"Hindi mo man lang ba namiss ang dati mong kaibigan?" kahit kailan,ang taong ito ay hindi marunong magbiro. Nahalata ko dahil ang ngisi nya ay puno ng himagsik.

"Wala akong kaibigan" pilit na tanggi ko. Kailangan kong magpakatatag lalo na't hindi na sya ang dating Aldrico na nakilala ko. Hindi ako magpapakita ng kahit katiting na awa o lungkot sa kanya.

"Ah, madali lang para sa iyong talikuran ang lahat ng pinagsamahan natin, gaya ng pagtalikod mo sa pagpatay mo sa aking kapatid na si Ethana..." hinanakit nyang pahayag. Unang beses akong napalunok niyon. Tumagos sa akin ang sinabi nya. Basta't tungkol sa kapatid nya, wala akong masabi. Wala akong maidahilan. Wala akong magawa para makapagpaliwanag. Umuurong ang dila ko dahil sa kanya.

"Oh ano? Hehe, akala mo nakalimutan ko na? Noong una tayong nagkita, nagtaka ako kasi kasama mo noon ang kaaway kong si Callevein, bukod pa roon, bumalik ka ng walang pasabi..wala tuloy akong mairegalo sa pagbabalik mo" parang nanghihinayang pa syang sabihin iyon. Nagtiim ang bagang ko.

"May magkaaway bang...nagpapaalaman sa isa't isa ng mga gagawin?" pamimilosopo ko. Nawala ang ngisi nya sa mukha.

"Kaaway ma pala ang tingin mo sa akin Black?"

"Simula noong hinayaan mong mamatay ang kapatid mo, oo" walang kagatol-gatol kong tugon. Hindi na ako makatingin ng diretso sa kanya. Mukhang alam ko na kung saan aabot ang usapang ifo.

"Sa akin mo isisisi ang lahat ng kasalanan 'mo' sa kapatid ko gamon ba?"

Heto na naman. Umaandar ang pagiging makitid ni Aldrico. Malapit na akong mainis.

"Ano ba talagang sadya mo rito? Si Callevein hindi ba? E di puntahan mo, wala akong pakialam sa mga lakad ninyo Dynamo, gawin mo lahat ng gusto mo, ng hindi ako ang iniistorbo mo"

"May hihilingin akong pabor sa'yo Black," anito, "maniktik ka para sa amin, kunin mo lahat ng impormasyon sa kanila, sa kaniya, kunin mo ang loob nya. Nang sa gayon, mas mapapadali ang pagtapos namin sa kanya"

O_O

"Tapos?"

"Sumapi ka sa amin...sa aming grupo, sa kapatiran...at sa... Organisasyon..."nakakasindak ang ipinakitang paglalahad ni Aldrico habang sinasambit ang mga salitang iyon. Hindi ko maiwasang mainis. Ano bang meron sa pagsali ko sa mga yan? Kapangyarihan? Pera?

Kontento naman na ako sa buhay na ibinigay sa akin ngayon. Wala na akong balak pang bumalik sa dati kong kinagisnan.

"Ano tingin mo sa akin? Utusan?" naiinis na talaga ako. Kailangan ko na yatang makaalis bago pa ako manapak ng tao ngayon.

"Tsk, tsk, tsk.." dahan-dahan nyang pag-iling, "walang duda..."

Walang emosyong ko na lang syang tinitigan.

"Walang duda...." anito ng naibaba ang tingin nya sa sahig, "nagbago ka na..walang duda"

"Kung wala ka ng sasabihing maganda Dynamo, aalis na ako--"

"Nakokonsensya ka na ba sa mga atraso mo kaya ka nagkakaganyan?"

Saglit akong natigilan sa kanya. Tila kulog iyon sa aking pandinig. Hindi ako nakasagot ng diretso.  Alam kong malalaman nya ang totoo, pero hindi ko hahayaang lahat malaman nya.

"Umalis ka na lang dito...pakiusap, bago ako mawalan ng pagtitimpi sa sarili ko"

"Mayabang ka pa rin magsalita" tiyak akong nakangisi na naman sya, "kunsabagay, ani ang laban namin sa dating pinuno ng kapatiran? na walang awa at daig pa ang tigreng gutom sa kapangyarihan at gulo?"

THE UNEXPECTED Season 2Where stories live. Discover now