habang bitbit ang wine sa isang kamay.

Tinawag siya ng Doctor pero hindi niya ugaling lumilingon sa pinanggalingan. Tanging baril lang niya ang marunong lumingon, pero siya? Napangisi siya. Inabot niya ang pintuan at walang ingay na lumabas sa office nito. Muli niyang nakasalubong ang bata at nakangiti itong nakatingin sa kaniya.

"What? Stop looking at me, will you?"

"You're pretty po! You look like my mother."

"Well, isa lang masasabi ko. I'm beautiful than her, sweetcakes." Walang sabing iniwan niya ito. Naiinis siya sa mga bata o sabihing, ayaw niya sa mga bata. Sakit ang mga ito sa ulo.

BETWEEN THE ACE [COMPLETED]Where stories live. Discover now