" Bakit ba sinasabe mong male-late tayo eh ang aga aga pa oh? Mamayang 2pm pa ang signing event!" wala sa loob na reklamo ko.
" Ay teh, pano mo naman nalaman na 2pm? Wala naman ako natatandaan sinabi ko sayo ah." kunot noong tanong nya saken. Ooopps! Bakit ba sinabe ko yun?! Tanga mo talaga Caassidy Victoriaaaa!
" A-Ano ka ba Dette! Sinabe mo kaya saken kanina! Panu ko naman malalaman kung di mo sinabe? Hahaha!" sinamahan ko pa ng tawa kong parang tanga naman. Dette maniwala ka pleaaaaaase!
" Hmm.. Sabagay! And to answer your question, teh, kahit maaga pa punta na tayo dun! Kase for sure haba na ng pila lalo mamaya. Aba syempre gusto ko nasa unahan tayo! " excited na naman nyang sabi. Wala na ko nagawa ng hinila nya ako ulet. Di pwede to. I need to buy more time kahit hanggang makarating man lang si Brix dito!
" Wait lang Dette! Sakit ng tyan ko kase kanina pa. Dahil ata sa nainom ko kahapon to eh. I'll go to the restroom first, wait for me na lang dun sa cafe na yun. Mahirap na kase baka maya pa ako nyan sa event sumpungin eh." palusot ko with matching acting pa at paghawak sa tyan ko. This is the only escape I can think of right now.
Mabuti na lamang at naniwala si Dette. Agad agad akong nagpunta kunwari sa cr pero ang totoo andito lang ako malapit sa restroom at nakakubli habang nakasilip kay Dette. She's busy with her phone while sipping the frappe she ordered.
I also checked my phone immediately and felt so relieved na nagreply agad si Brix. He said na he's already in the mall and he's asking for my location. Good thing daw na nasa nearby area lang sya kaya nakapunta sya agad. I texted her Dette's location. Now all I have to do is wait what will happen. I am curios what's Brix plan is. Di nya naman nabanggit. Basta I am praying for this to work out, kundi di ko na talaga alam gagawin ko.
Di rin nagtagal at nakita ko si Brix sa di kalayuan sa pwesto ni Dette. He's wearing a mask and cap which he always does naman kapag lumalabas sya ng mag isa lang. He then approached Dette when he reach her. Nakita ko kaagad ang pagsimangot at pag irap ni Dette. Kung sa ibang pagkakataon baka humagalpak nako ng tawa dito. I know Brix. Di yan sanay ng may babaing sinusungitan sya. Sanay kase sya that everyone around him is attracted by his charm.
Di ko na alam anong nangyari basta bigla nalang dumami ang tao sa paligid nila at nakita kong tumatakbo ang dalawa palayo sa kinaroroonan nila. Nakahawak si Brix sa kamay ni Dette dahil hila hila nya ito. What's more surprising is nakatanggal ang cap at mask ni Brix which is alam kong hinding hindi nya gagawin lalo na at mag isa sya labas.
Tila bigla naman akong nakaramdam ng guilt. Lagi nalang si Brix ang sumasaklolo sakin pag nalalagay ako sa alanganin. I am worried about the aftermath of him exposing himself in public. Nag aalala din ako kay Dette. Lalo na't napansin ko kanina daming flashes mg camera sa paligid. Baka madamay sya. This is all because of me. Hiding the real me to everyone.
I was about to text Brix to know what happened when my phone suddenly rings. Dette is calling! Huminga muna ko ng malalim bago ko sinagot ang tawag nya.
" Cassy! I am sorry mukhang di muna tayo tuloy ngayon ah. May nangyari lang. Sorry talaga teh. Explain ko nalang sayo tom! Bye! " she said in a panting tone. Mukhang di pa sya nakakahinga maayos mula sa pagtakbo nila. Ni di man lang nya ako binigyan ng chance makasalita at magtanong.
Muling tumunog ang cellphone dahil sa dalawang bagong message. Isang galing kay Lyka asking where I am and I should be in the venue at 12pm sharp and isang galing kay Brix telling me that everything is okay at wag na daw ako mag alala dahil sya na ang bahala kay Dette. Lihim akong napangiti. Di ko alam pero natutuwa talaga ako pag magkasama ang dalawang yun kahit pa mukha silang aso at pusa.
Wala na akong inaksayang oras at agad na pumunta sa location. Nagulat pa nga si Lyka dahil ang aga ko pa daw. Pero ayos na din daw para di sya magmadali sa pag aayos saken. Medyo malaking event din kase ang fan signing kong ito dahil maraming fans ang pupunta kaya dapat postura talaga ako.
Natuloy ng matiwasay at maayos ang event. Palingon lingon ako sa paligid hoping na makita ko pa din si Dette pero wala talaga sya. Excited pa naman ang babaing yun dito. Nag iisip tuloy ako kung dapat ko na bang sabihin sa kanya para di na din ako ulit aabot sa ganitong sitwasyon.
Dumerecho agad ako sa backstage para saglit na magpahinga bago ko tanggalin lahat make up ko sa mukha. I was about to sit down when suddenly someone grabs my arms at pilit akong iniharap sa kanya.
" R-Renz?! What are you doing here? Baka may makakita saten na magkasama tayo!" gulat na sambulat ko sa kanya. I am really in shock. Wala naman akong sinabe sa kanya about sa lakad ko today.
" You left without a word. Ganun ba kahirap magpaalam Cassidy?" napaiwas ako ng tingin. Totoo naman. Tinakasan ko sya kanina. Di ko pa kase alam pano sya haharapin eh!
" Di ko naman kailangan magpaalam sayo. Ano ba kita?" I know I'm being harsh. Eh sa yun naman totoo. Nakakainis at nakakalito na kase mga actions nya towards me.
" Then let me ask you back that fucking question Cassidy. Ano nga ba ako sa'yo?" sobrang seryoso ng mukha nya at matiim ang pagkakatitig nya saken. Unti unti nya din akong hinahapit palapit sa kanya. Sinasalakay na naman ako ng pakiramdam na tila hindi ako makahinga kada magkakalapit kame ng ganito.
" Renz.. Please, lets talk but not here. Baka may m--"
" Renz?!" sabay kame napatingin sa babaeng bigla nalang umalingawngaw ang boses. Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat ng mapagtantong si Dette ang nasa harapan namin! Nanglalaki din ang mata nya sa gulat at di makapaniwalang palipat ang tingin sa akin, kay Renz at sa mga braso nyang nakapulupot sa akin. Sunod na dumating si Brix na tila hinihingal galing sa pagtakbo. Agad syang napahilamos sa mukha nya ng makita ang eksena naming tatlo. Tumingin sya sa akin and he mouthed "sorry".
" A-Ahm.. I.. I can e-explain ever--"
" How dare you Renz Anderson!!!! Are you two timing my bestfriend Cassidy?! At sa idol ko pa talaga ah!" di ko na natapos ang balak kong sabihin dahil sa muling pagsigaw ni Dette. Kitang kita ang galit sa mukha nya. Ni hindi nya ako tinitingnan eh. Nakatuon ang buong atensyon nya kay Renz na ngayon e nakabitaw na saken at prenteng nakapamulsa lang.
" Hmm.. Two timing huh...." nanglalaki ang mata ko habang nakatingin kay Renz. Wag na wag ka lang magkakamali talaga sa mga salitang bibitawan mo! Malilintikan ka talaga saken Renz Anderson.
" Just so you know, I'm no two timer. And to make it clear, yeah, this woman beside me is my girlfriend. Now its up to you to sort things out." he even smirk before leaving us.
Just when I thought that he has even the slightest sensitivity in the situation. Haist! Mas lalo lang nya pinalala! Tila mas lalong kumunot ang noo ni Dette.
Oh dear God, can I just vanished right now?!
YOU ARE READING
I'm A Nerd AND I'm Famous!
Teen FictionCassidy Victoria Moore (Irene of Red Velvet) An eighteen year old college girl living an upside down yet normal nerdy life, & at the same time, a fabulous & successful celebrity life?! How possible it can be, right?! Well, believe it or not, Cassi...
Chapter 27 : Busted
Start from the beginning
