CHAPTER 5: Bang! Bang! Bang!

Magsimula sa umpisa
                                    

Nang makatuntong na siya sa isang malaking sanga ay pilit niya itong hinahanap…

Kathryn: Nakaakyat na ‘ko! Nasan ka ba?!

DJ: Hanapin mo ako!

Alam niyang gumagalaw ito habang nagsasalita. Tila tumatalon ito sa mga sanga-sanga ng puno…

DJ: Kath! May hawak akong baril! Magtago ka na! ‘Pag nakita kita… babarilin kita!

Napangiti siya sa sinabi nito. Tinutukoy nito ang laruang baril na binili nito sa bayan. Dalawa ang binili nito… para tig-isa raw sila….

Mabilis na niyang tinungo ang loob ng maliit na bahay nito at hinanap ang isa pang baril…. Nang makita iyon ay agad na niyang kinuha at lumabas na rin siya… Pakiramdam niya ay may tunay talaga siyang baril na hawak…

Nagsimula na rin siyang umakyat pa sa ibang mga sanga ng puno… Napakadali na lang niyang nagagawa iyon nang walang anumang pangamba kung mahuhulog ba siya…

Base sa mga naririnig na hampas ng mga dahon at langitngit ng mga sanga ay tila alam na niya kung nasaan ang kaibigan… At tama nga siya sa napuntahang direksyon dahil natanawan na niya ito sa ‘di kalayuan… Pero ikinainis niya dahil mukhang ito ang unang nakakita sa kanya…

DJ: Bang! Bang! Bang!

Nakatutok na ang baril nito sa kanya habang pinapaputok nito iyon… Kunyari ay umiwas naman siya… At nagsimula na rin siyang magpaputok…

Kathryn: Bratatatatatatat!!!!!

Nagtago ito sa isang puno… Maging siya ay ‘yun din ang ginawa… Muli silang naghulihan at nagpatuloy sa ginagawa… Matagal na ganoon lamang sila… Magtatago… tatakbo…. Tapos ay magbabarilan…

Pero maya-maya ay nakaramdam na rin siya ng pagod…

Kathryn: DJ! Ayoko na! Tama na! Pagod na ‘ko!

DJ: Sige! Mauna ka na sa bahay!… Susunod na rin ako! Ako ng bahala sa ibang mga kalaban!

Sinunod naman niya ang sinabi nito… at tinungo na ang tirahan… Nang makarating siya sa labas noon ay pasalampak na muna siyang umupo sa isang malapad na sanga… habang patuloy lang sa paghingal…

Kathryn: DJ! Lika na dito!

Pero hindi pa rin ito nagpapakita…

Kathryn: Ano ba?! Ang tagal mo naman eh!

Mula sa kung saan ay bigla na lang itong lumitaw… Hawak pa rin nito ang baril at mukhang babarilin siyang muli…

DJ: Bang! BANG!...

Napatigil saglit ito at tila namamalikmata sa nakita. Pero agad rin na nakabawi…

DJ: Bang! Bang! Bang! Kita ko ‘yung panty mo!!!! Babarilin ko ‘yung nandun! Bang! Bang! Bang!...

Hindi na niya napansin na nakabukaka nga pala siya at nakapalda… Agad niyang inayos ang pagkakaupo…

Kathryn: Bastos! Ang bastos-bastos mo talaga!!! Nakakainis ka na!!!

Nakangiti ito habang inilalagay ang baril sa bulsa.

DJ: Hindi ko naman kasalanan na makita ko eh… Dapat ikaw nga ‘tong nag-ayos sa pagkakaupo…

Kathryn: Pero kahit na! Dapat sinabi mo na lang! Kesa yung babaril-barilin mo pa!!!... I hate you!...

Tumalikod na siya dito habang naka-abrisiyete ang mga kamay sa dibdib…

DJ: Sus! May pa- I hate you, I hate you ka ng nalalaman ngayon ah!...Eto naman! Sorry na!...

Hindi na niya ito pinapansin. Nakatalikod pa rin siya. At kahit nang magpatuloy na ito sa pagkukwento ng kung anu-ano ay hindi pa rin niya ito kinikibo…

DJ: Grabe ka naman, Kath! Ang tagal mo namang magtampo ngayon… Sabi ko sorry na nga eh…

Nagmatigas pa rin siya…

DJ: Uy, Kath.. Kath… Kathryn, sorry na…

Kathryn: I hate you!

Hindi na ito umimik pa. Pero naramdaman niyang umalis ito sa pagkakaupo sa likuran niya. Hindi nga lang niya alam kung saan ito nagsuot…

Ilang sandali na ang lumipas ay hindi pa rin ito nagbabalik. Labis na siyang nagtataka. Kaya lumingon na rin siya sa kung saan-saan. Pero hindi na niya maramdaman na nasa paligid pa ito…

Kathryn: DJ?!... DJ?!...

Nagsimula na siyang magtawag. Pero walang sumasagot… Naisip tuloy niyang baka nasaktan ang kaibigan sa sinabi niya… Kung tutuusin din naman kasi siya ang may kasalanan eh… Dapat talaga nag-iingat siya…

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang may makita siyang bumababang isang napakagandang bulaklak… Nakatali iyon sa isang lubid at tila may naghahawak sa itaas…

Agad naman niyang tiningnan kung sino ang may gawa niyon. Paglinga niya ay nakita niya ang kaibigan na nakadapa sa isang mas mataas na sanga… Nakatingin ito sa kanya habang hawak-hawak ang mahabang lubid…

DJ: Sorry na oh… Bati na tayo…

Bahagya siyang umirap. Saka muling ibinaling ang tingin sa kulay-pulang bulaklak. Alam niyang sa tuktok lamang ng isang puno maaaring makuha iyon. At base sa tangkay nito ay mukhang kapipitas pa lamang…

DJ: Kath, bati naman na tayo oh…

Napabuntung-hininga siya... Kinuha niya ang lubid at pinigtas iyon para mahawakan na niya ang bulaklak… Pagkahawak ay agad niya itong inamuy-amoy…

DJ: Ayan! Bati na ulit kami!

Nakatingin lang siya sa bulaklak at hindi pa rin umiimik. Kahit kailan talaga… tila ang mga bulaklak ata ang kahinaan niya…

DJ: Kath! Hindi mo na ako hate ‘di ba?... ‘Di ba love mo na ulit ako?..

Luminga na siya dito. At nakita niyang naghihintay talaga ito ng kasagutan…

Kathryn: O, sige na nga… Bati na tayo…

Bahagya itong napangiti…

DJ: Love mo na ulit ako?

Bilang kasagutan ay magkakasunod na tango ang ibinigay niya dito habang maluwang ng nakangiti….

______________________________

Hope you leave your votes and comments… ^__^

A Fairytale's MishapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon