Chapter 33: Target

Start from the beginning
                                    

"Huhulaan ko. Nasa unahang pila si Nyx?" tanong ko.

"Yep. I don't think natulog ang isang 'yon mauna lang siya sa pila. She bought four burgers."

"Baka tig-dalawa sila ni Erebus."

"Malabo. Dumating si E kanina at nasa huli siya ng pila. Akala niya nga binilan siya ni Nyx pero turns out para iyon sa dinedate niya."

I blinked at what he said. "May boyfriend na si Nyx?"

"Wala pa ata. She's just dating I guess."

Huh. Nyx is a beautiful woman. Kung gugustuhin niya kahit na sino siguro ay gugustuhin na i-date siya. But some of us are secretly hoping that she and E will stop twiddling their thumbs and just date each other.

"Bakit dalawa lang ang binili mo?" nakasimangot na tanong ko nang halos makalahati ko na ang burger. "Bitin."

Akmang kakagat ulit si Blaze sa hawak niya pero dahil sa sinabi ko ay kunot ang noo na nilingon niya ako. "Kulang pa sa'yo 'yan? Ang laki niyan ah?"

"Ano naman kung malaki?"

"Ang liit mo."

Pakiramdam ko umabot hanggang bubong ang pagtaas ng kilay ko sa sinabi niya. "At ano naman kung maliit ako?"

Imbes na sagutin ako ay naiiling na hinati niya ang burger niya at inilagay iyon sa plato ko. Dahil hindi naman ako ganoong kasama ay nakanguso na inusog ko palapit sa kaniya 'yon pabalik.

"Joke lang. Sayo na 'yan. Nakagatan mo na rin eh."

"Malinis 'yan. Nahalikan mo na nga ako tapos tatanggihan mo iyong nakagatan ko lang?"

Napasinghap ako sa sinabi niya at muntik ko pang mabitawan ang hawak ko. Napalingon ako sa kinaroroonan ng dalawang junior agent na sina Charry Lyn at Trisha Pia na kasama ko kanina rito sa experiment department room. Halos sabay pa silang yumuko at inabala ang mga sarili nila sa ginagawa kahit na alam ko naman na nakikinig sila dahil kita ko pa rin kung paano silang magbungisngisan.

Para namang hindi ako sanay sa mga agent. Wala naman kasing ibang interesante na balita sa paligid namin kundi ang mga pighati namin sa buhay pag-ibig namin.

"Psst." Napatingin sa akin ang dalawang babae. Halos sabay nanlaki ang mga mata nila at kinakabahan na nagkatinginan sila. Akala mo naman bigla ko na lang silang babarilin. Hindi naman ako ganoong kasama. "May boyfriend kayo?"

Sabay sila na umiling.

"Pero nagkaroon na kayo ng boyfriend?" Nang tumango sila ay tinaasan ko ng kilay si Blaze bago ko sila muling binalingan. "Have you kissed your boyfriends before?"

Parehas na naging kulay kamatis ang mga pisngi nila nang tumango sila. I've seen them a couple of times here in the experiment department. Minsan nakakausap ko sila pero hindi kasi katulad sa field ay mas tahimik at abala ang mga taong nasa experiment department. Sila kasi talaga ang backbone ng mga misyon namin. They invent and enhance all the things we use for missions and they're also the ones that make sure that we won't die on the field.

"Kung lalawayan nila ang pagkain at ibibigay sa inyo kakainin niyo ba?" tanong ko.

"Yuck," sabi ni Charry Lyn.

Nakangiwing umiling si Trisha Pia. "Ew!"

I turned back to Blaze and I looked at him pointedly. "See? Iba kasi 'yon."

"Isn't kissing more disgusting since you're sharing saliva than just eating food that someone took a bite on?"

"Kapag ba nakipaghalikan ka lasang mayonnaise o seafood iyong kahalikan mo? Do you like the food infused breath or do you torridly make out with garlic on your kitchen during your day off that's why it doesn't matter to you?"

BHO CAMP #9: The MismatchedWhere stories live. Discover now